IFILWMK [4]

6.3K 202 9
                                    




Tiffany's POV

Iminulat ko ang mga mata ko dahil tumatama ang sikat ng araw sa aking mukha. Inis akong bumangon at kinuha agad ang cellphone ko, Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong 10 am na! Mayroon akong pasok at late na ako!

Hindi 'man lang ako ginising ni Ate Susan!

Lumundag agad ako paalis sa aking kama at hinagilap ko agad ang aking tuwalya. Madaling madali akong pumasok sa loob ng banyo para maligo. Mabilis na mabilis akong kumilos kahit cold shower na ang ginamit ko ay hindi ko na ininda pa 'yon.

Natapos akong maligo at ginawa kong mabilis na ritwal sa aking mukha. Hindi ako makakapag lagay ngayon ng eyeliner dahil mas tatagal pa ako sa pag-aayos. Pumasok na ako sa walk-in closet ko para mag damit.

Saktong pag labas ko naman, Ay ang pag labas niya rin sa kanyang kwarto. Nag-tataka niya akong pinag-mamasdan at kumunot pa ang kanyang noo habang sinusuri ako.

Nag-taka rin ako dahil bakit hindi siya naka uniform? O wala silang pasok? Pero friday palang ah. Wala silang klase? O kahit training 'man lang sa kanilang varsity?!

"Ano 'yang suot mo?" Tanong niya at sumimsim ng basong hawak niya na mayroong gatas.

Tinaasan ko siya ng kilay at humalupkipkip.

"Uniform." Sagot ko.

"Saan ka naman pupunta?" Tanong niya.

Tumikhim ako at naiinis nanaman. Kung makikipag bati siya ay sabihin niya lang, Hindi 'yong mang-iinis pa siya lalo.

"Obviously, Sa University ako pupunta. Papasok ako." Sagot ko at tinignan siya ng masama.

Nagulat naman ako ng bigla niyang mabuga ang iniinom niyang Gatas at tumawa ng malakas. Inis ko naman siyang tinitigan ng makabawi ako.

"Ano bang problema mo?!" Galit kong tanong.

Nahinto siya sakanyang pag tawa at sumeryoso ang kanyang ekspresyon pero hindi parin naka-taas sa akin ang pag pigil niya ng tawa.

"Highschool ka palang diba? O College na? Kelan pa kayo nagkaroong pasok ng Sabado?" Aniya at sumabog na muli ang tawa niya.

Natulala ako dahil sakanyang sinabi, Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking palda. Tinignan ko ang calendar sa aking cellphone, At Oo. Saturday nga ngayon. Gusto ko nalang lumubog sa lupa!

Inis akong bumalik sa loob ng aking kwarto at sinarado 'yon.

Nakakainis! Nakakainis! Napa-hiya pa ako!

Tinungo ko ang closet para makapag palit na ng Damit. Nakapag bihis na ako ng damit saka ako, Lumabas ng kwarto ko. Wala naman na siya pag-labas ko. Nag-bikit balikat na lamang ako at bumaba nalang ako sa dining room.

Umupo ako sa pwesto ko doon at hinainan naman agad ako ng pagkaing umagahan.

"Anak, pinapasabi ng kuya mo. Pumunta ka daw sainyong eskwelahan." Sabi ni Ate Susan habang sinasalinan ng gatas ang basong nasa harap ko.

"Ma'am, bacon po." Sabi ni Ate Marvi, isa mga nag-sisilbi dito sa aming bahay.

Hindi ko pinansin ang bacon, dahil natuon ang aking atensyon sa sinabi ni Ate Susan.

"Hindi niya po ba sinabi kung bakit ako pupunta doon?" Tanong ko at sumubo ng pagkain.

Umiling ito sa akin. Nilapag ni Ate Marvi ang plato ng mayroong pagkain na mga pang umagahan. Kinuha ko ang remote at binuksan ko ang TV dito sa dining room.

Nilapag ko ang remote ng maka-pili ako ng aking panunuorin, Habang kumakain ako at nanunuod ay tumunog ang cellphone ko. Hinagilap ko naman 'yon agad at mayroon siyang text sa akin.

I Fell In Love With My KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon