Chapter 3- PR and CRUSH

68 0 0
                                    

"Ahh.. ehh. Hahahahahahahahaha! Funny ka din Alex ha? Idol mo siguro ako at nagpapakacomedian ka na dyan. Hahahaha-"

"Im not joking, actually."

T________________________________T

"O-KAY."

"So.. can i court you?"

Magsasalita na sana ako ng dumating si Tristan."Alex!" pareho kaming napalingon ni Alex. Weew! Thank you Tristan for saving me. Hahaha! So awkward na talaga kasi ako sa Alex na to eh. Kaloka ha?

"Tara na. Hinihintay na tayo nina John."

"O-oo! Sige, aalis na din ako ha? Bye!!!!" at kumaripas na ako paalis.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"ANO?!"

"Nagtapat sayo si Alex?!"

"Seryoso ka ba?!"

"Mukha ba akong nagjojowk?!"

"Ganda mo talaga te!"

"Mas maganda ka Jai." T____T

"I know, i know. Pero teka. Ano sabi nung evil twin sister nya? Sigurado umuusok na ilong nun ngayon."

"Di pa ngayon pero soon, oo."

Hapon na. Im on my way to the publication office. Dala-dala ko yung mga old articles galing sa faculty. irirecycle na namin kasi ito. Napaka earth friendly naman kasi ng JU. :>

Naglalakad na ako nun, paakyat na actually sa hagdan ng bigla ay may tumawag sakin na ikinagulat ko.

"Uwaaaaaaa~!" dahil nashock nga ako ay napasigaw ako at dahil napasigaw ako ay nabitawan ko ang mga papel na dala-dala ko at dahil nga nabitawan ko ay syempre nagliparan ang mga ito sa hallway."Sheeeeeeet!"

Isa-isa ko itong pinulot ng madanggil ako sa isang legs.. legs?

*tingin sa taas*

O.O

O.o

T____________________T

"Tristan?"

"Ang lampa mo. Tinawag lang kita andami nang nangyari sayo."

"Kasalanan ko ba?! Nagulat ako sayo kaya nagliparan lahat ng bitbit ko. Ano ba kelangan mo?" pinupuot ko pa din mga paple habang palingon-lingon sa kanya.

"Kasi.."

"Ano?'

"Nothing."

T________________________________________T

"Tristan Johnsohn nang-aasar ka ba?!"

"medyo."

Araykupo naman oh."Wala akong time jan sa mga biro mo. Tsaka teka close ba tayo? Di naman diba? diba?"aalis na sana ako ng bigla magsalita si Tristan.

"Pinupormahan ka ba ni Alex?"

Kung may laman lang ang bibig ko malamang sa malamang ay nasamid na ako. "Ano ba namang tanong yan?!"

"Eh di tanong."

"A-ano ba pakialam mo?" anu naman sa kanya kung liniligawan ako niAlex.

"Wala."sabay naglakad na sya palayo habang nakalagay sa bulsa ang mga kamay nya.

Yung mukha nya parang.. disturbed? Anyare dun? Anlabu naman nun kausap.

Nagdiretso na lang ako sa PR. Pagdating ko dun, nakita ko si Kuya Art na nakaupo sa tapat ng computer at busy kakatype.

Meant forTwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon