IFILWMK [9]

4.7K 133 8
                                    

Tiffany's POV

"Jessica?" Si Kris.

Ano ba talaga ang nangyayari, Bakit kilala nila ang isa't isa gayong sa tingin ko ay ngayon lamang rin sila nagkita-kita?

"Wait, Magka-kilala rin kayo?" Tanong ko. Habang palipat lipat ang tingin ko sa kanila.

Lumingon silang lahat sa akin na naguguluhan dahil sa aking tinanong. Hindi ko rin kasi talaga sila kilala at sa tinagal naming magka-kaibigan. Hindi ko naman nakasama ang mga taong 'to. Si Siwon manapa, natatandaan ko siya ng bahagya.

"Hindi mo alam? Hindi mo ba sila natatandaan?" Kunot noong tanong ni Yuri.

Bago ko pa maibuka ang aking bibig ay hinila na ako palayo doon ng aking kapatid. Hindi agad ako naka-bawi ng hilahin niya ako bigla.

"Mauna na tayo." Bulong niya sa akin.

Hindi niya na nilingon pa ang aming mga kaibigan at bagong kilala. Hawak hawak niya ako sa braso at padiin 'yon ng padiin. Hindi ako maka-daing na nasasaktan na ako sakanyang hawak sa akin.

Nararamdaman ko ang namumuong galit na nararamdaman niya. Tahimik siya kaya't tahimik rin akong sumusunod sakanya. Mayroon ba akong nagawang mali? Mayroon ba akong nasabing hindi maganda?

"Kuya, sandali lang." Sabi ko at huminto sa pag-lalakad.

Kunot noo niya akong nilingon ng huminto rin siya. Nagulat ako dahil sakanyang reaksyon sa akin. Galit nga ba siya? Ano naman ang ginawa ko para magalit siya?

"Hindi ba't sabi ko sayo na wag kang sasama sa hindi mo kilala?!" Sigaw niya. Kamuntikan pa akong mapa-talon dahil sa galit niya.

Kaya ba nagiging ganito ang reaksyon niya dahil sa nakita niya kaming mag-kasama ni Siwon? Hindi ko naman alam na makikita niya ako at lalapitan. Nahihiya naman akong itaboy ang tao. At isa pa, wala naman ginawang masama sa akin ang lalaking 'yon.

Nakipag usap lang sa akin dahil parehas kaming walang kasama.

"Kuya, Calm down. Wala naman nangyaring masama sa akin, wala naman silang ginawang masama sa akin." Aniya ko sa masuyong tono.

Sa sinabi kong 'yon ay mas lalo lang siyang nairita. Kumunot lalo ang noo niya sa akin at mariin akong tinitigan.

"Wala sa ngayon, pero sa susunod? Nakaka-siguro kang wala parin silang gagawin sayo?" Inis niyang paratang sa akin.

Sa sobrang inis niya sa nangyayari ay nagawa niya akong talikuran. Umawang ang labi ko dahil sa kanyang ginawa, namilog ang aking mga mata habang pinag-mamasdan siyang inis na nag-lalakad palayo.

Hindi ako naka-galaw agad dahil sakanyang ginawa. Unang beses niya itong ginawa sa akin, Unang beses niya rin bang sobrang galit sa akin?

Sumunod ako sakanya at hinawakan ko siya sakanyang braso. Natigil siya sa pag-lalakad.

"Ano ba problema mo?" Muling napa awang ang aking labi.

"Problema ko? Ikaw yung problema ko." Inis na sagot ko.

Kumunot ang kanyang noo, at alam kong hindi niya inasahan ang aking sasabihin. Naiinis na kasi ako, ano ba't ganito ang inaasta niya sa akin ngayon? Bakit hindi niya sabihin. Hindi 'yong hihilahin at iiwan niya ako ditong mag-isa.

"Ano naman ang problema mo sa akin?" Aniya.

"Problema ko sayo? Ayan! Naguguluhan ako sayo. Masiyado bang malaki ang nagawa kong kasalanan kanina para ganituhin mo ako ngayon?" Halos habulin ko ang aking hininga dahil sa pag-sasalita.

Nakuha niya agad ang nais kong iparating sakanya. Mas lalo siyang nainis.

"Tiffany naman, Para sayo 'yong ginawa ko. Ayokong mabastos ka! Alam mo? Huwag muna tayong mag-usap na dalawa. Parehas tayong galit." Sabi niya at tinalikuran ako.

I Fell In Love With My KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon