IFILWMK [1]

12.4K 284 17
                                    



Tiffany's POV

"Bunsoooo!" Sigaw niya sa  labas ng bahay.

Bahala nga siya doon, Sana'y lapain siya ngayon ng aso namin. Char!

"Bunso sorry na please!" Sigaw niya muli sa labas ng bahay.

Dinig na dinig ko siya dahil nasa likuran lang naman ako ng pinto ng aming main door. Hindi ko alam bakit hindi siya pumasok sa back door. Tinatamad siguro dahil lalakad pa siya.

"Oh? Bakit ayaw mong papasukin ang kapatid mo, Nag-away nanaman ba kayo?" Puna sa akin ni Ate Susan ng magawi siya dito sa salas.

Masaya akong umiling sakanya at ngumiti. Ngumiti nalang rin siya sa akin at tumuloy na sakanyang ginagawa.

"Bunso, promise talaga! Hindi na mauulit. Papasukin mo na ako!" Muli niyang pag-mamakaawa niya sa akin. At kasabay 'non ang pag katok niyang muli sa pinto.

Napa hinga ako ng malalim at humarap sa smoke fiber glass door namin. Nakikita ko siya kahit malabo.

Alright Tiffany alam mo naman hindi mo kaya tiisin yung kumag mong Kuya!

Binuksan ko na ang pinto para naman makapasok na siya.

"Pasok na!" Sabi ko.

Kumunot ang noo ko ng hindi ko siya makita. Kahit anino niya ay wala, saan naman kaya nag-punta 'yon? Iniwan niya ba ako?

Humakbang ako palabas kahit maaraw para mahanap ko siya. Lumingon ako sa paligid ngunit hindi ko siya talaga nakita. Saan naman kaya nag-punta 'yon?

Unti unti ay nararamdaman ko ang lungkot sa aking puso. Humahapdi rin ang sulok ng mga mata ko.

"Ano ka ba naman kasi self, ang pikon mo. Umalis tuloy si Kuya, saan ko naman hahanapin 'yon?" Inis kong sabi sa aking sarili.

Tumalikod na ako at nagulat nalang ako ng biglaan niya akong yakapin ng mahigpit. Nanlalaki ang mga mata ko habang nasa bisig niya ako.

"Sabi ko na nga ba, Bunso. Hindi mo ako matitiis, I love you." Masayang sabi niya.

Mahigpit ang kanyang yakap kaya't napa ngiti na lamang ako.

"Hmp! Ikaw kasi palagi mo nalang akong iniinis," Pag-kukunwari ko at inalis ang yakap niya sa akin. Bahagya akong lumayo sakanya kahit na naka-ngiti parin siya sa akin.

Kinulong niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang palad. Habang naka titig at naka ngiti parin sa akin.

"Kuya ayan ka nanaman, Iniinis mo nanaman ako." Inis na sabi ko at ngumuso.

Humalakhak siya doon at niyakap ako ulit.

"Kahit naman mainis ka ng mainis love naman kita." Aniya at lumayo sa akin.

"Piggy back ride mo ako bilis!" Tuwang tuwa kong sabi at nagawa ko pang tumalon ng isang beses at napa palakpak pa ako.

Ngumiti siya at tumalikod para tumalungko.

"Sakay na."

Kaagad naman akong sumampa sakanya, pinalupot ko ang dalawang braso ko sakanyang leeg. Tama lang na para hindi siya masakal.

"Ang bigat mo talaga!"

Pinalo ko naman sya ng mahina sa balikat niya. Natawa siya at natawa rin ako. Weird

"Kuya, I want some strawberry ice cream. Because you know, I love pink." Naka-ngiti kong sabi.

Nag-simula naman na kaming mag-lakad papunta sa kitchen. Tinitingnan naman kami ng mga iba naming kasama dito sa bahay. Natatawa nalang sila sa amin habang pinapanuod kami.

I Fell In Love With My KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon