Chapter 23: US, THREE

7 0 0
                                    

Nagising ako at naalimpungatan sa init ng sinag ng araw mula sa bintana ng kwarto ni Tristan. Hala! At talagang dito ako natulog?!
Babangon na sana ako ng mapansin kong..patay. Patay patay patay. Bakit ganto? Bakit wala akong..bakit..

"AAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

Lumabas bigla si Tristan mula sa banyo.

"JILL?! ANO NANGYARI?! WHY ARE YOU SHOUTING!"

"IKAW! ANO GINAWA MO SAKIN?!"

"Jill.."

Naiiyak na ako."ANO GINAWA MO SAKIN?!"

"Jill..it happened. You did not even resist!"

"Pero Tristan!"umiiyak na ako."Tristan naman eh!"sabay takip ng kamay ko sa mga mata ko at tuluyan nang humagolhol. Linapitan ako ni Tristan at niyakap.

"Jill, i love you. Im willing to take responsibility of whatever happened last night. I am here. We're in this together."

"Pero Tristan..hindi pa pwede. Hindi pa ako kinakasal Tristan. Hindi pa ako handa. Mali ito."

"Hey, look at me."hinawakan nya ang mukha ko ng dalawa nyang kamay, pinunasan ang mga luha ko saka hinalikan ako."Walang mangyayaring masama okay? Andito ako Jill. Okay?"

--------------------------

Makalipas ang isang buwan..

"Mars! Hey mars!"

"Ha? May sinasabi ka ba?"

"Tulaley for life Jamailla? Anyare? Break na ba kayo?"

"Gaga hindi. Wala lang to."

"Tsaka..ilang araw ka nang matamlay ah?Not the usual you mars."

"Puyat lang mars."

"Puyat?! Mars kakastart palang ng klase puyat ka na? Ano to excited sa exams ganern? Hoy ikaw ha, umamin ka nga sakin. Kayo ba ni Mr. Pres ha, kayo ba..may nangyari ba sainyo?"

"WALA!"

"Hala! Galit ka ba?!"

"S-sorry mars."

"Hala Jill iba na yan ha. Kung may LQ kayo ayusin nyo. Nakakaloka ilang buwan palang kayo di na kayo magkasundo."

"Hindi sa ganun mars."

"Ah ewan sayo. Nakakaloka ka talagang bakla ka. Tara na kakain ba tayo!"

"Wala akong gana mars."

"Jill ikaw ba talaga yan? Ulitin mo ngq sinabi mo? Wala kang gana? Eh araw araw kang nagi-spaghetti dito sa canteen na para kang naglilihi dyan tapos ngayon sasabihin mong wala kang gana?"

"Ayoko na ng spaghetti."

"Naririnig mo ba sarili mo!? Himala ba itoo?"

"Oo naman no. Ayoko na ng spaghetti. Iba na lang. May.. tuna pie ba dyan sa canteen?"

"TUNA PIE?! Naghahanap ka na ngayon ng tuna pie?! JOLLIBEE lang mars?"

"Eh gusto ko tuna pie eh!"

"Hala ewan ko sayo. Ayan, ayan na jowa mo sa kanya mo hanapin yan."

"Whats wrong?"umupo si Tristan sa tabi ko.

"Eh kasi naman SIR Tristan, yang jowa mo nakakaloka ha!"

"Why? Are you okay?"

"Tristan, bilhan mo nga ako ng tuna pie."

"Yan! Yan ang nakakaloka! Raw araw ko yang kasabay kumain dito ngayon lang yan umayaw sa yummy spag at maghanap ng tuna pie!"

Meant forTwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon