"Good morning mam!"
"Good morning."matamlay kong bati sa mga estudyante ko. Oo, balik trabaho na ako. Pakiramdam ko kasi kung magmumukmok lang ako sa bahay lalo ko lang mamimiss si nanay."kumusta kayo?"
"Mam, kayo po ang kumusta? Kasi kami mam okay lang po kami."napangiti ako, ang babait ng mga anak ko.
"Okay na ako, wag kayo mag alala. Magiging okay lang ako. Salamat sainyo. Hmm, ano last na ginawa nyo sa subject natin?"
Naging balik man sa dati ang araw ko dito sa paaralan pero ramdam ko pa din ang pag aalala at pag aasikaso sa akin ng mga co-teachers ko.
"Tchr. Jill, pinapatawag ka ni Sir Tristan."
"Okay, salamat."agad ako tumayo at umalis sa faculty. Tulalang naglalakad sa corridor. Ng makarating na ako sa pinto ng Presudent's office ay agad ako kumatok.
"Come in."pumasok din naman ako at dumiretso sa kanya.
"Pinapatawag nyo daw po ako sir--"
"Its just the two of us so.. friend mode?"tumango pang ako."Have a sit."
"Okay po."sabay upo ko.
"Friend mode?"
"Sorry."
"Dont be. Mukhang.. di ka pa okay?"
Napangiwi ako."Magiging okay pa ba?"
"What do you mean?"
"Wala. Wag ka mag alala, kaya ko to."
"I told you you can still extend your leave."
Umiling ako."Okay lang. Lalo lang ako madidepress kung magmumukmok ako sa bahay."
"I agree but--"
"Salamat ha? Sainyo nina Nathan at Tin kasi di nyo ako iniwan. Tsaka.. tungkol sa.. kakambal ko.."
"Dont think much of it for now."
"Pero.. gusto ko sana mabisita sya. If okay lang sayo na.. magpasama, kasi im sure alam mo saan sya--"
"Thats..okay with me."
"Salamat ulit. Tsaka yung necklace nya.. alam mo ba kung nasan?"
Niluwagan nya ang necktie nya, tinaggal ang isang butones ng polo tsaka may dinukot sa leeg, hanggang sa pinakita nya ang kwintas."I always wear it."
Napahawak din naman ako sa kwintas ko na suot ko din. Naluluha na naman ako saka napangiti.
"Are you okay?"
"Oo. Natawa lang ako kasi.. pakiramdam ko hindi ko na din matatakasan pa ang fact na kahit anong gawin ko.. connected ako sayo at connected ka nga din talaga sa akin."
"If only.. Aly knew that she has a sister she would be very happy. I mean, she would always tell me ever since na gusto nya maramdaman ang pakiramdam ng may totoong pamilya."
Napangiti ako, saka tumayo na."Marami akong gusto pang malaman tungkol sa kanya. Pero siguro sa ngayon kaylangan ko muna.. bumalik?"magtatime na kasi eh, may klase pa ako.
"Go ahead. We have plenty of time to do this."
"Ah.. mamaya.."
"Are you asking me on a date?"ngiti nya.
"Hoy hindi ah!"
"Hahahaha! Joke lang. Later after work, i'll wait for you here tapos sabay na tayo umalis nang school."
"Err.. okay. Salamat ulit."sabay labas ko ng room nya. Date? Harhar. Di ko pa din sya ganun kafeel no. Pero.. gumaan na loob ko sa kanya kahit papano. Knowing na jowa sya.. i mean ex jowa sya ng kapatid ko, at mahal na mahal nya yun.