Chapter 1- Starting Line

60 0 2
                                    

"Eh? aalis na. Pupunta pa akong publication room eh. Marami pa akong ipapasang papel na aayusin pa kaya later na lang ha? Kung gusto mo ibigay mo na sakin yang gold t-shirt mo para malabhan ko na't ibabalik ko na lang bukas." dire-diretso kong sabi. Wala akong panahon na makipagtsikahan pa sa kanya. Eew ha?

"Are you some kind of a dumb? Or are you insulting me?" ga;it pero mahinahon nyang sabi.

"If you think it that way then so be it. Sige ha? Gotta go, bye!" aalis na sana talaga ako pero hinigitan nya ang hawak sa kamay ko na dahilan para mapa-aray ako.

"Bitawan nyo si Ali!" sigaw ni Jaicee kina John.

"Shut up."

"So you think you're tough huh?" 

Nagroll na lang ako ng eyes ko. "Maygad! Sa dami naman ng araw na pwede kong makasalubong ang kumag na to, ngaun pang unang araw ng senior year ko diba?" pabulong kong sabi.

"Saying something Miss Li?"

"Ah wala. Sabi ko masyado kang gwapo para pagtuunan mo pa ng pansin ang kagya ko. Kaya kung ako sayo, bitawan mo na ako dahil nasasayang ang oras mo sa akin. Ya know. I'm just a nobody." Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa kanya. "Tsaka relax ka lang ha? Sayang ng araw mo oh. Sige ha? Bye! Wag na sana tayo magkita." at kumaripas na ako paalis.

Tumakbo ako at nagtago ako sa isang sulok. Pwweeew! Akala ko end of their world na. HAHAHAHA! :D Di ako tatablan ng bully bila mga biset sila. :p Naglakad na ako't dumiretso na sa aking pupuntahan.

PUBLICATION ROOM.

"Hi kuya Art! Sorry natagalan ako."

"Oy Alyson andito ka na pala. Ayos lang kadarating ko lang din eh.

Linatag ko ang mga papel sa table at pinagmasdan si kuya Art habang abala sa pag-aayos ng mga documents. Grabe ang gwapo nya talaga. Nasabi ko na ba sainyo na isa pa sa mga dahilan kung bakit ako nasaki sa org na to ay dahil crush na crush ko si kuya Art? Hihihi. Secret lang toi ah? Nakakahiya naman eh. >.< 

"Matutunaw ako nyan Aly eh. Sige ka."

Natauhan ako bigla. "Huh? Ah.. ano ka ba naman kuya! Feeler ka ha?" feeling ko kamatis na ako sa pula ng aking pisngi.

"Hahaha! Biro lang. Sige pwede ka ng umalis. Mamaya na lang after class mo. :)"

Eeeeehhhh! Killer smile! ^///^

"Sige kuya, see you later!"

Naglakad na ako palabas ng room upang tumungo na sa aming silid-aralan. Ng makarating ay umupo agad ako.

"Hey bes! Ang tapang mo kanina ah? Speechless sina Tristan kanina sayo."

"Tss. Dapat lang no. Akala nila kung sino sila eh."

"Andami nakatingin sa inyo kanina at bilib na bilib sayo ang buong J.U." tila proud na proud na sabi ni Maileen.

"wala yun. Hayaan na natin yun, Wag lang sana magkita kami ulit."

Maya-maya pa'y darating na ang teacher namin ng may kasabay na apat na estudyante.

"Class, here's your lipat-bahay classmates. Mr. Johnsohn, Mr. Castro, Mr. Cruz and Mr. Fernandez."

Malas pa ata talaga ako sa malas. Bakit nilipat pato dito, eh section 1 to nung past 3 years ah? Sh*t naman oh.

"Please find your sit misters.."

Saktong-sakto ay bakante sa upuan malapit sa amin ng aking mga besprends, at sakto pa sa sakto ay apat din ang bakanteng upuan na ito. Masyado naman atang nagkataon ang lahat diba? Napatingin si Tristan sa akin at sa upuang katabi ko saka dumiretso na sila. 

Meant forTwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon