Chapter 9- Assuming ka.

137 6 0
                                    

Sy's POV. 

Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinabi kong GIRLFRIEND ko tong babaeng nasa harap ko ngayon.

"Hoy! Anung pinagsasabi mong Girlfriend mo ko? Feeling ka ah!" sabi nya. kanina pa sya talak ng talak sakin. Nakakarindi na nga eh.

"Ginawa ko lang yun para di ka sigaw sigawan ng manager mong malapad ang noo!" sabi ko.

"At sino namang nagsabi sayo na kailangan mong gawin yun? Aber?" suplada naman nito.

"Wala lang. I'm just trying to be a gentleman here, bad thing is you dont appreciate what I did" syempre pa charming kong sinabi yung linyang yun..

"Gentleman daw? lokohin mo lelang mo! Manyak ka na nga, assuming ka pa! Che! Dyan kana!"

Umalis na? Di man lang nag pasalamat sakin? Hiyang hiya naman ako. Well, at least sa tingin ko nakabawi na din ako dun sa pagnanakaw ko sa kanya ng halik.

Pero..bakit ganun? Iba yung epekto ng babaeng yun sakin eh. Alam nyo yun? Yung parang amaze na amaze ako sa kanya. Saka sa totoo lang, maganda sya, at malambot ang lips nya. Di lang yun..

"Ahhhhhhhhhh!!" ako yan.

Kanina pa ko dito sa kama ko, at matutulog na sana ako, pero anak ng pucha. Di ako makatulog, naiisip ko pa din yung babaeng burger kanina. Anu nga ba yung pangalan nya? Bobo ko naman, di ko natanong. 

Di kaya posibleng... may gusto ako sa kanya? Hindi pwede, playboy ako eh, matinik sa chicks, habulin ng chika babes. Saka baket ako magkakagudto dun sa babaeng yun? Hayyyy!! Anu ba yan. Asaaaaarrrr!!

Kinabukasan.

"Oh anak, bat an laki ng eyebags mo?" sabi ni mama.

Ayunnga, sa kakaisip ko sun sa babaeng yun eh, di ako nakatulog ng maayos. Ang laki tuloy ng eyebags ko. Kailangan ko syang pagbayarin sa ginawa nya sakin. Panu ko nito haharap sa date ko kung mas malaki pa sa mata ko tong eyebags ko.

"Ah wala po Mom, nasobrahan lang sa psp hehe" umupo na ko sa mesa. Wala pa namang pasok ngayon, linggo pa lang eh. Hahanapin ko yung babaeng dahilan ng eyebags ko ngayun.

"Ok.kain kana"

~Hours later

Saan ko kaya yun hahanapin? para naman ako nitong tanga eh, naghahanap ng taong ni pangalan di ko alam.Bat ko ng ba kase di natanong yun.

Lakad.lakad.Lakad---

Teka, si Erza yun ah. Wait, sinong kasama nya? Ops.. si Ross? May date ba sila?

Di bale na nga, hahanapin ko muna sya dito sa park, malay ko ba kung andito sya.

Ross POV.

Andito kami ni Ezra sa Park ngayon. Inutusan daw kase sya ni Kiel na mamalengke. Sira talaga yun. May ibang katulong naman sila eh.Pinag ti-tripan na naman siguro si Ezra.

Kung bakit ko sya kasama? Galing kase akong mall, may binili lang akong bagong libro,nadaan ko sya na ang daming bitbit, kaya pinasakay ko na sya. Ta yun, inaya ko muna syang kumain sa restaurant, kaso ayaw nya daw dun. Nag suggest sya ng pwedeng kainan.

"Oh diba Ross, sabi ko sayo, masarap ang pagkain dito eh." sabay subo nung bilog na kulay orange, di ko alam kung anu yun eh.

"Ah oo" pero di ko pa kinakain yung sakin, tinitingnan ko lang sya.

"Oh bat ayaw mo pang kainin yan? Tikman mo, masarap yan. pramis" 

So tinikman ko nga.

"Masarap nga. Anu bang tawag dito?" 

TriangGULONG Pag-ibig (On-Going &Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon