Chapter 43- Choice

62 3 0
                                    

Chapter 43

Ezra's POV

Hindi maalis sa isip ko ang naging usapan namin ni Ugok kagabi. Kinausap ko siya tungkol sa nararamdaman niya para saakin. Wala akong ibang masabi sa kaniya kundi ang sorry. Naiinis ako sa sarili ko, alam ko na hindi madali ang sitwasyon namin. Lalo na at nalaman na niya na kami na ni Ross, hindi pa din alam ni Ross ang tungkol sa feelings ni Ugok para saakin. Si Ugok kase ang klase ng taong, mapaglihim ng nararamdaman niya, nalaman ko ito nung minsang nagkakwentuhan kami ni Ate Liberty, simula bata pa daw kase si Ugok ay talagang hindi siya nagsasabi kung anuman ang nararamdaman niya. Maski si Ma'am Charina ay hindi din daw gaanong close kay Ugok, gumawa daw si Ugok ng distance sa kanila ni Ma'am, at mas lalo pa itong lumala ng umalis si Ate Liberty, at sa Japan na nanirahan. Si Ate lang naman daw kase ang talagang nakakausap ni Ugok noon. Masiyadong busy daw si Ma'am Charina sa negosyo, noon at hanggang ngayon. Tulad ng ibang bata ay nagribelde daw si Ugok, sa maagang edad ay natuto na itong mag-inom. Minsan na din kaseng nakwento saakin ni Ugok ang tungkol sa Papa niya. Talagang hindi maganda ang relasyon ni Ugok sa pamilya niya. Kung ikukumpara ko ang buhay ni Ugok saakin ay siguro hindi din kami naglalayo. Kaya naintindihan ko kung ano ang sitwasyon ni Ugok.

Ako, noong nasa bahay pa ako, palagi din akong bulakbol. Kase, buong buhay ko ay nakadepende kila Mommy, I mean, kada galaw ko ay di numero. Pero, nang magkaisip ako, I mean sariling paninindigan, dun ko naisip na mali na din sila Mommy.

Flashback

"Hezekiah! Ano ba 'yang suot mo? Bakit napaka-iksi? Change that! I bought you dresses, 'yun ang isuot mo."

Napaka-istrikta ni Mommy, pati ang suot ko sila dapat ang masusunod.

"Kelan ka ba matututo na gumalaw ng desente? Kaya hindi matanggap ni Mama! Nakaka irresponsible mo."

Pati sa galaw ko.

"How many times do I have to tell na, iwasan mo 'yang mga kaibigan mo! Mga walang mudo!"

Pati ang sa mga kaibigan ko.

"I heard you have a boyfriend already? Is he worth it? Listen when I tell you to stop seeing that gold digger! Ikaw at si Michael ang dapat para sa isa't isa. D'you understand?"

At pati sa lalaking iibigin ko.

End of flashback.

Ilan lang 'yan sa dinanas ko noong nasa bahay pa ako. Kaya, naisip ko na maglayas. Noong araw na tumatakbo ako sa Mall, na siya ding araw na nakilala ko si Ugok, hinahabol ako nang mga bodyguards ko. Gusto nila akong ibalik sa bahay, dahil kinabukasan ay engagement sana namin ni Michael. Nabanggit ko din noon na baboy si Michael, hindi naman siya literal na baboy. Pumayag na sana ako sa engagement na 'yun dahil wala din naman akong magagawa, pero the night before ako maglayas ay I cought him cheating on me. Pumunta ako sa condo niya noon, and I saw him and that ugly faced whore...making out. That was the most gross scene I've ever witnessed!

Hindi naman naging kami ni Michael, pero the fact na soon to be fiancée niya ako? And nakita ko siya with someone else, doing gross thing. I can't bear with that bullshit! Knowing na I'm just sixteen years old back then? Well, that happened four months ago.

Tatlong buwan palang naman ako dito kila Ugok.

Maldita talaga ako, pero hindi sa lahat. Hindi naman ako baliw, na basta na lang mang-aaway. Pero nagbago naman 'yun, lalo na nang makilala ko si Ross.

Speaking of Ross, ilang araw ko na din siyang hindi nakikita. Busy kaya siya? Tinext ko kase siya kagabi about sa Party ni Ugok, pero wala siyang reply. Nag-aalala na din ako. Lately kase ay ang weird niya. Hmm, siguro paranoid lang ako. Alam ko naman na hindi gagawa si Ross ng dahilan para mag-away kami.

TriangGULONG Pag-ibig (On-Going &Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon