IFILWMK [10]

4.2K 126 9
                                    

Luhan's POV

Pinag-mamasdan ko ang ceiling fan na paikot ikot dito sa kwarto. Mas pinili ko nalang ang umuwi dito sa villa at mag-kulong nalang sa kwarto. Imbis na maging masaya ang araw na 'to, nawalan ako ng gana bigla.

"Ayos ka lang ba dyan?" Boses ni Kai pagka-pasok niya dito sa kwarto namin.

Bumaba ang mga mata ko sakanya, ngumisi ito ng nang-aasar. Itinuon ko ang aking atensyon dito sa flat screen tv. Binuksan ko ang isang chichirya sa aking tabi.

Humalakhak itong lumalapit sa akin, hindi ko siya nilingon. Patuloy ako sa panunuod.

Tumabi siya sa akin at naki-kain rin ng chichirya. Inabot ko sakanya ang shake na binili ko kanina pauwi dito.

He look so entertained naka-ngisi siya kahit hindi naman nakakatuwa ang aming pinapanuod. Mayroon siguro silang ginawa 'nong umalis ako.

"Ayos rin palang kasama 'yong si Siwon. He's cool, Man." Aniya sa akin.

Nakaramdam agad ako ng pagka-inis sa aking sistema. Bahagyang sumikip ang sentido ko at huminga ako ng malalim para kalmahin ang aking sarili.

"Hindi ko tinatanong." walang gana kong sagot.

Ramdam ko ang gulat niyang lingon sa akin at ng maka-bawi siya ay sumabog ang tawa niya. Nagawa niya pa akong hampasin sa aking braso, ngunit mahina lamang iyon. Hindi ko parin siya pinansin. Naka-tuon lamang ang aking mga mata sa telebisyon.

"Nag-seselos ka hano?" Aniya.

Lumingon ako sakanya at kumunot ang aking noo. At kanino naman ako mag-seselos?

"Nag-seselos ka kay Siwon hano?" Ulit niya.

Ibig kong mag-mura ng sabihin niya 'yon. Pumikit ako ng mariin at madiin na nginuya ang isang piraso ng chichirya na kinakain ko. Mariin kong nilunok 'yon kahit mayroon pang konting buo buo.

Dumilat ako at nakita ko sa reflection ng TV na naka-ngisi siya sa akin.

"Humitit ka ba ng droga?" Aniya ko,

Humagalpak siya muli sa tawa at niyugyog pa ako, Kung hindi ko lang siya kaibigan ay kanina ko pa siya sinapak sa kanyang panga.

"Brother, wala kang pweding itago sa akin. You're obviously jealous towards Siwon. Ano ka ba naman? Mukha naman mabuti 'yong tao. Take it easy, Brother." Sabi nito ng maka-bawi siya.

Mariin akong lumingon sakanya. "Mabuting tao?" Inis na sabi ko.

Tumango siya. At muling dumukot sa pagkain ko.

"Hindi ibig sabihin pinakitaan ka ng mabuti sa una, ay mabuting tao na siya. Remember, The Devil never reveals his real identity unless, He's winning." Aniya ko.

Tumikhim siya at umiling iling. "He will never let you see the fckng ugly side." Dagdag ko.

Bahagya siyang humalakhak. Umangat ang mga mata niya sa akin.

"That's not my point. Ang sinasabi ko lang naman bakit ka nag-seselos sakanya. Dahil ba sa kapatid mo?" Lumunok ako dahil parang mayroong bumara sa aking lalamunan ng banggitin niya muli ang kapatid ko.

"Hindi ako nag-seselos, I'm just protecting my sister. That's my responsibility!" Mariin kong sagot.

Muli siyang ngumiti at tumango tango, na para bang hindi niya sineseryoso ang usapan naming 'to. Inis akong humarap muli sakanya. Tumikhim siya at tinaas ang dalawa niyang kamay.

I Fell In Love With My KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon