IFILWMK [12]

4.1K 116 9
                                    

Luhan's POV

Patay na ang mga ilaw dito sa loob ng kwarto, ngunit ang lampshade ko nalang ang bukas. Hindi ako dinadalaw ng antok, naririnig ko ang pag hilik ni Kai. Pero alam kong hindi 'yon ang dahilan kung bakit hindi ako maka-tulog ngayon.

Bumiling ako at sa pag lingon ko ay si Eunhyuk ang nakita ko. Pikit na ang mga mata nito. At tahimik na natutulog hindi kagaya ni Kai.

Iniisip ko ang lahat ng mga nangyari buong araw. Halo halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon kahit patapos na ang araw na ito.

Muli akong bumiling paharap at doon gumalaw ang katabi ko.

"Ang likot mo naman!" Reklamo ni Eunhyuk dahil nagising siya. Pumikit siya ng mariin at muling dumilat. Para ba siyang nasilaw pa sa lampshade.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at nakita ko pang si Hyoyeon ang naka wallpaper doon. Ganoon ba talaga kapag girlfriend mo ang isang babae? Kailangan naka wallpaper sa cellphone mo?

Pati tuloy ang katabi ko ay nagising pa dahil sa kaka-likot ko. Hindi talaga ako maka-tulog. Hinawakan ko ang labi ko at napa-tulala muli.

"Ano ba iniisip mo at hindi ka maka-tulog? Anong oras na, Lu." Aniya at mayroong inis na bahid sakanyang mga linya.

Lumunok ako at mabilis na bumangon. Pumikit ako ng mariin at ginulo ang buhok ko dahil sa inis.

"Aish." Daing ko at muling hinawakan ang aking labi. Pumikit ako ng mariin at naramdaman kong mayroong mahinang bumatok sa akin.

Inis kong hinarap ang kaibigan ko, naka-upo narin siya. At halata parin sakanya ang kulang sa tulog.

"Ano ba problema mo?" Kunot noo niyang tanong sa akin at sumandal sa headboard. Humikab pa siya.

"Tangina, hinalikan ako ni Jiyeon eh." Hindi ko na napigil pa ang aking sariling aminin 'yon. Dahil ayokong kimkimin pa 'yon. Dahil hindi talaga 'yon maalis sa isipan ko, ang nangyaring 'yon.

Sa pag-alis niya ay umalis rin ang mga kaibigan niya. Hindi ko alam kung sinundan siya ng mga 'yon dahil parehas lang naman ang direksyon na nilakaran nila.

"Wait lang pare." Aniya sa akin ni Kris at tinapik ang aking balikat. Sumama rin sakanya ang iba ko pang mga kaibigan.

Naiwan kaming dalawa dito ni Jiyeon ngayon na gulo gulo ang buhok at marami rin ang mga kalmot at sugat sakanyang braso.

That was terrifying as hell! Hindi ko alam kung paano silang maaawat.

"Look, Luhan. I have a cut here." Daing niya habang tinitignan ang bawat galos niya sakanyang katawan.

Lumunok ako at hindi pinansin ang kanyang sinabi. I know she's hurt but I'm thinking about my sister. She probably hurt too!

"I have to go. I'm sorry for what happened." Maayos na paalam ko sakanya at humakbang na paalis.

Hindi pa 'man ako nakaka-layo ay hinawakan niya ang kamay ko at hinarap ako sakanya. Hinapit niya ako palapit sakanya. Hinawakan niya ang batok ko at napa pikit nalang ako ng mariin ng siilin niya ako ng halik.

Tumama rin ang dibdib niya sa dibdib ko. Mahigpit niyang hawak hawak ang kamay ko.

Abot abot ang tahip ng aking puso dahil sa nangyari! Agad ko siyang nilayo sa akin habang gulat na gulat siyang tinititigan.

"Jiyeo--" muli niya akong hinalikan at mas madiin 'yon ngayon. Para bang gusto niyang nguyain ang labi ko.

Muli ko siyang nilayo sa akin. "Jiyeon ano ba?!" Inis na hiyaw ko dito.

I Fell In Love With My KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon