IFILWMK [7]

4.9K 137 10
                                    

Luhan's POV

Mariin kong pinag-mamasdan ang lalaking nasa harapan naming dalawa. Kahit naka-harap ako kay Tiffany ay ito parin ang pinag-mamasdan niya.

"Who the fck are you?" Hindi ko napigilan ang inis ko. 

Nagulat ang mga taong nasa paligid namin, maski ang lalaki ay nagulat sa aking inasta at sinabi. Wala akong pakielam, kapatid ko ang kanyang binabastos dito.

"Bro, what ha--" Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinapak ko siya. Kamuntikan siyang mabuwal dahil doon.

"Kuya!" Gulat na sigaw ng kapatid ko.

Tinignan niya ang labi niya gamit ang isang daliri niya, mayroon itong dugo dahil pumutok ang gilid ng kanyang labi. 

"Fck. What the fck is your problem?!" Galit na tanong lalaki sa akin at umaamba rin ng ganti. Mabilis na pumagitna ang aming mga kaibigan na lalaki, samantalang ang mga babae naman ay hinila si Tiffany papunta sa kanila.

Sasapakin ko dapat siya muli ngunit hinawakan ako ni Sehun Kai sa aking mga braso upang pigilan ako sa pag lapit sa gagong 'to.

"Luhan, Tama na!" Aniya sa akin ni Sehun habang pinipigilan ako.

Pumagitna si Tao at Eunhyuk habang si Kris naman ay pinipigilan rin ang lalaking sinuntok ko. Abot abot ang inis at galit na naramdaman ko ngayon.

"Kuya, anong ginawa mo? Bakit mo ginawa 'yon?" Natataranta at natatakot ng tanong sa akin ng kapatid ko.

Inis akong lumingon sakanya. Hindi niya ba napansin o naisip 'man lang?

"Binabastos ka niya!" Hindi ko napigilan ang pag taas ng aking boses. "Nakahubad siya habang kinakausap ka niya! Are you seducing my sister?!" Dagdag ko at hinarap muli ang lalaki.

Suminghap doon ang lalaki na tila ba'y dismayadong dismayado sakanyang narinig mula sa akin. Ngunit hindi ako nag-sisi doon! Dapat lang 'yon sakanya. 

Humugot ng malalim na hininga ang lalaki at humarap sa akin. Tumikhim ito.

"Mister, I'm not seducing your sister, Well honestly. It's my fault hindi ko sinasadyang matapunan siya ng aking inumin." Aniya. Lalong kumunot ang noo ko. 

"Pangalawa, I'm also a tourist here. This a resort, a resort with a beach. Therefore, there's nothing wrong being a topless. This is just my outfit, I'm sorry." Dagdag niya at tumikhim. 

Muli siyang humugot malalim na hininga. 

"I will let you pass this time but the next time you do this again? I'll punch you too." Aniya at mahinang tinapik ang aking balikat. 

Unti unti kong naramdaman ang pagka-pahiya. Lumunok ako at hindi malaman ang gagawin ngayon.

"Siwon?" Nangunot ang aking noo ng mag-salita ang aking kaibigan na si Eunhyuk.

Lahat kami ay nag-taka. Dahil... Sila ba ay magka-kilala?

"Wait, Siwon. Ikaw ba 'yan?" Si Yuri naman.

Kumunot muli ang aking noo, Nag-taka roon ang lalaking tinatawag nilang Siwon. Sino ba ito? Bakit niya kilala ang mga kaibigan ko?

"You're Yoona, Right?" Aniya habang tinititigan si Yoona. Tumango doon si Yoona at nagawa niya pang ngumiti.

"Ate Hyo?" Turo niya sa girlfriend ni Eunhyuk.

Mas lalo kaming nag-taka dahil kilala siya ng apat. Nakita ko ang unti unting pag-silay ng ngiti sa labi ni Eunhyuk pati narin sa mga babae maliban sa aking kapatid na ngayo'y naka-titig parin sa lalaking 'to.

I Fell In Love With My KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon