Chapter 8: FIRST

28 0 0
                                    

"H-hi."

"Anong ginagawa mo dito?!"pasigaw yun pero mahina kasi nga diba, may sakit? Ulit ulit. Hahahaha!

Dumiretso ako sa may kama nya at nilapag ang mangga sa mesa sa tabi ng higaan nya."Binibisita ka. Ayaw mo ba?"

"Pano mo nalaman? Tsaka..bakit.. why would you visit me."

Naupo ako sa kama nya, sa may paanan nya. "Sinabi sakin nina Alex. Tsaka bakit kita binibisita? Di ko din alam."

"Tss."

"Akalain mo yun, nagkakasakit din pala ang masamang damong kagaya mo?"

"What?!"

Ngumiti ako."Wala."Nilingon lingon ko ang paligid,"ang ganda ng kwarto mo no? Ang laki. Ngayon ko lang napansin. Last time kasi di ko masyado pinansin eh."tumayo ako at nagpunta duon sa may mga picture frames.Meron dun na pictures nya, wow! Sporty sya? Ano to soccer? Hmmm.. Oh. "Mama mo ba to? Ang ganda nya ah."Ang ganda ng nanay nya pramis. Pang beauty queen.

"What are you even doing?"

Pumunta na ako sa mesang nilagyan ko ng manggang dala dala ko at kumuha ng isa. "Nagdala pala ako ng mangga. Baka gusto mo? Ipagbabalat kita."

"I dont eat that."

"Ah okay."pinagbalat ko sya saka nilapit sa kanya. "eto oh."

"Bingi ka ba? I said i dont eat that!"

Napangiti ako."Wag kang maglakas lakasan dyan. May sakit ka po kaya! Tigilan mo ako at kumain ka na neto."itinaas ko ang unan nya at pinaupo sya.

"I said--"di na nya natuloy sasabihin nya kasi sinubuan ko na sya kaya wala syang nagawa kundi kainin ito.

"Wag ako Tristan. Sa sandaling nakausap at nakasama kita, kabisado ko na agad ugali mo."

"What?"

Ngumiti ako."Natutuwa ako. Hindi ko alam bakit. Alam mo ba nagulat ako sa mga messages mo kagabi sa fb. Wow, isang Tristan Johnsohn magkakagusto sa isang kagaya kong pulubi?"

"F-forget it."nagbablush sya. Lalo ako napangiti.

"Kanina habang papunta ako dito, di ko alam tinatanong ko sarili ko bakit kaylangan ko pang pumunta dito para dalawin ka? Ano naman kung may sakit ka?Mayaman ka naman at may sarili kang doktor. Patuloy kong tinatanong ang sarili ko bakit ako nag aalala sayo. Hanggang kanina pagpasok ko sa kwarto mo at nakita kitang nakalukot dyan sa kumot mo."

"Tingin ko alam ko na bakit."

"What are you trying to say?"

Tiningnan ko sya."Mabuting tao ka Tristan. Yayabang yabang at sisiga siga ka sa iba pero lalambot lambot ka din naman."

"Im not."

"Natutuwa ako. Akala ko nung mga nakaraang taon na nakikita kita sa malayo ang sama mong tao. Mali pala."

"So?"

"So? So ibig sabihin.. hindi sayang kagwapuhan mo. Hahahahaha!"

"What?!"

"Wala."sinubuan ko ulit sya ng mangga. "Pero totoo ba?"di sya umimik."Totoo ba lahat ng sinabi mo sa message kagabi?"

"I said i was joking."

"Baliw! Yung mga yun joke? Wag ako!"

"Why? Would you even care--"

"Oo."nagulat sya. Ako din nagulat sa mga sinasabi ko. Di ko alam kusa na lang sila lumalabas sa bibig ko.

Meant forTwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon