IFILWMK [2]

8.8K 252 21
                                    

Luhan's POV

"Kuya, please naman." Ngumuso siya habang pinag-mamasdan akong naka-tingin rin sakanya. Humalupkipkip ako.

"Bunso, sandali lang naman, Ngayon lang ako hihingi ng pabor sayo." Nag-susumamo kong paalam sakanya.

Mayroon akong gustong ipa-kilala sakanya, alam kong mabuting tao ang ipapa-kilala ko sakanya dahil isa 'yon sa mga matalik kong kaibigan at halos sabay rin kaming lumaki at natuto sa buhay ng lalaking 'yon.

"Tsk, bakit kasi ako pa? Si Ate Susan nalang ang isama mo." Maktol niya at muling ngumuso at tinalikuran ako.

Mabilis akong nag-tungo sakanyang harap at hinuli ko ang mga tingin niya. Hinawakan ko siya sakanyang dalawang kamay at pinag-masdan naman niya 'yon.

"Please?" I second try and pouted my lips to please her.

Bumuntong hininga siya at mariin na tumango. Sa sobra kong tuwa sakanyang pag payag ay niyakap ko siya bigla.

"Thank you, Tiffany. I love you!" Masayang sabi ko habang naka-yakap parin sakanya.

"Ano, Kuya? Yayakapin mo nalang ako? Tch!" Humiwalay ako sakanya at nakita kong ngumuso siya. Ang pula ng kanyang labi gusto ko tuloy kurutin 'yon pero alam kong mas maiinis pa siya lalo kaya't wag nalang.

Ngumisi ako at pinag-masdan siya. Mas lalo siyang sumimangot.

"Sige, asarin mo pa ako lalo. Ikaw mag-isa ang aalis ngayon." Masungit niyang banta.

"Sorry, Sige na. Mag-bihis ka na." Sabi ko dito at tipid na ngumiti.

Pumihit na siya at nag-simula ng mag-lakad papanik sa hagdan namin.

"Long dress!" Habol ko.

Nag thumb ups naman siya kahit nag-lalakad palayo.

Kalahating oras ang lumipas ng maka-baba na siya mula sa hagdan. Naka-ayos at naka-bihis narin siya. Mahabang damit nga kanyang suot at bagay naman 'yon sakanya.

Tumungo na kami sa garahe nitong bahay at sumakay na sa hilux na pula. Sa shotgun seat siya umupo at ako naman ay sa driver seat.

Tahimik kami sa daan habang patungo sa isang lugar. Sa bahay ng kaibigan ko kami pupunta. Medyo mayroon kalayuan ang bahay nila sa bahay namin.

Kalahating oras pa muli ang lumipas at nakarating na kami sa bahay ng kaibigan ko. Maraming naka paradang sasakyan sa harap ng malaking gate.

Sabay kaming bumaba at lumapit agad ako sakanya. Nilahad ko ang kamay ko sakanya habang siya ay tinatanaw ang malaking bahay.

"Party?" Tanong niya. Nilahad ko ang kamay ko at tinanggap naman niya 'yon agad.

Sabay kaming pumasok sa loob at nahinto pa siya dahil sa ingay at iba't ibang kulay ng ilaw sa garden nitong bahay.

"Ang daming tao, Kuya!" Bulong niya sa akin at gulat talaga siya.

Natawa ako dahil sakanyang reaksyon, humigpit ang hawak niya sa aking kamay.

"Siyempre, party ito. Malamang maraming tao." Sabi ko habang patuloy kami sa pag-lalakad.

Sumulyap siya sa akin ng matalim na titig habang nag-lalakad kami. Ngumsi ako dahil sakanyang itsura.

Iginaya kami ng waiter sa aming uupuan. Marami ang tao at ang iba naman ay kakilala namin. Kilala ko, kilala ng kapatid ko at ng mga magulang ko.

"Lu! Thank you for coming." Sabay kaming lumingon ni Tiffany sa nag-salita mula sa likod namin.

Pero si Bunso, ay muli niyang binalik ang mga mata sa harap.

"Anything for you, Se." Naka ngiting sabi ko.

I Fell In Love With My KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon