"S-sir excuse me po.. sir!"hindi ko naman sinasadya pero naitulak ko si sir Tristan. Nakayakap pa kasi sya sa akin eh. Tsaka sumisikip na infairness? Kikiligin naman na sana ako eh kaso nakakatakot din."ah..im sorry sir!"pero nakatingin pa din sya sakin at.. may luha? umiyak sya?!
"Mr. Johnsohn are you okay?"tanong ni mam dean.
"m-mam excuse us."hinila ko na si Tin paalis.
------------------------
Vacant time. Nasa faculty kami ni Tin.
"Ano yun mars?! Ano yung kanina? bakit may payakap yakap pa sya sayo atay paiyak iyak pa?"
"Hindi ko alam! Nagulat din ako eh. Tsaka mars, ang higpot ng yakap na nakakatakot na. Tsaka para syang may sobrang namimiss na tao, parang ganun ba."
"Ikaw ha? baka may past kayo ni Sir Tristan."singit ng isa naming co teacher.
"Hala naman mam! sana nga diba kaso wala eh! Ngayon ko lang sya nakita all my life. I mean in person, kasi naman sa tv pang lagi ko sya nakikita o kya dyaryo."
"Eh bakit sya umiyak?"
"Mars, sya dapat tinatanong mo nyan!"
"Infairness mars, ang swerte mo ha? niyakap ka ni crush!"
"Oo nga tich. *short for teacher XD* ang swerte mo! Anak ng may ari pa ng school ha!"singit ulit ng isa pa naming co teacher.
"Ang ganda ko kasi masyado eh.Hahahaha!"biro ko sa kanila. Ng biglang pumasok si mam dean. Nagsitayuan kami at binati sya.
"Ms. Jill."
"P-po?"
Huminga muna sya ng malalim."Pinapatawag ka."
"N-nino po?"
"ni Mr. Johnsohn."
"MARS!"sabay na sigaw namin ni Tin sa isa't isa.
"Ms. Cruz! Ms. Mendes!"
"sorry po mam."sabay din na sabi namin ni Tin.
"Go now Ms. Mendes. Naghihintay si Mr. Johnsohn."
"Opo mam."bago ako umalis ay lumingon ako kay Tin at sumensyas na pawang 'ipagdasal mo ako' ang ibig sabihin na mukha namang nagets nya at tumango sya.
Dumiretso na ako sa Dean's office. Kumatok sa pinto saka may narinig na nagsabi ng 'come in'. Binuksan ko agad ang pinto at bungad ang isang prince charming.. este joke lang hahaha!
"Good morning sir."sabay tayo ko sa harap nya ng nakayuko.
"Please.. please stop bowing. Look at me."
"Po?"tumingin din naman ako sa kanya. Kung pumupula lang ang pisngi ko malamang sa malamang kasing pula na sya ng kamatis.
"You really look like her."
"P-po?"
Tumayo sya sa kinauupuan nya at tila lumalapit sa akin. Kinabahan na ako, kaya bago pa man sya makalapit ay tinaas ko na ang kamay ko na parang pagsenyas ng stop."S-sandali lang po sir. Kasi nakakatakot na po kayo eh. Kinakabahan po ako sa ginagawa nyo. Ano po ba nangyayari sainyo? May problema po ba kayo sa akin? Sino po bang kamukha ko? Nanay nyo po ba ?Nakakaloka sir!"natawa sya nag kaunti."Sir?"
"And somehow you act like a little bit like her."
"P-po?"
May kinuha syang litrato mula sa wallet nya saka ipinakita sa akin. Nagulat ako sa litrato! Totoo ba to? Nananalamin ba ako?"Kamukha ko!"napasigaw ako bigla.