IFILWMK [15]

3.9K 107 9
                                    

Tiffany's POV

Kasalukuyan kaming nasa sasakyan at byahe pauwi sa aming bahay mula sa Airport. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong itawag sa naging bakasyon naming 'yon, Masaya dahil nakasama namin ang magulang namin at kaibigan. Pero hindi ko parin masasabing masaya 'yon dahil sa ang dami rin ng nangyari.

Tahimik akong pinapanuod ang mga nadadaanan namin. Mayroong ingay sa loob ng sasakyan dahil sa mga kaibigan namin. At musika narin ng sasakyan.

"You want?" Lumingon ako kay Yuri. Inaalok niya ako ng makakain. Naka ngiti siya sa akin.

Tipid akong ngumiti at umiling.

"Tito, Can we have some music?" Nahiya pero natatawang tanong ni Yuri.

Malapit rin kasi ang mga kaibigan ko kila Daddy at Mommy, ganoon rin ang mga magulang nila. Maliban nalang kay Hyo dahil hindi na namin nakilala pa ang kanyang mga magulang.

"Yes, Dear!" Aniya ni Daddy. Humagikgik doon si Yuri.

I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
And as we go the see the lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening

Natahimik ako dahil sa kantang 'yon, bakit sa lahat ng pweding mapili ni Daddy ay 'yon pa. Tss.

And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

Pinanuod ko na lamang ang mga kaibigan ko na patuloy sa pagkain. Nasa iisang sasakyan na kami lahat dahil mas pinili nalang ni Daddy na magkaka-sama kami. At 'yong mga hand carry luggage naman namin ay naroon sa kabilang sasakyan. Maliban nalang sa mga personal bags namin ay naiwan dito.

"We stop to get something to drink." Sabay ni Yoona sa kanta habang natatawa tawa pa.

"My mind pounds and I can't think." Dugtong ni Hyoyeon.

"Scared to death to say, I love her." Aniya ni Yuri. At nararamdaman ko ang pag pipigil nilang tatlo na humagalpak sa tawa.

Mautot sana sila!

"Then a moon peeks from the clouds, Hear my heart that beats so loud. Try to tell her simply." Sabay rin ni Daddy sa kanta.

Mas lalo akong tumahimik nalang at hindi na kumibo pa, Iniwas ko ang mga tingin ko sa kanilang lahat at tinuon ko ang mga mata ko sa mga building, puno at halaman na nadadaanan namin.

"Bunso ay este, Tiffany gusto mo?" Aniya ni Yoona.

At alam kong inaasar niya ako. Hindi ako lumingon pero umiling na lamang ako, mas pinili ko nalang rin ang sumandal sa bintana nitong sasakyan at ipinikit ang mga mata ko.

"Diba paborito niyong dalawa 'yon ni Tiffany?" Rinig kong tanong ni Sehun

Sabi ko na nga ba, meron at merong mag sasabi ng ganoon. Naiinis ako na ewan, matutulog nalang talaga ko!

"Oo nga, Tiffany--"

"Tulog na." Sabat agad ni Yuri sa sasabihin dapat ni Kai.

"Sandali nga, Anak. Magka-away ba kayo ng kapatid mo? Napansin ko lang. This past few days hindi kayo gaano nag-uusap, Hindi ko rin kayo nakitang mag-kasama sa bakasyon natin." Tanong ni Mommy.

Bigla akong kinabahan sa tinanong ni Mommy, Napa lunok tuloy ako sa laway ko ng di-oras. Ano naman kaya ang isasagot nya? Sasabihin niya kaya na nag seselos ako? Teka, anong nag-seselos?

Walang nag-seselos!

"Slight." Sagot niya.

Slight? Slight lang para sa kanya yon? Tss.

"Why? What happened?" Tanong ulit ni Mommy.

Naging tahimik na ang paligid ko, alam ko at nararamdaman kong ayaw maki-sawsaw ng mga kaibigan ko at kaibigan niya. Ayaw nalang nila sigurong mag-alala pa sila Mommy at Daddy.

Ipinikit pikit ko ang mga mata ko ng maalimpungatan ako, bumangon agad ako at nagulat nalang ako ng nandidito na pala ako sa kwarto ko.

Sino naman ang bumuhat sa akin? Ang haba ng naging tulog ko simula kanina!

"Dinner in bed." Nagulat ako ng naka-pasok na siya dito sa kwarto ko.

Ngumiti siya habang lumalapit sa aking kama, dala dala niya ang itim na tray at sigurado akong pagkain ang laman 'non.

"Ganyan ba akong ka gwapo para matulala ka pa?" Aniya at ngumisi pa.

Pinanuod ko lang siya sa kanyang ginagawa, dahil gulat parin akong nandidito siya sa harap ko na mayroong dalang pagkain. At kakagising ko lang naman at ganito ang bubungad sa akin. 

"I'll leave you here, Eatwell." Aniya at lumungkot ang tono ng kanyang boses.

Tiningnan ko na lamang siya habang papalabas siya ng kwarto ko, Bakit hindi ako naka-kilos? Bakit hindi ako makapag salita. Kahit na naka-alis na siya at hindi ko parin nagawang mag-salita.

Huminga ako ng malalim at tinignan ko ang pagkain na nilapag niya. Kumunot ang noo ko ng mayroong puting sticky note sa gilid ng tray. 

We're really not dating, I have a promise to you right? And I'm sorry for my actions this past few days. I hope you forgive me again and let's be okay. Because I'm missing you like hell.
- Kuya

Matapos kong basahin 'yon ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kaya naman lumabas ako kaagad ng aking kwarto.

Sa pag-labas ko naman ay nagulat pa ako dahil patay na ang lahat ng ilaw. Kinuha ko agad ang cellphone ko para gawing liwanag papunta sakanyang kwarto.

Patakbo akong pumunta doon at binuksan ko ang kanyang kwarto. Bahagya pang kumunot ang noo ko dahil hindi 'yon naka-lock.

Nakita ko siyang nasa kama at naka-balot at talukbong ng itim na comforter.

"Kuya!" Tili ko at niyakap siya.

Bumangon agad siya at bakas sa mukha niya na patulog na dapat siya pero nandidito ako ngayon.

"Tiffany?" Aniya at binuksan ang lampshade na nasa side table nitong kama niya.

Ngumuso ako ng lumingon na siya sa akin, nag-tataka pa ba siya na nandidito ako? Bakit bawal na ba?

"I came here, because I want to say sorry too. I'm sorry, Kuya. I hope you can forgive me too." Aniya ko.

Ngumiti siya at tumango tango. "When I told you it's not true, It's not true. Okay?" Aniya na para bang tatay ko kung mag-salita.

Marahan akong tumango. "Did you eat the dinner, I cooked for you?" Aniya at hinawi ang buhok na tumabing sa aking mukha.

Humagikgik ako at umiling. "Not yet, ikaw muna ang pinunta ko dito." Sagot ko at ngumiti.

Ang gaan lang sa pakiramdam dahil sa wakas ay maayos narin kaming dalawang mag-kapatid. Oo, tama nga naman siya. Kanino pa ba at sino pa ba ang dapat kong pagka-tiwalaan kung di siya lang naman diba?

**
I'm revising all the chapters, fonts, spacing, and words. Thank you for understanding!

I Fell In Love With My KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon