IFILWMK [13]

3.9K 120 18
                                    

Tiffany's POV

Natapos kaming mag zip-line ng mga kaibigan ko ay sinunod naman naming gawin ang boating. Kaming dalawa ni Yoona ang magkasama sa kayak boat.

Kahit tirik ang araw ay hindi namin iniinda 'yon, mas gugustuhin na namin masunog ang balat pero tuwang tuwa naman kami sa malinaw na dagat at preskong hangin.

"Ang ganda." Hangang sabi ko habang mabagal na nag-sasagwan.

Malinaw na malinaw ang tubig dagat at nakikita ko pa ang iilang maliliit na isda dahil sa linis at linaw nito.

"Ano ba 'yan, parang ayoko ng umuwi pa sa Manila." Narinig kong sabi ni Hyoyeon hindi gaanong malayo sa amin ni Yoona. Si Yuri naman ang kasama niya sa kayak.

Ako din, parang ayoko na rin umuwi sa Manila. Mas gugustuhin ko ng manatili dito. Tahimik pa at malayo sa syudad na magulo.

"Girl, Smile!" Aniya sa akin ni Yuri at kinuhanan niya ako ng litrato gamit ang dala niyang water camera.

Hindi ko alam kung ano ang naging itsura ko doon. Dahil biglaan niya akong sinabihan at kinuhanan.

"Ang ganda talag dito!" Puri ni Yoona at nagawa niya pang humalakhak kahit wala naman nakakatawa.

Sa tingin ko ay dalawang oras ang ginugol namin sa kayak boating. Nag-tagal kami dahil manghang mangha parin kami sa buong karagatan.

"Saan ba kayo nanggaling?" Bungad sa amin ni Sehun.

Nag-lalakad kami papunta sa Villa ng mga kaibigan ko, hindi na kami gumamit ng club car. Dahil gusto namin makita ang bawat parte ng resort na ito.

Umiwas ng tingin si Yoona. Teka nga, mag-aaway nanaman ba ang dalawang 'to? Tsk. Pinag-masdan ko kung ano ang mayroon kay Sehun at napagtanto kong naka-sando lamang ito ng itim at khaki shorts na faded ang kulay.

"Nag Zipline at Kayak Boating kami." Sagot ni Yoona at tumikhim ngunit hindi niya parin nililingon si Sehun.

Nilahad ni Sehun ang kanyang kamay kay Yoona. Palihim akong lumunok upang pigilan ko ang sarili ko na tumili. Para akong isang uod na binudburan tuloy ng asin kung nagkataon.

Siniko ko si Yoona. Lumingon siya sa akin at nginuso ko naman agad si Sehun. Nakita niyang naka-lahad ang kamay nito sakanya.

"Our parents wants to talk to us." Sabi niya. Tumango doon si Yoona at inayos ang kanyang sarili.

"Kailangan ba hawak mo pa ako? Hindi naman ako maw---" Natahimik na lamang siya ng hilahin siya paalis ni Sehun. Pinigil ko ang tawa ko dahil doon maski ang dalawa ko pang kaibigan ay nasaksihan 'yon.

"Kayo naman, saan kayo pupunta?" Tanong ni Yuri ng akbayan siya ni Kai.

"Nakita niyo padin ba si Nica?" Mayroong halos asar na tanong ni Hyoyeon. 

Kunot noo siyang nilingon ng boyfriend niya at siya naman ay humalakhak pa at niyakap ang boyfriend niya. Minsan naguguluhan rin ako sa pag-uugali naming mga babae. Tsk.

"Charot!" Aniya sa boyfriend niya habang naka-yakap.

Sa palihim kong lingon sa paligid ay hinanap ko siya, umasa akong nandidito siya pero wala siya.

Imbis na masaya ako dahil kasama ko dito ang magulang ko at mga kaibigan ko. Nalulungkot ako dahil alam ko at alam niyang hindi nanaman kami maayos. Nag-away nanaman kami dahil sa babaeng 'yon!

"Hoy!" Lahat kami ay lumingon sa sumigaw.

Unti unting bumagal ang pintig ng puso ko at parang nanikip ang sentido ko. Dahil papalapit siya sa amin ngayon.

I Fell In Love With My KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon