Chapter 37- Meron nga ba?

78 4 0
                                    

 Ezra’s POV

“Tell  me your story… bakit mo naisipang magmaid?”

Simpleng tanong pero hindi ko alam ang isasagot. Kung bakit ba naman kase yun pa ang itinanong nitong si Ugok eh. Tss.

 “Hoy! Tulala ka na dyan?” tanong ulit ni ugok.

  “Ah, wala. May naalala lang ako. Ano nga yung tanong mo?” kunwari di ko tanda. Speechless ako. Hindi ko naman kase napaghandaan to.

“Alangan namang mag-GRO ako? Lul-“

“Bukod run syempre. Ang shunga mo talaga.” Sagot nya.

“Eh kase wala akong choice. Sana malaki ang sahod ng Mama mo noh?”

“Talaga bang mahirap ka?”

Napatingin ako bigla sa kanya.

  “O-oo naman. Kaya nga ako nagkatulong eh, wala akong diploma kaya hindi din ako matatanggap sa ibang trabaho, kung hindi mo kase alam, kahit pagiging gasoline girl eh kinakailangan na ng diploma, eh 3rd year high school lang naman ang natapos ko.” Paliwanag ko. Sana naman maniwala tong si Ugok. Naku! Ang hirap pa naman nitong kumbinsihin.

Tiningnan ko naman ulit sya. Nakakatitig lang sya sakin. Ano bang iniisip nito.

“Hoy! Anong ginagawa mo ha?” nagitla ako ng hawakan nya ang kamay ko.

“Malambot naman ang kamay mo,” sabi nya.

Minamanyak mo na ako nyan Ugok ah.” Sagot ko naman.

Saka, itong balat mo makinis naman, hindi halatang nangangatulong ka.”  Sabi pa nya.

“Ano ba! Wag mo nga akong hawakan sa mukha. Saka, kailangan ba talaga pag mahirap ka, magaspang ang kutis ko saka matigas ang kamay ko? Ang klaseng logic naman yan Ugok ha?”

Binitiwan nya yung kamay  ko. Hay salamat naman, nakakainis talaga tong Ugok na to.

“Ah. Sya nga pala, kumusta na kayo ni Bespren?” pagbabago nya ng topic, na ipinagpasalamat ko naman, at the same time medyo nailing ako. Syempre kase, alam kong may gusto sya sakin pero tinatanong nya about kay Ross. “Ok naman kami.” Yun lang naisagot ko.

“Ang cliché ng sagot mo.” Sabi nya.

“Wow ha, spell mo nga yung cliché?” sabi ko naman, tumawa lang sya.

“Wag na baka bumilib ka pa.” natatawang sagot nya.

“Ha! Talaga naman may pinapatunayan ka.”

“Lul.” Yan! Yan ang sagot nya sakin. Walangayang to! “Lul ka din.” Sagot ko naman, pero ewan ko ba, sanay na ako sa kanya na ganyan siya, ayoko kaseng nagsi-seryoso tong si Ugok eh, nakaka-ilang. Mas pipiliin ko ng balahurain nya ko sa mga sagot nya kesa sa nagiging deep sya.

“Ang sweet nyo naman. Mukhang na-istorbo ko kayong dalawa. Sorry. Hehehe.” Biglang sabi ni Ate Liberty na di ko malaman kung saan galing.

“Oh Ate. Andyan ka pala?” sabi ni Ugok.

“Hi Ate. May ipapagawa ka ba?” tanong ko naman.

“Wala naman Ezra. May sasabihin lang sana ako sayo,” sabi ni Ate, saka inirapan si Ugok. Isa pa tong si Ate Liberty, minsan ang strict kay Ugok, minsan naman para silang bata kung magturingan. Pero I find that cute kase kahit na hindi sila totoong magkapatid, I mean half-sibling lang sila, pero ang ganda ng bonding nila. Namiss ko na naman tuloy si Bunso, closena close kase kami nun eh, ano kayang ginagawa nya? Sana Makita ko ulit siya.

TriangGULONG Pag-ibig (On-Going &Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon