Chapter 33- Datr Part 3

80 4 0
                                    

Ezra’s POV.

 Parang gusto kong lumubog at magpakain sa lupa sa mga narinig kong sinabi nina Ross at Manang Lourdes, nakakahiya, pero.. nakakakilig.Lalo na yung sinabi kanina ni Ross na ikakatuwa nya kung magiging girlfriend nya ako, ayiiiieeeeeh~

Kakatapos lang naming kumain, at kasalukuyang nanunuod ng TV, si Ross? Ewan ko kung saan nagpunta, basta sabi nya babalik din agad sya. Namimiss ko na sya, ops.. lande, hahaha. Si Manang naman, nasa kusina. Nagprisenta akong tulungan sy kaso, wag na daw, masyado raw akong maganda para maghugas, choz. Haha. Sya na daw ang bahala.

“Ano kayang ginagawa ng Ugok na yun ngayon?” sa isip ko.

“Kumain na kaya yun?” sa isip ko ulit.

“Siguro, nagsisisigaw na naman yun dun, tss.”

“Sigu—teka nga, bat ko ba sya iniisip? Tsk~!” pambabara ko sa sarili kong isip. Inaaway ko bigla ang sarili kong isip.

“Ok ka lang ba hija?”

“Ay potakte!” nagulat naman ako kay Manang.

“Paumanhin hija, nagulat yata kita.” Sabi nya.

“Ayy, naku. Ok lang po yun Manang. Hehehe,”

Napaka-pormal niyang magsalita. Nakakahiya tuloy makipag-usap kay Manang. Namiss ko tuloy ang mga kasam-bahay namin sa mansion.

“Nandito na ba si Ross, gusto mo ba ng maiinom Ija?” tanong nya habang nagpupunas ng kanyang kamay.

“Wala po si Ross eh. Di ko nga alam kung saan pumunta. Ay, wag na po Manang, ok lang po ako.”

“Ah ganun ba?” pansin ko lang kay Manang ah, masyado syang seryoso, yung bang poker face? Oo ganun nga.

Katahimikan..

“Ahh, Manang, ilang taon na po kayo?” pagbabasag ko sa katahimikan, mamamatay kase ako pag di ako nagsalita ng isang oras.

“Singkwenta y sinco na ako hija.” Tipid na sagot nya.

“Bata pa po pala kayo, hehe. Uhm, ilan po ang anak nyo? Asan po ang asawa nyo?” sunod na tanong ko. Napatakip naman ako ng bibig dahil, parang FC naman ako.

Hindi sya agad sumagot.

“Ah, pasensya na po Manang, masyado po akong matanong.” Paumanhin ko

“Wala akong anak, at limanh taon ng namamahinga ang asawa ko.” Sagot nya.

“Pasensya na po, hindi ko po alam” kaya pala, masyado syang seryoso at may lungkot sa kanyang mga mata.

“Walang anuman iyon hija,” ngumiti sya sakin.

“Pasensya na po talaga.”

“Ayos lang, oh sya, papanhik muna ako at maarami pa akong gagawin.” Paalam nya.

“Ah sige po, Manang.”

Nung pumanhik na si Manang, saka naman, dumating si Ross.

“Pasensya na sa paghihintay, may inayos lang ako.”

“Ok lang. Ikaw naman.” ♥

“Tara?” yaya nya sakin na gamit na naman ang kanyang nakakatunaw na ngiti.

“S-saan?” utal kong sagot.

Papuntang forever? Charing!

“Sa pupuntahan natin. Tamang tama, alas tres na,bhindi na naman masyadong mainit. Ok lang ba sayong maglakad?”

TriangGULONG Pag-ibig (On-Going &Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon