Tiffany's POV
Hindi namin inaasahan lahat ang biglang pag-sulpot niya dito, sa lugar na wala naman nakakaalam na pupuntahan naming. At paano naman niyang nalaman na nandidito kami? Nalaman niya ba na nandito kami dahil sa mga guro namin? Kung nalaman niya nga mula doon, bakit kailangan niya pa kaming sundan dito?
"Pwede ba akong sumali?" Tanong niya habang naka-ngiti sa kapatid ko.
Napansin ko ang mga mata ng mga kasama naming lalaki na nakalaan lang sakanya, maliban nalang kay Eunhyuk na para bang mayroong binubulong sakanyang girlfriend. Dahil sakanyang suot na two piece ay pinag-mamasdan siya ng lahat ngayon. Talagang gusto niya palagi siya ang pinapansin, Attention seeker!
"Jiyeon.." Aniya ni Tao at gulat siyang nandidito ang babaeng 'to.
Buong akala ko ay magiging masaya ang outing naming 'to, kami pa nga ang nag-sabi sa aming mga magulang na dito naming gustong mag-punta pag-tapos dito ay sa El Nido naman. Nawawalan tuloy ako ng gana ngayon.
"Yes, Ako nga." Aniya at kumaway pa sa aming lahat.
Palihim akong huminga ng malalim dahil pinipigilan ko ang sarili kong mainis, Dahil sabi ng mga matatanda kapag ikaw ang unang napikon at nabwiset. Ikaw ang talo.
"What are you doing here? At paano mong nalaman na nandito kami?" Tanong ni Yoona at bahagyang lumingon sa akin. Marahil alam niyang hindi ko nagugustuhan ang nangyayari ngayon.
At oo nga, bakit nga ba siya nandidito?!
Muli siyang ngumiti at tumikhim.
"Well, I want a break too! I choose here pati narin ang mga kaibigan ko. Para kahit papano ay mag-kakasama tayong lahat, parang school tour lang diba?" Tuwang sagot niya.
Kung siya ay natutuwang makasama kami, pwes ako. Hindi, nawalan ako ng gana. Pakiramdam ko ay gusto ko ng umuwi sa Manila gayong nandidito ang babaeng 'to pati narin ang kanyang mga kaibigan.
"Fuck." Mariin kong bulong at tumalikod.
Matapos kong sabihin 'yon ay tuloy tuloy ako sa pag-alis. Tinatawag nila ako pero hindi ako lumilingon.
"Tiff, saan ka pupunta?" Hiyaw ni Yuri pero hindi ako nakinig.
Muli akong bumalik sa Infinity pool, dito ko na lamang ilalaan ang oras ko. Hindi ko makayang manatili doon habang nandoon rin ang babaeng 'yon.
Naka-upo ako sa sand lounger dito habang ginagamit ang preskong hangin upang kumalma ang aking sarili. Dahil sa nangyari lang kanina.
"Mind if I join you?" Kumunot ang noo ko ng mayroong mag-salita sa aking gilid. Kunot noo ko siyang nilingon. Namilog agad ang mga mata ko ng makilala ko ang nag-salita.
Mayroon siyang dalang dalawang inumin, tingin ko'y watermelon shake ang isa at 'yong isa naman ay strawberry shake. Nanubig agad ang aking labi dahil sa strawberry.
Inabot niya sa akin ang strawberry, dahan dahan ko 'yon tinanggap. Tipid akong ngumiti at nagpa salamat.
Umupo siya sa tapat ko, kahit na mayroon na siyang damit pang itaas ay hindi parin naka-iwas sa aking ang matipuno niyang mga braso.
Pakiramdam ko ay namumula ang mga pisngi ko ngayon, hindi naman gaanong kainit ang paligid pero bakit para ba akong nahihiya sakanya ngayon.
"What's wrong?" Aniya at kumunot ang noo.
"Nothing." Iling ko at sumimsim sakanyang bigay.
"It's been a decade, at ngayon na lamang ulit tayo nag kita." Sabi niya at tipid na ngumiti.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With My Kuya
FanfictionFirst published: November 3 2013 Original Story by: Mrs-Lee COMPLETED.