Chapter 26: JANE

7 0 0
                                    


Sa bahay..

"Babe?"

Pumasok si Tristan sa kwarto. Nasa study room ako at inaayos ang mga trabahong hindi ko nagawa kanina. Lumapot sya sa akin.

"Jill im here."di pa din ako umimik."Im..sorry about what happened kanina sa hospital."

"Ano nga ba nangyari sa ospital kanina?"

"About.. Jane."

"So sino nga ba kasi talaga si Jane?"

"I told you already. She's our childhood friend na..obsessed sa akin."

"Ang gwapo mo masyado no?"

"Jill."

"Tristan.. alam mo wala akong paki kung obsessed si Jane sayo na hindi pa sya makaget over sa past nyo at ni Aly. Wala akong kinalaman sa mga issues nyong hindi maayos ayos o ano okay? Sure kung gusto ng Jane na yan makipagfriend pa ako sa kanya! Pero uulit ulitin ko din, hindi sa hate ko ang kambal ko. Alam mong mahal na mahal ko sya, pero HINDI AKO SA ALYSON at matagal ko nang gustong mamuhay na hindi nakakabit sa anino nya. Kasi kahit anong gawin ko, lahat kayo laging si Aly ang nakikita nyo sa akin. Ako si Jill. JAMAILLA MARIE MENDES."

"Jill i know--"

"Hindi. Hindi mo alam ang pakiramdam ko. Kaya ayusin mo yang issue nyo. Wag mo akong susubukan dahil pag ako umabot na sa sukdulan, uwian na to Tristan."tumayo na ako at lumabas na ng study room.

"Jill!"

--------------------

Groupchat..

Mai: Jill! nabalitaan namin ganap kanina sa ospital. Sinabi ni Amia samin. Sorry girl ha? Sorry talaga. Kung gusto mo sabunutan ko yang Jane na yan para sayo.
Jai: Oo nga Jill! Naku talaga sya na talaga ang babaeng wala sa bokabularyo ang move on. Hanggang ngayon nakakagigil pa din sya!
Amia: I understand Jill. She's like she's been living in the shadow of her twin. Pero ako Jill, i love you as you alam mo yan. Andto lang ako girl para sayo.
Marta: Ako din Jills! Suportado kita. Salamat sa pagbantay sakin at pagalalay kay Nate. Nakauwi na din pala kami today.
Jill: okay lang ako mga bakla. Lilipas din to. Wag kayo mag alala, pag yung babae omover sabay sabay tayong kakalbuhin sya.
Mai: pak girl! Lavaaan!

Sumunod na mga araw ay hindi ko na nakita pa si Jane. Salamat naman. Si Tristan? Hmpft nagtatampo pa din ako dun.

Tok! Tok! Tok!

"Pasok!"

"Its me."

"Ano ginagawa mo dito? Wala ka bang trabaho?"

"No. So i thought of visiting you."

"Bakit?"

"Jill. Hindi na naman na nagpapakita diba. Just let it go."

"Hindi ko alam sinasabi mo."

Nagdeep breath sya."Okay. So nagyayaya sina John mamaya, birthday kasi ni Alex so.."

"Si Alex."

"Yeah."

"Na kakambal ni Jane."

"Jill. Hindi sya pupunta dun."

"Memetey Tristan?"

"Akala ko ba gusto mo sya makilala? Diba sabi mo mabuti syang tao kahit papano? Atleast ignore her kung andun man sya. Andun naman kami nina Mart eh."napaisip ako.

"Pwes..hihintayin mo ako dito?"

"Shuld you drive alone?"

"Sapak gusto mo?"

Meant forTwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon