"So.. where do we go?"
Nasa kotse kami ngayon ni Nathan, paalis na ng school. May date kami ngayon remember? Yung laging usog ng usog na date sa wakas matutuloy na!
"Ah.. ewan? Diba ikaw nagyaya?"
"Hahaha! Yeah right. What do you like to do? Para malaman ko san tayo pupunta?"
"Gusto ko magpunta sa amusement park!"
"Hahaha ano ka bata?"
"Masama ba yun?"
"Hindi ah! Cute nga eh. Okay amusement park, here we go!"
Habang nasa biyahe panay lang namin kwentuhan ni Nathan.
"Last ko na punta ng amusement park was when we were kids pa. Lagi ko kalaro si Tristan tsaka sister ko si Kaye. Kaming tatlo lang naman magkakasama since kami kami lang naman close sa magpipinsan."
"Talaga? Hmm..ako naman bihira lang kami makapunta ng amusement park. Huli kong punta kasama pa namin nun si Papa. Sinakay nya ako sa caterpillar. Nalaglag pa nag tsinelas ko nun eh. Nung mawala na sya di na kami napunta ni nanay. Gustuhin ko man wala na din ako kasama. Kaya nga yun agad una kong naisip nung nagyaya ka eh."
"Wow, its my honor pala to bring you there."
"Hahahaha o.a sa honor! Pero ngayon palang thank you na ha?"
"Hahahah thank you ka dyan, manlilibre ka kaya!"
"Ha?! Eh di pa ako sumasahod eh."
"Hahahahah cute mo talaga. Joke lang yun, sagot ko to, ako naman nagyaya."
"Thank you Nathan!"
Nakarating na kami sa amusement park. Una ko syang niyaya sa Vikings!
"Ayan naaaaa! Ahhhhhhhhhhhhh!"napahawak ako kay Nathan. Eeehhh di ko alam kung tumitili ba ako sa takot o sa kilig. Hahahaha!"Aaaaaahhhhhhhh!"
Matapos dun ay niyaya ko naman sya sa caterpillar, sa carousel, slat iba pang rides.
"Do you want to eat first bago tayo mahlast ride?"
"Oo nga pala, dinner time na."
"Haha! sobra kang nag enjoy you forgot youre hungry. So where do we eat?"
"There!"tinuro ko sya sa isang streetfood vendor.
"Ah Jam.. i dont eat streetfoods."
"Ah talaga? Sorry di ko alam. Hmmm.. saan ba.."
"Dun na lang McDo, treat ko to remember?"may malapit kasing fastfpod chain dito eh.
"Treat mo eh, tara!"
"Ano order mo?" nasa loob na kami ng kainan.
"Okay na ako sa chicken burger and fries."
"Diet?"
"Hahaha!"
"Okay ganun na lang din sa akin."saka nagorder na sya.
Naupo na kami sa table namin.
"Sorry Jam ha? About sa street food."
"O.A! okay lang yun no! Tiyan mayaman ka kasi eh! Hahaha pero okay lang talaga pramis."
"I just.. dont eat them hehe."
"Sayang masarap kaya yun! Kikiam tsaka fishball, lalo yung kwek-kwek naku! Pero ayos lang, hehe! Naiintindihan ko."
"Thank you."
Dumating na order namin kaya nagsimula na kami kumain.
"Dont you have any sibling?"