Chapter 25- Jealous...

115 6 3
                                    

Kiel's POV.

"Thanks God it's friday" sigaw ko pagkabangon ko mula sa kama ko. Ang bilis ng araw ah, sabado na bukas, at sunod ay linggo na, paniguradong lunes ang sunod. Hahaha. Ay? t-teka. diba sa linggo ay lalabas sila Abno at Bespren? Ano kayang gagawin nila? Bakit ba ako nag-iisip? Paki ko ba dun.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko...

"Buti gising ka na" 

"Ay tokwa ka" nagulat ako sa biglang nagsalita.

"Ang ganda ko namang tokwa noh!" 

Si Abno lang naman ang gumulat saakin.

"A-ano bang ginagawa mo rito?" iritadong sagot ko pero may halong kaba.

"Bakit ang hilig mong magulat pag nakikita mo ko? Ang ganda ko naman para kagulatan mo" nang-aasar na sagot nya.

"Anong maganda ka? Iww ka ah, hindi mo man lang hinintay na iba nag pumuri sayo." sagot ko.

"Hindi ko na kailangan ng opinyon ng iba nuh, maganda ako at yun ang mahalaga. Haha, teka nga hindi mo naman sinagot yung tanong ko ah."

"Ano bang tanong mo?"

"Limot agad?"

"Ewan sayo."

Lumapit sya saakin saka muling nagsalita.

"Hmmm.. kung ayaw mo akong sagutin sa tanong ko, ako na lang sasagot para sayo"

"Anong sinasabi mo dyan?"

"Dalawa lang kase ang dahilan kung bakit ka nagugulat pag nakikita mo ako, it's either nagagandahan ka sakin, or crush mo ko :P" confident na sabi nya saakin, ang kapal ng apog ng babaeng to eh.

"Alam mo ikaw Abno, minsan nagtataka ako sayo eh, nagtataka ako kung saan mo nakukuha ang kapal ng apog mong sabihin ang ganyan saakin, lakas mong mag-imagine ah." sagot ko naman.

"Ganun talaga Ugok pag maganda, masanay ka na."

"Konteng payo lang sayo ah, bawasan mo ng konte yang kakapalan ng apog mo Abno, hindi nakakatulong sa trabaho mo. Bakit ka ba andito sa kwarto ko ha? Hindi ka man lang kumatok, mamimihasa ka na ata." mahabang sagot ko sa kanya.

"Naks, may pinaghuhugutan Ugok? Hahaha, lakas maka-payo ah, saka kaya ako andito kase nga po, pinapagising ka ng Ate mo saakin, aba, byernes pa lang kung maka-tulog ka kala mo Summer vacation na." -____-*

"Gising na naman ako ah. kaya pwede ka ng umalis."

"Wooookeeeyyyy." pang-asar talaga tong babaeng to eh.

"Ah nga pala Ugok, pasabay ako ulit ah. Salamat ^____^" sabay takbo palabas. 

Napa-facepalm na lang ako. Nag kulit ng lahi nya.

Pagbaba ko, nag-almusal na ako.

"Tara kain" alok mo kay Ate na kakababa lang din.

"Sige, tapos na ako, magkasabay kami ni Ezra kanina, maaga kaming nagising." sagot saka naman umupo sa harap ko.

"Mukhang close kayo ni Abno ah."

"Oo naman, alam mo namang sabik ako sa kapatid na babae bro, saka mabait naman sya. Diba Manang Fe?" 

"Opo Ma'am :)" sagot ni Manang Fe, habang nagsasalin ng juice sa baso ko.

"Oh diba? haha, ay nga pala Bro, bakit ba Abno ang tawag mo kay Ezra?" takang tanong nya.

"Wala lang, mukha kase syang Abnormal, saka bagay naman sa kanya ah."

"Ang ganda naman ng endearment nyo hahaha, ang sweet" kinikilig na sagot nya.

TriangGULONG Pag-ibig (On-Going &Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon