Tiffany's POV
Nagising nalang ako ng matama ang sinag ng araw sa mukha ko. Dahan dahan naman akong bumangon. Nasapo kaagad ng kamay ko ang likod ko. Sobrang sakit ng katawan ko. Pati narin ang ulo ko.
Hinang hina ko naman ginalaw ang mga binti ko, tatayo na sana ako para mag lakad pero hindi ako makaalis. Dahil nga sobrang sakit ng katawan ko, mayroon pa naman akong pasok
Sinusubukan kong tumayo na naka hawak ako sa side table ng kama ko. Dahan dahan akong tumayo pero napa upo ulit ako. Ano ba yung ginawa nila sakin? Buti nalang hindi na makikita ito nina Mom at Dad dahil pumunta sila sa England One week sila doon.
Dahil sa makulit nga ako, Nag try ulit akong tumayo at sa wakas na katayo narin ako habang naka hawak sa side table. Pero sa kasamaang palad.
Tumama ang ulo at likod ko sa sahig, dahilan naman para madagdagan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko namamalayan umiiyak na pala ako.
Napa tingin ako sa pinto habang nahihirapan ako dito sa nangyari sakin. Bakas sa mukha niya ang pag alala. Kasama nito ang mga yaya ko.
"Fuck.. Diba sabi ko sa inyo wag niyong iiwan, mag isa si Tiffany!" Sigaw niya habang papalapit sakin. Binuhat naman niya ako at iniupo ulit sa kama ko.
"What.. Mayroon masakit ba sayo? Are you okay? " Sunod sunod niyang tanong.
"Ano ba kasi yung ginagawa niyo at iniwan niyo siya mag isa dito?" Sermon niya ulit sa mga katulong namin na ngayo'y mga naka yuko.
"L-lumabas na kayo." Utos ko
Napa tingin naman siya sakin bigla, alam kong ikinabigla niya ito.
"I will prepare myself.. I need to go to school." Saad ko
Pero imbis na mag salita siya ay binatukan niya ako. Pero mahina lang naman parang hinawakan niya nga lang eh.
"Crazy girl huh, Naalog na nga siguro yung utak mo. Kakasabunot nila sayo, commonsense tingin mo papasukin kita ng ganito? Mag isip ka nga." Sabi niya
Nakunot ko naman ang noo ko sa sinabi niya, Crazy girl?! Eh siya nga yung may kasalanan nito eh. Bakit kasi ang pogi pogi niya? Halos perfect na ang kuya ko.
Fucking Tape! Ano iyon? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Ano ba yung nangyayari sakin. First time ito ah? What's happening to me?
Pagka-tapos ng usapan namin na 'yon ay napag pasyahan ko nalang na matulog na lang ulit. Hindi na nga ako papasok dahil hindi kaya ng katawan ko.
"Hindi ka pumasok? " Tanong ko at sumubo ng ice cream.
Nag request ako sa kanya ng strawberry flavored ice cream, Gumagaan tuloy ang paki ramdam ko sa kinakain ko. Hmm so sweet!
"Nag excuse ako sa prof ko." Sagot niya habang naka tingin sa screen.
Kumuha naman ako ng isang scoop at tinapat ko sa kanya ang spoon malapit sa bibig niya. Napa tingin naman siya sakin.
"Mianhamnida.. Because of me, hindi ka naka pasok. " Saad ko "Say ahh. Please?? " Sabi ko
Hinihintay ko naman niya isubo niya ang spoon. Andd.. Kinain naman niya rin ang ice cream. Napa ngiti naman ako.
Mayroong kumabog nanaman sa aking puso.
Ano nanaman ba iyon? Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko. Ano ba talaga nangyayari sakin? Binugbog lang naman ako ah?
"Wait.. I'll go to my room. Kukunin ko lang yung medicine kit." Paalam niya at nag-lakad na patungo doon.
**
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With My Kuya
ФанфикFirst published: November 3 2013 Original Story by: Mrs-Lee COMPLETED.