Chapter 15- Caught off guard...

124 6 1
                                    

Sy's POV.

Sa tinagal tagal kong naghanap sa babaeng to, hindi ko inaasahang ngayon ko sya makikita, haha. Tingnan mo nga naman ang tadhana. Tsk! Grabe :) I love you God. Pero bakit ganun nag reaksyon nya ng makita nya ako? Hindi ba sya masayang nakita nya ulit ako? Ako nga halos tumalon na ang puso kong makita  ko sya eh, lalo na ngayon, parang mas gumanda sya, suguro dahil na din sa hindi na sya nakasuot ng mascot. Ang cute cute nya :*

"Oh Sy.. ikaw pala. Anong nangyari Pawlita?" teka? magkakilala sila ni Ezra? Wow. maganda to! Hahaha. hays, thank you God na talaga. Nakakabading tong mga sinasabi ko pero eto talaga nararamdamn ko eh. 

"Tara na Dear." 

"Ha? Teka, sandali, wait." sabi ko, hindi ko alam nang sasabihin ko eh.

"Bakit? Ah Sy, sensya na ah, nagmamadali kami, baka kase umuusok na ilong ng kaibigan mo eh" sabi ni Ezra.

"Tabi nga jan! Manyak!" sabi ng Future gf ko. haha. Ang ganda nya.

Hindi na ako nakasagot kase, hinila na ni future girlfriend ko si Ezra. haha. Atleast nakita ko na sya. Magandang pangitain ito Sy. Hahaha.

Kiel's POV.

Antagal naman ni Abno! Tuyong tuyo na tong lalamunan ko ah. Kilos pagong talaga sya. 

"Pards. Tara, palista na muna tayo sa Glee Club, wala pa naman si Ezra" sabi ni Bezpren.

"Ah mabuti pa nga, ang tagal ng Abnong yun."

At nagpalista na nga kami ni Bespren, syempre kahit pila, nauna kami, ganun ang gwapo. haha :))

"Hahahahahahaha" napukaw ang atensyon namin ni Pards ng marinig yung tawang alam namin kung kanino galing.

At tama ang hinala namin ni Ross, si Sy nga. Anong nalamon nito at ganyan ang tawa. Parang tanga.

"Hahahahahaha" tawa pa nya.

"Huy! Anu nga?"

"Hahahahahaha"

*Boink*

Binatukan ko nga, tinatanong eh, panay tawa ang sagot. 

"Aray. Bakit ba Kiel?"

"Tung-unong yan. Baliw kana ba? Tinatanong ka namin dito eh" ako

"Hahahaha---oh chill lang Dude, sasagot na ako, di ko lang talaga mapigil ang saya ko Dude" sabi nya ng ngiting ngiti.

"May bago kang chick no?" si Ross

"Anu nga!" ako.

"Pinaglihi ka talaga sa sama ng loob Dude, lagi kang highblood ah" sagot nya.

"Hahahahaha" si Ross.

"Nakita ko kase ang future girlfriend ko Dude Ross" sagot nya.

"Ha?" si Ross

"Sus! Pang isang milyon mo ng sinasabi samin yan" ako.

"Ang bitter mo lage Kiel nuh?" sagot ni Sy.

"Muka mo!" ako

At yun nga, after naming magkwentuhan sa kabaduyan ni Sy, dumating na si Abno kasama yung kaibigan nya na hindi ko alam ang pangalan at ngayon ko lang nakita.

"Oh!"

"Gaano ba kabigat tong tubig na'to at ang tagal mo ha?" singhal ko.

"Kunin mo na, dami mong sinasabi" sagot nya.

Kinuha ko yung tubig at linagok ng isang lagukan.

O_____O abno.

"Oh bakit?" ako

"Ganun ka ba ka-uhaw," tanong nya.

"Hindi naman, kaya nga naubos ko eh" sagot ko naman ng medyo sarcasric.

"Ah kaya pala."

"Anong kaya pala?"

"Wala!"

"Ayan ang napala ko kakahanap sayo!" singhal ko, at nagulat naman sya.

"Sino bang nagsabi sayong hanapin mo ko?"

"Ako!"

"Eh pwede mo naman akong tawagan na lang, mayaman ka naman eh" sagot nya.

Natigilan naman ako.

"Hays, Ugok ka talaga kahit kelan. Oh siya, may ipaguutos ka pa ba?"

"Wala!"

"Oh bakit galit ka? Relax ka lang."

"Whatever."

Umalis nalang ako.

♥♥♥

Short update. Thank you you for reading!

TriangGULONG Pag-ibig (On-Going &Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon