Chapter 20: NANAY

15 0 0
                                    

Matapos kong i-explore ang mga bagay bagay na nandito sa kwarto ni kambal ay lumabas na ako. Nakapagtataka bakot ang tagal naman yata ni Tristan mumuha ng pagkain?

Naglakad na ako sa bandang kaliwa ng corridor, hindi ko actually sigurado kung saan papunta tong way na to pero baka lang naman diba? May nakita akong hagdan, kaya naisipan kong bumaba duon. Dito ata kami umakyat kanina ni Tristan eh. Dumire-diretso lang ako pababa hanggang sa may mga nagtatakbuhan bigla na mga kasambahay. Ano nangyayari?May darating ba? Bisita ganern?

"Ate, ate!"tawag ko dun sa isang katulong na napadaan sa akin."Ano nangyayari? Ano meron?"

"Si Madam kasi."sabay takbo nya. Madam? Si Tita ba yun? Sinundan ko yung katulong. Hanggang sa napadapad ako sa isang kwarto, malaki sya. Maraming tao nakapaligid. Sinubukan kong makisiksikan pra hanapin si Tristan, nagpumilit ako makapasok pero hinarangan ako ng ilang bodyguards.

"Kaibigan ako ng amo nyo ano ba! Kuya naman eh!"

"Let her in."narinig ko si Tristan. Sinunod naman sya ng mga bodyguards. Kaya nakapasok ako sa loob. Nakita ko pinapaligiran ng mga nurse at doktor ang kama ng mama ni Tristan, habang sya ay nasa gilid, kalmado pero nakikita mo sa mukha nya na kinakabahan.

"Tristan? Ano nangyayari?"

"Mom is just..having another seizure again."

"Seizure? Magiging okay lang ba sya?"

"The doctor will do their best."

"Ikaw? Okay ka lang?"tumango lang sya.

Patuloy kong pinagmamasdan yung ginagawa ng mga doktor at nurse sa mama ni Tristan. Andaming mga tinurok sa swero nya na mga gamot. Maya maya pa ay lumapit ang isang doktor sa kay Tristan.

"How is mom doc?"

"Well like the usual, iho. And your mom is getting weaker. Because she is old too, her body cant actually endure any longer pain. But still, she is strong. Pilit syang lumalaban."

"Until when do you think..will she last?"

"Well i can not say when..perhaps any moment? I told you this ahead already. Kaylangan mo lang maghanda."

"Thank you so much doc."

"Its my job, son. Your mom is my friend and ive known her and your dad for a long time. I feel the same for you iho."pinat nya shpulder ni Tristan saka umalis..sumunod sa kanya mga nurse nya. Lumapit si Tristan sa tabi ng kama ng mama nya, sinenyasan ang mga bodyguards at katulong na umalis muna. Naiwan kaming dalawa duon sa kwarto.

Pinagmasdan ko si Tristan na naktingin sa mama nya at nakahawak sa kamay nito. Nakakaiyak, naaalala ko nabgyari sa nanay ko. Alam ko pakiramdam ng mawalan ng nanay, andito pa din sakin ang sakit na yun. Kaya ramdam ko ang pinagdadaanan ni Tristan. Nilapitan ko sya at hinimas ang likod.

"Okay lang yan Tristan. Sabi nga ng doktor kanina, matapang at malakas ang nanay mo."

Hindi sya nagsalita pero maya maya pa ay naiyak na sya.

"I know for sure it will happen. Pero ang hirap pa din tanggapin na sooner or later, just like how Aly left, mom will leave me too. I just cant take the pain anymore."

Napaluha na din ako, niyakap ko sya mula sa likod.

"Naiintindihan ko. Naiintindihan kita Tristan. Alam ko ang sakit na nararamdaman mo. Pero alam mo mas maswerte ka, kasi binibigyan ka pa ng kunti pang panahon at oras para sulitin ang mga araw na kasama ang mama mo. Gawin mong masaya ang mga last moments na yun Tristan, para sa huli di kagaya ng sa akin, marami kang pagsisisihan."patuloy lang sya sa pag iyak. Ngayon ko lang sya nakitang hinang hina, ramdam ko kung gano nya kamahal ang nanay nya."Andito lang ako para sayo..kagaya ng nandun ka din sa tabi ko ng nawala ang nanay ko."

Meant forTwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon