Tiffany's POV
Napaka presko pala ng hangin kapag gabi na, Parang nawawala ang problema ko sa twing dadampi sa balat ko ito. Naka tingala ako at naka pikit. Rinig na rinig ko ihip ng hangin.
"Why are you here?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko.
Ngayon naman ay papalapit siya sa akin. Ngunit nanatili ako sa posisyon ko na para bang hindi ko siya nararamdaman dito.
"Are you mad at me?" Tanong niya.
Nagulat ako dahil sa tanong niyang 'yon. Dumilit agad ako at marahan akong umiling sa kanya.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Hinila niya naman ako papunta sa kanya at niyakap ng sobrang higpit. Yakap na nakakapagpawala ng problema ko. Yakap na parang nag papaalam.
"Tiffany.. Always remember that I will always be here for you. No matter what." Saad niya.
Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang isa kong kamay. Pinipigilan ko ang pag hikbi dahil sa kanyang mga sinasabi. Aalis ba siya? Iiwan niya na ako?
"Kulig ka lang dati eh, ngayon Baboy na." Natatawa niyang sabi.
Bahagya ko siyang pinalo ng mahina sa dibdib niya na kung saan naka sandal ang ulo ko. Rinig ko naman ang pag tawa niya. Kulig na nga? Baboy pa.
Mas lalo naman humigpit ang yakap niya sa akin. Bakit pakiramdam ko'y mayroong mangyayaring hindi maganda? Pakiramdam ko'y mayroong aalis? Please wag naman sana please.
"Kahit na mawala na ako, Don't worry I will be always watching you, everytime." Nanginig ang kanyang boses.
Hindi ko napigilan ang aking sarili, niyakap ko siya bigla ng mahigpit. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko o ano itong nararamdaman ko. Normal ba ito?
"I'm gonna miss you, My lil sis." His voice shattered my heart.
Malinaw nga na aalis siya, pero saan naman siya pupunta at kailangan niya ba talagang umalis pa?
"Iiwan mo ko?" Aniya ko.
Pumagitna sa amin ang katahimikan, tanging ihip ng hangin ang naririnig at pintig ng aming mga puso.
"I'm sorry, I love you." Ramdam ko sakanyang boses ang pag iyak niya rin.
Hindi na ako makapag salita o maka galaw 'man lang dahil panigurado kong sasabog ang aking mga pinipigilang hikbi.
"Luhan! Tiffany!" Nag hiwalay agad kaming dalawa.
Si Lolo, galit na galit ang itsura niya, naka hawak siya sa kanyang tungkod. Nakakagat labi siya at naka kuyom ang isa niyang kamao.
"Lolo.." Mahina kong tawag.
Nagulat ako ng bigla niya akong duruin. At galit na galit niya akong pinag mamasdan, na para bang mayroong akong ginawang malaking pagkaka mali.
"Wag mo kong matawag tawag na Lolo! Babae ka!" Sigaw niya
Sa takot ko ay lumipat agad ako sa likod ni Kuya at doon ako nag tago.
"Lolo!" Si Kuya.
Hindi siya pinansin ni Lolo, sapagkat lumapit ito papunta sa amin. Hinila naman niya si Kuya palayo sa akin.
"Wag kang makikielam dito!" Sigaw ni Lolo kay Kuya.
Gustong umalma ng kapatid ko pero hindi niya magawa, bumuntong hininga siya. He looked defeated.
Sa sobrang takot ko kay Lolo ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin o gagawin habang siya ay papalapit at galit na naka titig sa akin. Bawat lakad niya palapit sa akin ay nanunuot ang tungkod niya.
"I don't want to see you being near to my grandson!" Sigaw niya habang dinuduro ako.
"Zúfú!" Tawang ni Kuya kay Lolo.
"Lolo Sorr--"
Isang malutong na sampal ang naramdaman kong lumapat sa pisngi ko. Napa hawak agad ako sa aking pisngi habang sunod sunod na tumulo ang luha ko. Hindi ko inaasahan na sasaktan niya ako sa hindi ko malamang dahilan.
"Zúfú enough, don't hurt jiêjiê.." Awat sakanya ng kapatid ko at lumalapit sa amin ngunit humarap agad sakanya ang Lolo namin.
"What did I told you? Huwag kang mangielam!" Aniya ni Lolo
Hindi ko na napigilan ang pag hikbi ko dahil sa nangyayari, hindi ko alam kung bakit ganito si Lolo, kung bakit siya nagagalit sa akin. Kung bakit iba ang trato niya sa akin.
"Lolo, ano po ba ang nagawa ko sainyo? Simula pagka bata ko hindi ko naramdaman na mahal niyo ako, hindi ko naramdaman na apo ang turing niyo sa akin, Apo niyo rin naman po ako diba?" Umiiyak kong sabi habang ang isa kong kamay ay naka hawak sa pisngi.
"Bastos kang bata ka, Sumasagot sagot ka pa!" Sigaw niya muli sa akin.
Mas lalo akong natakot sa sunod niyang gagawin, itinaas niya ang kanyang tungkod at sa takot ko ay napa pikit na lamang ako.
Bago ko pa 'man maramdaman ang masakit at matigas na kanyang tungkod ay mayroong yumakap sa akin at mabilis kaming bumagsak. Sa gulat ko ay mabilis kong iminulat ang mga mata ko.
"Kuya!" Hiyaw ko habang takot na takot siyang pinag mamasdan. Wala siyang malay habang yakap yakap ako. Sa kanya humampas ang tungkod ni Lolo.
"Luhan!" Hiyaw ni Mommy habang tumatakbo palapit sa aming dalawa. Kasama niya si Daddy.
Dahil sa lakas ng hambalos ay bali ang tungkod niya. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. Inalalayan ko agad ang kapatid ko habang pilit siyang ginigising ngunit walang nangyayari.
Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak hawak ko siya. Mas dumoble ang takot ko sa mga nangyayari at sa pweding mangyari sa kanya! Sa kapatid ko!
"Kuya! Kuya!" Umiiyak kong sigaw habang pilit siyang ginigising.
"Mommy! Si Kuya! Mommy!" Halos hindi ko na malaman kung ano ang sasabihin o gawin.
"Dad! Ambulance! Dad!" Hiyaw ni Mommy kay Daddy.
**
I'm revising all the chapters. Fonts, spacing, words. Sorry for the inconvenience and Thank you for understanding!Mrs-Lee
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With My Kuya
FanfictionFirst published: November 3 2013 Original Story by: Mrs-Lee COMPLETED.