Luhan's POV
Kasalukuyan parin kaming nasa byahe patungo sa Airport, nagawa pa namin mag-palit ni Hyoyeon ng sasakyan dahil gusto niyang makasama ang kanyang boyfriend na si Eunhyuk na kaibigan ko. At gusto ko rin makasama ang mga magulang ko at kapatid ko kaya pumayag ako sa gusto ni Hyoyeon.
Naka-hilig sa hita ko si Tiffany na mahimbing ngayon ang tulog, bawat hibla ng kanyang buhok ay aking pinag-lalaruan. Tumunog ang aking cellphone habang ginagawa ko 'yon kaya hinagilap ko 'yon sa aking itim na bag.
Tinignan ko kung sino ang nag-text at mula pala 'yon kay Jiyeon.
Jiyeon:
Hi! How are you? :)
Palagi ganito ang mga mensahe niya sa akin, hindi ko maiwasan ang mapa-ngiti dahil sa mga smile faces na pinapadala niya sa akin araw araw.
Ako:
I'm fine, How about you? :)
Madalas kaming mag-usap na dalawa sa text, kung minsan ay pinupuntahan niya ako sa aming klase kapag parehas kaming walang ginagawa at klase. Minsan ay mag-isa siyang pumupunta minsan ay kasama niya ang isa sa mga kaibigan niya.
Bahagyang gumalaw si Tiffany, ngunit natulog muli. Muling tumunog ang cellphone ko at binasa ko agad ang reply niya.
Jiyeon:
I'm fine too, I heard from Kai that you guys will go somewhere? Ingat!
Ako:
Yup, Pinag-paalam kami ni Daddy sa mga guro. We'll go in Bora and El Nido. Ikaw? Nasaan ka?
Jiyeon:
I'm at school, Okay. Enjoy there! I'll go there with my friends if we have time.
Hindi na ako nag reply pa, kahit pigilan ko ang aking pag ngiti ay hindi ko napigilan 'yon. Tumikhim ako at umayos ng sarili. Minsan ay natutuwa akong maka-usap siya. Kapag kausap ko kasi siya sa personal ay hindi siya nauubusan ng topic na pag-uusapan.
"Luhan, tulog ba si Tiffany?" Tanong ni Mommy dahil nasa unang pwesto sila.
"Opo." Sagot ko at tinago na ang cellphone ko.
"Wake her up, malapit na tayo." Sabi nito habang naririnig ko ang pag-aayos niya ng kanyang bag.
Ma-ingat ko siyang ginising pati narin ang kanyang mga kaibiga. Mga nagku-kusot sila ng mga mata at 'yong iba ay nag-hikab pa.
"Where are we?" Tanong niya at naka-pikit parin.
"Malapit na tayo sa airport Bunso," Sagot ko.
Tipid siyang tumango at ngumiti. Inayos niya narin ang kanyang sarili at ang kanyang personal bag na dala dala.
Nakarating rin kami sa Airport at bumaba na kami lahat. Tulong tulong muli kami sa pag-baba ng mga gamit. Tatlong push cart ang kinuha ko para mai-lagay doon ang mga gamit namin. Isa isa kaming pumasok sa entrance ng Airport para matignan ang mga dala.
Pumunta na agad kami sa check-in-nan para ipakita ang mga dokumento naming dala, nang maging maayos na 'yon at aprubado na ang lahat ay nag-tungo na kami papunta sa sasakyan naming eroplano.
Private plane ang kinuha nila Mommy at Daddy, kaya pala ganoon nalang kabilis ang aming naging pag check in.
Katabi ko sa upuan si Tiffany at si Eunhyuk na tahimik ngayon dahil hindi naka-headphone kasi hindi niya katabi ang kanyang girlfriend.
"Kuya, I think. I'm sick." Matamlay lang nitong sabi sa akin.
Nag-alala ako bigla at tinitigan siya, medyo maputla ang kanyang bibig ngayon pati narin ang kanyang kulay. Nangunot ang aking noo, marahil hindi ito kumain ng umagahan dahil sa sobrang pagka excite niya o mayroon siyang nakain na allergy siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/9572650-288-k943151.jpg)
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With My Kuya
FanficFirst published: November 3 2013 Original Story by: Mrs-Lee COMPLETED.