Chapter 6: SIGNS

20 0 0
                                    

"Uso magpaliwanag friend."Mailene na pinipilit akong sabihin ano daw ba ibog sabihin ng pagsakay ko sa kotse nina Tristan at iba pa. Pinipilit nya ako, habang ako naman ay eto naka lugmok sa desk ko.

"Wala ako sa mood Mai."

"

Ah ganun? Huwaaw bes, nakasakay ka lang ng mamahaling sasakyan wala ka na sa mood?" Jaicee speaking.


"Naman eh!"kasabay ng pag-angat ko ng ulo ko, ay ang pagdating ng grupo nina Tristan.

"Oh friend, andito na jowa mo."pang aasar ni Jaicee.

Kainis lang talaga. Bwiset.

Naglilesson ang teacher namin sa unahan habang ako naman ay nakatulala lang. Ano ba kasi talaga nangyari sa lalaking yun? I mean oo naman syempre sobrang pasalamat ko sa pagligtas nya sa akin nung gabing yun. Pero yung sinunod sunod na nya ang pagiging nice guy? Brrrr. Goosebumps!

"Aly."

Nag-iisip ako pero nay kumakalabit sa akin. Hinawi ko kamay nya. Wag mo akong guguluhin nag iisip ako ng mga bagay bagay.

"Aly."

Ang kulit naman neto eh. Nasisira moment ko.

"Aly!"

"Ano ba?!"nagulat na lang ako ng nasa harap ko na ang guro namin.

"Alyson Li. AGAIN."

"M-mam.."napatayo ako bigla.


"I will see you at the office after class."sabay talikod at balik sa pagdiscuss. Ako naman naiwang nakatayo dun. Syaks, ano ba nangyayari sakin. Umupo na ako, saka kinabit ako ni Jaicee.

"Naano ka friend?"

Di ako makasagot. Napatingin ako kay Tristan at nahuli kong nakatingin din sya sa akin kaya agad kong binawi ang tingin ko. Dug dug dug dug. Napahawak ako sa dibdib ko. Kinakabahan ba ako?

------------

"Im sorry mam. Di na po mauulit."

"Sana nga miss Li. Sige na, you may go."

"Thank you mam. Sorry po ulit."sabay lavas ko ng teacher's office.

"Ms. Li! Okay ka lang ba? Ano sabi? Pinagalitan ka ba? Ha?"nagulat ako kasi paglabas na paglabas ko ay bumungad si Alex, one of Tristan's friend.

"Ano ginagawa mo dito?"paglingon ko sa likod nya ay kasama nya ang barkada nya. Si Tristan naandun sa gilid nakasandal lang sa pader at nakatingin sa gilid nya.

"Anong ginagawa nyo dito?!"

"Hmmp. So ano sabi ni Tchr? Mai-expel ka na daw ba? Paghahandaan na ba namin?"

"Jane! Huwag kang ganyan!"

"Bro ano ba nangyayari sayo?! Nahihibang ka na ba talaga at nagkakagusto ka sa babaeng yan?! I cant even believe youre my twin brother!"

"Jane, Ms. Li is a nice person."

"The hell are you talking about John?!"

Napa-face palm na lang ako. "Sorry ha? Unfortunately hindi pa ako mai-expel eh. Never will happen. Tsaka total nandito na lang din naman kayo. Sasabihan ko na din kayo, na pwede ba parang awa nyo na tigilan nyo na ako. Naloloka na ako as in simula ng lumipat kayo ng section nagkandagulo gulo na ang buhay ko kaya pwede ba!"

"Ms. Li.."

"Let's just be civil okay? classmates tayo oo, pero hanggang dun na lang yun. Lalo na ikaw Alex.. tsaka ikaw.. TRISTAN."napatingin sya sa akin. "Salamat sa lahat ng naitulong mo. Tatanawin kong utang na loob lahat ng yun gaya ng sabi ko dati. Pero sana di na maulit. I mean sana wag na ulit magkrus ang mga landas natin. Ignore me as much as i will ignore you. Gaya ng dati."

Meant forTwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon