Tiffany's POV
Simula kanina ng bumalik ako sa villa ay hindi pa ako lumalabas ng kwarto, Ayoko munang makita sila. Inis kong ginagamot ang sarili ko dahil sa mga kaunting kalmot ng babaeng 'yon!
Dahil sa babaeng 'yon nagawa niya 'yon sa akin? Sinigawan niya at tinulak niya pa ako. Hindi 'man lang niya ako inisip, Kahit kelan naman siguro ay hindi ako inisip ng kapatid kong 'yon! Alam naman niyang hindi ako maayos pag dating sa babaeng 'yon!
Hanggang ngayon ay hindi parin humuhupa ang inis ko, Imbis na nag-sasaya kaming lahat dito sa bakasyon na 'to ay kabaliktaran ang nangyayari. Naiinis lang ako! Palagi lang akong naiinis! Kung bakit kasi sumunod pa ang babaeng 'yon, kahit kailan talaga ay napaka papansin niya! Gusto niya, lahat ng atensyon ay nasa kanya.
Tumigil ako sa pag-gagamot sa aking sarili ng marinig ko ang sunod sunod na katok dito sa pinto ng kwarto namin. Hindi ko na dapat papansinin pa 'yon pero mariin siyang kumatok na para bang madaling madali siya.
"Wait!" Hiyaw ko at tumayo mula sa pagkaka-upo.
Binuksan ko ang pinto at sumalubong sa akin si Mommy na mariin na naka-titig sa akin. Marahil hindi niya nagustuhan ang tono ng boses ko. 'Yon kasi ang pinaka ayaw ni Mommy sa lahat, ang pag-taasan siya ng boses. Pero hindi ko naman alam na siya 'yong kumakatok.
"Mom.." Tanong ko at pinanuod siyang pumasok dito sa loob ng kwarto namin. Ngumiwi ako dahil ang kalat naming apat dito. Ngunit mas makalat ako at alam ko naman 'yon.
Humarap siya sa akin at hinawakan ako sa aking braso. Tapos, ay sinara niya ang pinto. Iginaya niya ako patungo kung nasaan ako naka-higa. Umupo kami sa dulo ng kama at tinignan ang mga kalmot ko.
Gusto kong iiwas sakanya ang mga braso ko para hindi niya makita pa lalo, pero wala na akong magagawa dahil mariin niya akong hawak hawak at sinusuri.
"You should tell me what happened, I'm waiting." Aniya at kinuha sa akin ang bulak para siya ang mag-gamot sa akin.
"Tell you what, Mom?" Pag-kukunwari ko.
Bumuntong hininga siya at tumikhim. "The cat fight between you and Jiyeon, Who is she?" Sagot niya.
Sino naman kaya ang nag balita sakanya? Sinumbong kaya ako ni Kuya? Kaya nandidito ngayon si Mommy? Si Daddy kaya? Alam niya narin kaya ang nangyari?
"Why you did that to her? Hurt her and told her foul words, Hija." Dagdag niya at sa tono ng boses niya ay nararamdaman ko na disappointed siya.
Mas lalo akong nagulat dahil sa kanyang mga sinabi. Paano niyang nalaman iyon lahat?
"Now tell me, Hija. Anong dahilan ng sobrang galit mo sakanya?" Ulit niya
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sakanya, abot abot ang kaba sa aking puso. Ano nalang ang sasabihin ko sakanyang dahilan? Sinabi ng babaeng 'yon na gusto niya ang kapatid ko? Hindi naman pwede 'yon!
"Mom, forget about it. Wala lang 'yon." Sabi ko at ngumiti ng mapakla. Umaasa ako at nanalangin na hindi niya na nga papansinin pa ang nangyari kanina.
"Bù, nǐ bìxū gàosù wǒ!" Aniya.
(No, you have to tell me!)Napa singhap ako dahil sa tono ng kanyang boses. Para ba siyang naiirita dahil ayoko pang sabihin. Ano naman kasi ang dahilan na sasabihin ko? Eh 'yon lang naman talaga ang dahilan.
"Mommy.." Halos pumiyok kong sabi. Dahil hindi ko na alam pa kung paanong kakayanin ang mga nangyari ngayong araw. Parang sunod sunod naman ata? Parang nawawalan naman ako ng kakampi dito.
Uminit ang sulok ng mga mata ko. At alam ko rin pumula ang aking ilong. Dahil nag-iba ang reaksyon sa akin ni Mommy na para bang nabigla siya sa kanyang nasabi.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With My Kuya
FanfictionFirst published: November 3 2013 Original Story by: Mrs-Lee COMPLETED.