Chapter 28- Asaran...

98 4 1
                                    

Sy's POV.

Hinila ko si Pau palabas ng school, di, joke lang, hindi pwedeng lumabas ng campus kapag class hour pa, mahigpit ang mga guards dito sa SAA, kaya sa mini park ko na lang dinala si Pau, malawak kase ang Academy namin, kaya wag na kayong magtaka kung bakit may mini park dito, bale, yung mini park na tinutukoy ko eh nasa kabilang bahagi ng Academy, nahahati kase sa 3 department ang Academy na to, una sa Pre-school and Grade School Dept. pangalawa naman ay ang High School Dept. which is yung department namin, saka ang ang huli ay ang College Department, mas malawak nga lang talaga ang sa High School Dept. 

So ayun nga, andito na kami sa Mini Park ng Academy, hindi naman kami bawal pumunta dito sa mini park kahit class hour dahil yun nga ang dahilan kung bakit may ganto sa Academy namin kase instead na magpilit tumakas ang mga students para mag ditch ng klase at pumunta sa labas eh dito na lang sa loob ng Academy. Pero hindi ko sinasabing laging may nagdi-ditch ng klase ah, hahaha, pero meron naman ata, at isa na ko dun, hahaha, pero noon yun. Yung ngayon naman, eh hindi dicth kase wala naman si Miss. 

"Hoy! Bat mo ba ko dinala dito? Ayokong mag cutting ah!" aish, ang ingay naman ni Pau.

"Wala si Miss kaya hindi ka magka-cutting." natatawang sagot ko.

"1 hour lang ang Math kaya ibig sabihin, may klase tayo sa english! Shunga!" singhal naman nya sakin.

"Hindi mo ba alam? Walang klase this morning dahil may Conference ang mga teachers sa Office urgent daw, late ka kase kaya hindi mo alam, kaya don't worry walang sagabal satin sa date na to." masayang sabi ko.

"Inuuto mo ko! Eh bat andun pa din yung ibang classmates natin sa room."

"Eh kase nga po, yung mga naiwan dun kung napansin mo, puros mga mahihilig mag-aral, hindi mo kase tinanong si Rhian kanina." paliwanag ko.

"Puros mahilig mag aral ka dyan, eh bat andun ka?"

"Inaantay kita." seryosong sagot ko, totoo naman eh, hindi ko alam kong bat ang lakas ng tama ko sa babaeng to, eh ang plain plain nya naman, malayo sa mga ex's ko. Maliit pa yung b**bs nya. Pero iba kase yung epekto nya sakin eh, tanda nyo pa ba nung hinahanap ko sya kaso ni pangalan nya hindi ko alam? Nawalan ako ng pag-asa na makita ko ulit sya, halos 1 linggo din akong pabalik balik sa park kung saan kami uang nagkita. 

Pero kapag sini-swerte ka nga naman, si Lord na mismo ang gumawa ng paraan para magkita ulit kami. Hahaha. 

"Bat mo naman ako hinihintay?" tanong nya naman na medyo nag blush sya.

"Kase nga gusto kita." seryosong sagot ko.

"Ako din.." sagot nya. Gusto nya din ako? Hahahaha--

"Gusto kitang kaltukan, tadyakan at ibalibag sa outer space kase nakakaasar ka. sa tingin mo madadala mo ko sa mga arte mo? Pwes muka mo! Gusto pala ah, asa ka!" sunod sunod na sabi nya sakin. Alam mo yung seryoso ka sa sinabi mo tapos hindi nya man lang na-appreaciate.

"Ang hard mo naman, hindi ka man lang ba naa-attract sakin?" nakanguso kong sagot. :3

"Hindi!"

"Hindi ka ba nacu-cutan sakin?"

"Hindi!"

"Hindi ka ba naga-gwapuan sakin?"

"Hindi din."

"Hindi mo ba ko gusto?"

"Hinding hindi!"

"Hindi mo ba kayang malawa ako?"

"Hind-"

"Lalo naman ako, hindi ko kayang mawala ako. Hahaha." tawang tawa ako sa sinabi ko, pati sa ekspresyon ng mukha nya.

Toinks! BOOM!

"Aray! Bat  ka nambabatok?" panu ba naman bigla biglang nambabatok.

"Dyan ka na nga!" sabi nya sakin sabay lakad paalis.

"Hoy! Saan ka pupunta? Hindi pa nga tayo nagsisimulang mag date eh aalis ka na, Pau! Wait! Sandale!"sigaw ko habang hinahabol ulit sya. Hays, hahabol habol na talaga ako sa babae, sa kanya ko lang ginagawa to, madalas sila ang naghahabol sakin. King ina, karma ata to eh.

"Ewan sayo! Maghanap ka ng kausap mong bwisit ka!" sigaw nya sakin, buti na lang walang tao masyado.Akala ko naman masosolo ko na si Pau. Di bale na malayo ng 10 taon na hindi ko sya masolo. *Evil Laugh*

Ali's POV.

Hays. I really miss Zech na. Kung bakit ba naman kase ako nagka fever eh, hindi man lang nya ako binisita, huhuhu.3 days din ako sa hospital ah, namiss ko tuloy ang events sa Academy, ayan pagbalik ko madaming nagbago, like ng pagkakasali ng panget na si Ezra sa Volleyball team. Like duh? Bakit sya kasama? At eto pa, pinatamaan daw ng bola ng panget na yun si BFF Misty. Urgh! Kaya naman agad-agad kong pinuntahan yung letseng Captain na si Trixie, at ang sabi nya, magaling daw si Ezra and yung bestfriend nya, nagustuhan nga daw ni Tito, kaya pasok agad sila sa team. Well, mas magaling ako sa kanila, kung hindi nga lang ako nag-quit hinding hindi makakapasok yang mga panget na yan. Naging busy lang ako this past few days kaya, nag-quit ako, and I pursued my acting skill sa Drama Club, pero dahil sa balitang yun mukhang kailangan ko ng bumalik hahaha, hindi ko papalagpasin yung babaeng yun. Like duh? ..

"Hi evil cousin!" bati ni Ely ang pinsan kong pang-asar! Magkapit bahay lang kase kami neto, nasa isang sosyal na subdivision lang kami, ganun din sila Zech kaso medyo malayo din ang distansya mula sa beautiful house namin.

"Don't talk to me nga. Shupi!" sabi ko, andito kase ako sa may labas ng gate namin, inaabangan kong dumaan ang kotse ni Zech.Hindi ko kase sya nakita sa school kanina. Lagi syang busy lately.

"Wag mo ng antaying dumaan si Kiel, hindi dadaan yun lalo na't andyan ka. hahaha" pangaasar naman ni Ely.

"Tse! I said don't talk to me, I  dont need you're opinion!"

"Ang arte mo! Kaya ka hindi pinapansin ni Kiel eh haha, kung ako sayo, mag-move on kana Ali." nakatawang sagot nya.

"Whatever! Pakialamero ka kahit kelan."

"Hindi ah. Payong pinsan lang Ali, mag-move on ka na habang maaga pa. kase kung hindi, kawawa ka hahaha."

"Who said I'm going to be kawawa? Like duh? MU kaya kami ni Zech."

"MU? Ang baduy mo Ali, hahaha. Magulong Usapan? Asa ka Ali, may ibang gusto si Zech." 

May iba? At sino naman?

"Sino? Tell me Ely, sinong babae?" tanong ko.

"Ewan, hahaha, basta may ibang gusto yun, at I;m sure hindi ikaw yun, kaya nga sabi ko mag-move on ka na diba? Hahaha, dun ka na lang kay Berto, yung tambay sa kanto, obssessed sayo yun diba?" 

"Urgh! You're so annoying Ely, alis na nga, wala kang kwenta!" 

"Pero seryoso Ali, kay Berto ka na lang, dun hindi mo kailangan mag habol .. hahaha"

Yung tinutukoy nyang Berto ay si Byron, yung dati kong kaklase nung Grade School days kami, kababata din naman siya, and may gusto sakin yun, like ewww! Ayoko sa kanya. He's creepy!

"Mommy!!! Si Ely oh, inaasar na naman ako.!!" sigaw ko habang si Ely naman eh panay ang tawa.

Ang tagal naman kase ni My Labs. Matanong nga kung sino yung sinasabi ng kumag kong pinsan. Humanda talaga ang babaeng yun sakin.

♥♥♥

Thank you! :)

TriangGULONG Pag-ibig (On-Going &Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon