Matapos nun ay agad din ako hinatid ni Tristan sa bahay. Hindi ko sinabi sa kanya naging usapan namin ng nanay nya, kasi baka malungkot lang yun.
Sa totoo lang, hindi ako sumagot ng oo sa nanay nya nung sinabi nya ang mga yun. Kasi.. hindi ko alam.
"Haaaay!" nahiga na ako sa kama matapos ko mag ayos, saka pinikit ang mga ko.
'please take care of my son for me.'
Nakakaloka, nagi echo pa din sakin ung boses ng nanay nya. Ramdam ko ang pag aalala nung sinabi nya yun sa akin. Napakabuti nyang nanay, napakabuti ng naging nanay mo kambal. Alam ko pag tinanong kita, baka ganun din sabihin mo sakin. Na alagaan ko ang pinakamamahal mo.. na aaminin ko ay unti-unti ko na din nagugustuhan, kambal. Pero nung sinabi yun sakin ng nanay nya, pakiramdam ko kambal, pakiramdam ko sa ngayon, sya na lang ang meron ako. I mean sya na lang ang pwede kog lapitan at sandalan ngayong mag isa na lang ako. Pero nagiguilty din ako, kasi naman alam kong mahal na mahal mo sya. Hindi ko alam kambal. Yung para bang magaan na din loob ko sa kanya, na gusto ko na din na parati sya nakikita at kasama.
Di ko namalayan ay nakatulog na pala ako. Nagising ako sa alam clock ko. Back to school na naman, kaya agad ako bumangon, nag ayos saka pumasok na sa paaralan.
"Good morning mars!"
"Hi Tin."
"Kumusta weekend mo?"
"Okay lang. Ikaw?"
"Okay lang naman, spent time with fam ya know."
"Buti ka pa."
Ay sorry mars. Nakalimutan ko--"
"Shunga okay lang no! Okay din naman weekend ko."
"Sorry di kita natext ha?"
"Okay lang nga yun ano ka ba."
Nagsimula na naman ang araw at ang klase. Ng recess ay napadaan ako sa President's Office. Naalala ko isasauli ko nga pala yung yearbook na hiniram ko. Bago ako pumunta ng canteen ay kinuha ko muna ang yearbook sa desk ko saka bumalik sa Pres. office at kumatok. Agad yun bumukas pero iba ang nandun, si sir Alex, school voce.president.
"Sir Alex?"
"Yes Ms. Mendes? Am i right?"
"Ah yes. I just.. ahm may i ask sir if Sir Tristan is--"
"Oh, Tristan? Wala sya eh. Di sya pumasok today. He just notified me to take over."
Hindi pumasok? Bakit kaya?"Ah ganun po ba. Ahm okay po sir. Thanl you."
"Okay."sabay alis ko. Himala, di sya pumasok. First absent ganern? Dumiretso na lang ako s canteen.
"Ang tagal mo naman mars! Ayan na oh umorder na ako para sayo."
"Salamt mars."
"Ano na naman yan?"
"Huh?"
"Yang mukhang yan? Mukhang disappointed?"
"Ah hindi naman mars. Dumaan lang kasi ako ng pres office para sana may isuli kaso wala daw si sir Tristan."
"And? Namimiss mo naman?"
"Hindi. I mean.. nakakapagtaka lang diba kasi di naman sya umaabsent."
"Mars umamin ka nga sakin."
"Hmm?"
"May gusto ka na sa ex ng twin mo no?"
"Ano?! Hindi ah!"
"Grabe makahindi! Parang mula talampakan yun ah! Pero alam mo mars, alam ko alam mong gusto ko si sir Tristan diba?"