IFILWMK [20]

3.6K 95 17
                                    

[Luhan]

Para akong tanga na naka tulala dito sa kisame, ng kwarto ko. Naka unan yung kamay ko sa ulo ko. Hindi ko talaga alam kung paano ko nasabi iyon.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon sakin ni Tiffany, kapag sinabi ko na sa kanya iyon. Ayoko sa lahat nag sisinungaling sa kanya.

Bakit kasi kailangan pang humantong sa ganito? Hindi naman ito yung ginusto kong buhay eh. Author ano ba yung kasalanan ko at pinapahirapan mo akong ganito? Isa lang ako dalawa sila right?

"Kumain kana, Luhan makakasama sa iyo kapag nalipasan ka." Sabi ni Auntie

Isa rin siya sa mga yaya dito sa Bahay namin. Hindi namin siya tita well, yun ang turing namin sa kanya since childhood nag ttrabaho na si Auntie. Family narin ang turing namin sa kanya. Siya yung pinaka mahal kong yaya. Pati narin si Bunso.

"Wala po akong gana." Saad ko

Pirmis parin akong naka tulala sa kisame. Narinig ko naman ang pag buntong hininga ni auntie. Pano ko masasabi kay Tiffany ito?

"Where is Tiffany?" Tanong ko

Hindi naman sumagot si Auntie. Sapagkat lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Hindi narin ako nahihiya sakanya. Siya kasi 'yong nag papaligo samin nung bata pa kami.

Nilagay naman niya yung kanang kamay niya sa Dibdib ko. Napa tingin naman ako sa kanya bigla at naka ngiti ito sa akin.

"Inlove na ba ang anak ko?" Tanong niya na mayroong halong ngisi.

Hindi ko siya nasagot kaaga sa tinanong niya sa akin. Pumikit na lamang ako ng mariin, Sa hindi ko alam ay naramdaman ko nalang na mayroong likidong lumandas mula sa mga mata ko patungo sa aking pisngi.

"Anak.. Luhan.. Kilala kita mayroon kang problema, Sabihin mo na sa akin." Saad niya

Dumilat ako dahil sa kanyang sinabi, Umayos ako ng upo. At seryoso ko siyang pinagmasdan.

"Mayroon nga po." Halos pumiyok kong sagot.

Sunod sunod naman na pumatak ang luha ko. Hindi ko na kayang pigilan pa. Pakiramdam ko'y sasabog na ako sa problema na ito.

"Shh anak." Alo niya sakin

Niyakap niya ako, Doon ko nalang nilabas ang sakit na nararamdaman ko sa nangyayaring ito. Naka akap naman ako sa braso niya. Hinahaplos haplos naman niya ang buhok ko.

"Parehas talaga kayo ng Tito Henry mo, ganyan na ganyan rin siya kapag umiiyak." Natatawa niyang sabi.

"What should i do? Parehas ko silang ayaw masaktan." Mangiyak ngiyak kong tanong.

Naramdaman ko naman siyang nabigla sa itinanong ko.

"Anak.. May masasaktan at masasaktan sa sitwasyon mo na yan, Siguro ko eh habang maaga aga pa. Sabihin mo na sa isa sa kanila ang totoo. Oo alam natin masasaktan ang isa sa kanila, pero isang sakitan lang naman iyon." Sagot niya.

Oo nga, tama si auntie pero.. Pero hindi ko talaga makakayang sabihin iyon kay Tiffany. Iniisip ko pa nga lang kung ano ang magiging reaksyon niya. Nasasaktan na ako.

Iniisip ko palang kung ano ang magiging iyak niya sa malalaman niya.

"Ang mahirap po kasi.. Hindi ko kayang gawin." Nahihiya kong sabi.

Inalis naman niya yung yakap niya sakin. Umayos kaming pareho ng upo. Hinawakan naman niya yung mukha ko. Seryoso akong tiningnan sa mga mata ko.

"Oo mahirap.. Pero kailangan anak." Saad niya. "Mamaya na muna yung problema mo na yan. Halika kainin mo yung dinala ko sa iyo, paborito niyo ito ni Tiffany." Masaya nyang sabi

I Fell In Love With My KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon