IFILWMK [14]

3.6K 117 9
                                    

Tiffany's POV

"Were together now, I and Him."

Ilang beses ang mga katagang iyon ang paulit ulit sa aking tenga. Parang isang sirang makina ang pagkaka-rinig ko doon. Paulit ulit ume echo sa aking mga tenga ang kanyang boses at mga katagang 'yon.

"What?" Halos pabulong ko ng sinabi.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, bigla akong naguluhan. Oo, alam kong galit na galit ako sa babaeng 'to pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?! It feels like that I'm betrayed! Cheated on!

Unti unti siyang tumango. Sa nakikita ko talaga sa kanyang ekspresyon ay hindi siya nag-bibiro. She's fucking dead serious!

"We're dating." Ulit niya.

Pero kung titiningnan mo sya, She's so fucking dead serious. Kaya't alam kong hindi niya ako niloloko!

"Hindi ako naniniwala." Sabi ko at tinalikuran siya.

Mayroon pa siyang sinasabi pero hindi ko siya nililingon. Patuloy ako sa pag-alis kung nasaan kami kanina.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, bumabangga ang kaba sa aking puso sa hindi ko malaman na dahilan. Bakit naman ako kinakabahan? At bakit ako ganito kaapektado dahil ba galit ako sakanya? Dahil ba siya ang napiling maging girlfriend ng kuya ko?

O dahil hindi niya ito sinabi sa akin?

Ngunit nangako siya sa akin na magge-girlfriend siya kapag pumayag ako. Lahat ba talaga ng pangako ay napapako nalang kapag sinabi? Tsk.

"Hindi!" Impit na sigaw ko at ginulo ko ang aking buhok dahil sa inis. 

Dapat ay makapag usap na kami ng kapatid ko, dahil alam kong hindi nag-sasabi ng totoo si Jiyeon. Niloloko niya lang ako para siguro mag-away kami ng kapatid ko dahil gusto niya ang kuya ko. 'Yun yon! Kaya niya 'yon sinasabi!

"Tiffany?" Natigil ako sa pag-lalakad ng mayroong tumawag sa aking pangalan.

Nilingon ko 'yon at 'nong malaman kong mga kaibigan niya lang pala ay muli akong nag-patuloy sa pag-lalakad. Si Nica at Maureen, ano naman kaya ang kailangan sa akin ng dalawang 'to? Tsk.

"Wait!" Pigil 'nong Nica.

Putcha. Ang kulit din nila eh, hindi ba nila nararamdaman o nakikita na ayaw ko silang maka-usap pero bakit tinawag parin nila ako? Tsk.

"Nica, Maureen." Mapakla kong sambit ng mga pangalan nila pagka-hinto ko.

Nginitian nila ako. So? Tinawag lang nila ako para mag-ngitian silang dalawa? Ano ba 'tong mga 'to? Nahihibang na?

"Anong kailangan niyo?" Inis na tanong ko.

Ngumisi 'yong Maureen, at si Nica naman ay parang hindi siya mapakali. Gusto niya ng lumakad paalis pero hinawakan siya sa kamay 'nong Maureen. 

"We just know what's happening to the three of you." Si Maureen.

Oh eh ano naman ngayon? Kailangan niya pa bang sabihin 'yon sa akin na alam niya? Of course. That bitch will gonna tell them what happened, Siyempre ako ang masama doon. Kwento niya 'yon eh, Siya ang bida at ako naman ang kontrabida.

"But I think, hindi mo pa alam ang isa?" Si Maureen ulit.

Lumipad ang mga tingin ko sakanya habang naka-kunot ang noo. Ngumisi siya at humalupkipkip. Hinawakan siya sa braso 'nong Nica upang pigilan siya sa ano 'mang sasabihin niya pero tinanggal niya 'yon.

"What do you mean?" Naka kunot noo kong tanong sa kanya

"Oh Gosh, Hindi mo nga alam." Si Maureen at humalakhak pa.

Si Nica naman ay tahimik lang na gusto na talagang umalis sa usapang ito.

Ano pa ba ang hindi ko nalalaman? Ano pa ba ang tinatago sa akin ng kapatid ko? Alam kong hindi naman lahat ng bagay ay kailangan niyang sabihin sa akin pero kapatid ko siya. Concern at mahal ko siya kaya ganoon.

"What is it?! You guys are wasting my time!" Sigaw ko dahil sa inis.

Nagulat doon si Nica ngunit si Maureen ay mas lalo lang siyang ngumisi. Talagang iniinis niya ako, that's her purpose for today! Fck.

"Tiffany kasi..." Nica

"What?! Sabihin niyo! hindi 'yong--"

Huminga ng malalim si Nica na para bang natatakot siya at nag aalanganin na sabihin ang nalalaman niya.

"They kissed." Sabat ni Maureen

Walang namutawing salita sa aking bibig ng marinig ko ang sinabi ni Maureen, para akong nabingi bigla. Naka-titig lang ako sakanya, Siya naman ay naka-ngisi. Si Nica naman ay halatang natatakot sa nangyayari.

"Tiffany, Okay ka lang ba?" Tanong ni Nica at lalapitan dapat ako pero hinarangan siya ni Maureen.

Humugot ako ng malalim na hininga at pilit na ngumiti kahit nag-babara at nanunuyo na ang lalamunan ko.

"It's just a kiss, that's not a big deal." Iyon lang ang nakaya kong sabihin at tumalikod na. Pinag-patuloy ko na lamang ang pag alis ko kahit na ilang beses nila akong tinatawag pa sa aking pangalan. Ngunit hindi ko sila pinapansin kahit lingon ay hindi ko ginawa.

Habang nag-lalakad ako ay unti unting umiinit ang sulok ng mga mata ko at humahapdi narin ang ilong ko.

Okay, ayos lang. Ano ba kasi masama kung mayroong nangyaring ganoon? Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko malaman kung bakit kailangan kong mainis sakanya at kay Jiyeon dahil lang sa halik?

Hindi na nga kami maayos ngayon ay mayroong dumagdag nanaman na problema. Bakit ba kasi hindi niya maintindihan na ayoko nga doon sa babaeng 'yon? Why is he still pursuing her?

Marami pa namang iba dyan! Pero bakit si Jiyeon pa? Tsk.

Huminto ako at kinagat ko ang ibabang labi ko. Pumikit ako ng mariin at humugot ng malalim na hininga. Pumatak ang isang butil ng luha galing sa mga mata ko na kaagad ko naman 'yon pinunasan.

Sa pag dilat ko ay siyang nakita kong gulat na naka-titig sa akin. Nagulat rin ako dahil hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito.

"Tiffany." Aniya at babalakin niyang lumapit pero hindi niya tinuloy.

Unti unting umuusbong ang galit sa aking sistema. Bakit pakiramdam ko ay binabalewala niya ako? Hindi na niya magawang mag sabi sa akin ng nararamdaman niya o ano ang gusto niyang gawin.

Hindi ba't mag kapatid kami? Kami 'yong mas malapit sa lahat. Kami 'yong bestfriend ang isa't isa. Pero bakit niya ito ginagawa sa akin? Bakit ngayon ay nag-lilihim na siya sa akin?

"Is it true?" Nanginig kong tanong.

Kumunot ang noo niya. "Ang alin?" Tanong niya rin.

Mas lalong nag init ang sistema ko dahil sakanyang ginagawa ngayon. Pagmu mukhain niya pa akong tanga pero alam ko naman na ang lahat.

"You and Jiyeon are dating." Deretso kong sagot.

Nanlaki ang mga mata niya doon. "What?! No!" Aniya.

Umirap ako. "Stop lying!" Aniya ko.

"I'm not lying, Tiffany! Jiyeon and I are just friends." Muli niyang pag-sisinungaling.

Muli akong umirap kahit bahagya na akong nahihilo. Dahil sa pag-irap sakanya.

"You're lying." Sabi ko.

Umawang ang labi niya na para bang siya ang hindi makapaniwala sa aming dalawa. At siya pa talaga ang mas magagalit? Eh siya na nga itong nag-sisinungaling. Tsk!

**
I'm revising all the chapters, fonts, spacing, and words. Thank you for understanding!

I Fell In Love With My KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon