Chapter 22

3.4K 96 9
                                    

Tiffany's POV

Matapos ang nangyaring 'yon dahil kahit anong yugyog at pag-gising ko sa kapatid ko ay hindi talaga magising. Sinugod na namin siya sa hospital nila Mommy at Daddy.

"Excuse me po, Nasaan po ang mga magulang ni patient Luhan Xi?" Salubong sa amin ng nurse matapos siyang lumabas sa Emergency Room, kasunod niya doon ang Doctor.

Kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko sa kaba ay ganoon ang pag-tayo nila Mommy at Daddy. Sa sobrang kaba ko ay nagagawa ko ng kagatin pa ang mga kuko ko sa aking mga kamay.

Lumapit agad kaming tatlo sa mga nurses at Doctor.

"We're the parents, How's my son?" Nanginginig na boses na tanong ni Mommy habang naka-alalay sakanya si Daddy.

"Base on the results of the CT Scan, your son had a blood clot. Because of the impact of the skull. " Aniya ng Doctor.

Napa singhap ako at napa takip sa aking bibig dahil doon. Si Mommy naman ay napa yakap na lamang kay Daddy at umiyak, si Daddy naman ay pumula ang kanyang mga mata.

"What can we do, Doc? Please save my son. Save my baby." Aniya ni Mommy habang humihikbi. Hindi ako makapag salita dahil natatakot ako sa mga nangyayari ngayon!

"We need to undergo surgery, Thrombectomy is a surgical procedure during which debilitating blood clots interrupting blood flow to the brain are ensnared and removed." Paliwanag ng Doctor

Pero kahit anong paliwanag niya sa amin ngayon ay wala akong maintindihan. Hindi kayang  iproseso ng utak ko ngayon ang mga sinasabi niya dahil nandidito ngayon sa ganitong sitwasyon ang kapatid ko. Natatakot ako para sakanya! Ayoko siyang mawala!

Marami pa silang pinag usapan tungkol sa gagawing surgery sa kapatid ko. Sa ngayon ay pumunta sila sa opisina ng Doctor habang ako naman ay binabantayan siya dito.

Umupo ako sa tabi niya habang pinag-mamasdan siyang naka higa at tulog. Mayroong mga aparato ang naka dikit sakanyang katawan at mayroong naka paikot na benda sakanyang ulo.

Naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko dahil kundi naman sa akin hindi naman siya magkaka ganito. Hindi siya 'yong mapapalo ni Lolo! Dapat ako 'yong nandidito at hindi ang kapatid ko.

Unti unti akong dumukwang para haplusin ang kanyang pisngi. Malamig ito at malambot, unti unti rin ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata. Humahapdi ang sulok ng mga mata ko pati narin ang ilong ko. Ano bang magagawa ng iyak ko? Tsk!

"Kuya.." mahinang tawag ko sakanyang pangalan na halos pumiyok ako.

"Wake up, please." Mabilis kong pinunasan ang pumatak na luha sa aking mga mata.

Humalik ako sakanyang noo habang pigil pigil ang aking iyak. Hindi ko kinakaya na nasa ganitong sitwasyon siya, ayokong nandidito siya sa sitwasyong ganito.

Humawak ako sa isa niyang kamay at hinigpitan ko 'yon. Gusto kong malaman niya o maramdaman niya na kahit nasa ganitong kalagayan siya. Nandidito ako, nandito at hindi ako aalis sa kanyang tabi.

Pinag-masdan ko siyang mabuti tinititigan ko ang bawat features niya sakanyang mukha. Habang pinag-mamasdan ko 'yon hindi ko alam kung bakit lumakas at bumilis ang kabog ng dibdib ko.

Nangunot ako at napa hawak sa aking dibdib. Ano naman ang nararamdaman kong 'yon?!

"Excuse me po, Ma'am. Kailangan na po naming dalin si Sir sa operating room." Unti unti ang pag layo ko sakanya at 'yon naman ang pag lapit ng mga nurses sakanya.

Kasalukuyan kaming nag hihintay ngayon sa labas ng operating room. Pumunta din si Ahma pero hindi niya kasama si Zufu. Minsan iniisip ko kung ano ba ang nagawa ko 'nong maliit palang ako kung bakit ganoon ang galit niya sa akin.

I Fell In Love With My KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon