Chapter 17- Kiss...

137 8 0
                                    

Kiel's POV.

Ibang klase, ayaw sakin sumabay pero pag si Ross ang nag-aya halos magtatalon na sa tuwa. Nakakainsulto ah. Maganda naman ang kotse ko ah. Tss. Bahala nga yang abnong yan. 

"Oh, Kapatid. ang lalim ng iniisip natin ah. Babae ba yan?" hindi ko namalayang lumapit pala si Ate, hays, ito na naman po sya, I'm sure mangungulit na naman to.

"Hindi. At paano mo nasabing malalim? Sinisid mo ba? Linangoy mo ba ha?" iritadong sagot ko.

"Sus, gumaganyan ka na ngayon ah. May pinagdadaanan ka siguro." sagot naman nya.

"Oo, at madaming bato ang pinagdadaanan ko Ate, at pwede akong pumulot ng isa para ibato sayo.." sagot ko ulit at saka sya tumawa.

"Well, base sa aking obserbasyon, nagkakaganyan ka kase hinatid ni Ross si Pretty Ezra nuh?" nanunuksong tanong nya saakin. Natigilan naman ako.

Humarap ako sa kanya. "Alam mo Ate, mas kailangan ka ata sa Japan kaysa dito, umuwi ka para bwesetin ako.." sagot ko  naman ulit,tumawa ulit sya. hays, baliw na talaga sya. 

"Hahaha. Ayokong umuwi, mas gusto ko munang mag-stay dito para masaksihan ko ang pagiging in-denial mo." nakatawang sagt nya pero seryoso ang tono.

"A-anong sinasabi mo dyan Ate? Hindi ko sya gusto nuh." 

"Hahahaha. Nakakatawa ka kapatid, wala naman akong sinasabing gusto mo sya. Saka sino bang  SYA? Hmm. Si pretty Ezra ba?" nanunuksong tanong nya.

0_0

"H-hindi ah. Dyan ka na nga. Wala kang kwentang kausap." sabi ko sabay takbo sa kwarto ko.

"Hahahahaha. Tingnan mo to, di pa nga tayo tapos magusap eh. Haha. Napaghahalataan kana tuloy!." sigaw nya sakin.

Ayan na naman si Ate sa mga panunukso nya. Anong sinasabi nya? Wala akong ni katiting na gusto dyan kay Abno nuh. Ang panget nya. Saka, ayokong magkagusto dun nuh, kung magkakagusto ako sa babae, sa isang pang-modelo na ang katawan, yung maputi, hindi tulad ng Abnong yun, morena. Teka, bakit ko ba sya iniisip? Yak! Makapag praktis na muna nga ng drums.

Pumunta ako sa kabilang kwarto, andito lahat ng instrument ko na ginagamit pag nagpa-practice ako mag-isa, mahilig ako sa music, hindi nga lang talaga halata. Kaya nga ako sumali sa Glee Club eh. Marunong din akong kumanta at minsan sumasayaw din ako. Nakahiligan ko na to noong nasa Elementary pa lang ako, kasama ko si Bespren dito magpraktis madalas, marunong akong mag gitara, piano, pero ang mas gusto ko sa lahat eh itong Drums. Dito ako magaling talaga.  

Kinuha ko ang drumstick ko at saka pumwesto sa drum set. Sinimulan kong magdrums, mahilig ako sa mga kanta ng FM Static, The Script, All time Low, The Red Jumsuit, Simple Plan,Green Day at Faber drive, yung mga kanta nila mismo ang madalas kong tugtugin. Pero hindi ako rakista ah. Nagagandahan lang ako sa mga kanta nila, at kapag ganun, ako mismo, pinapractice ko kapag nagustuhan ko. Pero mahilig din ako sa Acoustic minsan. At ang tinutugtog ko ngayon ay ang kanta ng Simple Plan.

Now Playing: Perfect by Simple Plan

(A/N: Hindi ko na po lalagyan ng lyrics ah. Pakinggan nyo na lang po, nasa may multimedia naman yung video, saka alam ko naman pong alam na alam nyo yung kanta ^___^ At saka po pala, imaginin nyo na lang na si Kiel misomo yung tumutugtog nung drums, hihihi. Malawak naman po ang imahinasyon nyo, panigurado. Salamat po)

Ezra's POV

Kasalukuyan kong inaayos ang gamit ni Ugok na basta na lang iniwan dito sa sala, parang bata, iniiwan pa ang bag nya sa sala, eh pwede namang ipasok na nya sa kwarto nya.

TriangGULONG Pag-ibig (On-Going &Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon