IFILWMK [5]

6.8K 171 7
                                    


Luhan's POV

Habang nagda-drive ako pauwi sa aming bahay, Ay hindi matanggal ang ngiti sa aking labi. Sobrang saya ko dahil sa wakas maayos na kaming dalawa ng aking kapatid. Hawak hawak ko ang manibela at pasulyap sulyap sa kanya at ganoon rin siya.

"Hindi ka parin maka get over?" Aniya at ngumisi.

Humalakhak ako dahil doon, maski siya ay natawa rin dahil sa naging reaksyon ko. Ang mabigat na pakiramdam sa aking dibdib ay nawala 'yon bigla at gumaan. Sa pag-uusap namin ngayon ay parang walang nangyaring alitan sa amin, muli kaming bumalik sa dati.

"Tsk. Ikaw talaga." Sabi ko at bahagyang ginulo ang buhok niya gamit ang kanang kamay ko. Umiwas siya ngunit natatawa tawa parin.

Hindi parin mawala ang ngiti sa labi ko kahit na paliko na kami sa street ng aming bahay. Ang hirap lang kasing gumalaw sa bahay kapag mayroon kang hindi kasundo o kaalitan. Kagaya nalang sa nangyari sa amin, Iniiwasan ko siya dahil ayokong masira ang kanyang araw kapag nakita niya ako sa bahay o kahit saang sulok ng bahay.

Nagagawa ko pang magpa-late sa aking klase para hindi niya ako maka-sabay sa umagahan at hapunan. Dahil alam kong maiinis lamang siya lalo sa akin.

"Bunso mayroon akong tanong." Sabi ko habang nasa daan parin ang aking mga paningin.

Lumingon siya sa akin.

"Ano 'yon?" Tanong niya at umayos ng upo. Pabalik balik niyang hinaplos ang kanyang mga braso. Kaya hininaan ko ang aircon nitong sasakyan.

Bumuntong hininga muna ako at lumunok. Kahit nakakaramdam ako ng kaunting takot at kaba sa aking puso ay gusto kong malaman ang sagot sa aking tanong.

"Ano ba ang dahilan at bakit ka galit kay Jiyeon?" Tanong ko at bahagya siyang nilingon.

Lumunok siya at binalot kami ng sandaling katahimikan. Dapat ba ay hindi ko na tinanong pa ang bagay na 'yon? Magagalit nanaman ba siya sa akin? Tss!

"Secret, pag makulit. Ampon." Sagot niya at humarap sa bintana.

Hindi na ako kumibo pa, hinayaan ko nalang siya. Ayoko ng mag-tanong pa dahil ayokong magkaroon muli kami ng alitan. Speaking of Jiyeon, I find her beautiful and hot at the same time. Fck, What the heck. I am saying. Sht.

Naka-uwi kami sa bahay, pagka-parada ko sa garahe ay dumiretso na kami sa loob. Sinalubong kami ni Ate Susan na tuwang tuwa at galak na galak.

"Mga anak, Nandito na ang mga magulang ninyo!" Masaya niyang sabi at natalon pa siya dahil sa tuwa.

Kung masaya siya na nandito na ang mga magulang namin, Kami naman ay doble ang sayang naramdaman dahil nandidito na ang mga magulang namin. Mas masaya kami, dahil once a year lang umuwi ang mga magulang namin dahil palagi silang out of the country dahil sa kanilang trabaho. Para sa aming business, Kumpleto nanaman kami!

"Really? Nasaan po sila?!" Masayang tanong ni Bunso habang naka-ngiti.

"Nandoon sa Dining Room mga anak, naka-luto narin kami at hinihintay na nila kayo doon para masimulan na ang hapunan ninyo." Sabi nito sa aming dalawa.

Nag-paalam agad kami sakanya na pupuntahan na namin ang aming mga magulang. Tuwang tuwa at sabik kaming tumatakbo patungo sa Dining Room.

"Faster!" Aniya habang hila hila ako.

Narating namin ang Dining Room, huminto sila Daddy at Mommy sa kanilang pag-uusap. Tumayo agad si Mommy at sinalubong kami. Ganoon rin si Daddy.

"Tiffany!" Tili ni Mommy at mahigpit na niyakap ang bunso kong kapatid.

I Fell In Love With My KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon