IFILWMK [3]

8.4K 223 17
                                    


Tiffany's POV

Maaga akong umalis ng bahay, hindi ko na hinintay pa ang school bus. Nag-taxi na lamang ako, hindi nga ako nakapag umagahan dahil sa pag-mamadali ko. Tanging cookies lang ang kinain ko habang nasa taxi ako, Ayoko kasing mag tagal sa bahay dahil.. Ugh. Change the topic! Ayokong mas lalong sumama ang araw ko.

"Bakit ba ang aga mo naman 'yata pumasok ngayon?" Tanong sa akin ng kaibigan kong si Yoona at inaayos ang kanyang bag sa kanyang balikat.

Kasalukuyan kaming nag-lalakad na apat dito, Ako, Si Yoona, Yuri at Hyoyeon. Sa Hallway ng aming university, Hindi ko alam kung tama kong sabihin sa kanila ang nangyari, gayong kilala nila ang kapatid ko na naiinis ako ngayon. Tss.

"Oo nga, dati dati ay late ka pa." Sabi ni Hyoyeon at nilabas ang cellphone niya.

Kung sesermunan nila akong tatlo ay wala akong balak na makinig. Huminto ako sa pag-lalakad at hinarap si Yuri na nagulat sa ginawa ko.

"Meron ka rin bang sasabihin sa akin?" Prankang tanong ko sakanya.

Kumunot ang noo niya at umiling sa akin ng nag-tataka. Nag-lagay siya ng lip tint sakanyang bibig habang patuloy kami sa pag-lalakad.

"Look who's coming."

Napa-hinto kami sa pag-lalakad dahil huminto rin sila sa harap namin, Dalawang lamesa ang pagitan namin. Kaya't kahit anong sabihin nila, Ay maririnig namin.

Walang gana kong tinitigan si Chi na naka-titig rin sa amin ngayon, Maarte niyang inayos ang kanyang ID lace. Tinaasan niya ako ng kilay. Tumaas rin ang kilay ko.

At ano naman ang problema ng babaeng 'to sa akin? Wag niya ng inisin pa lalo ang araw ko. Inis na nga ako kagabi, pati sa bahay kanina. Pati ba naman dito sa school ay maiinis ako? Tss.

"So? What's wrong with us?" Aniya ni Yuri.

Matalim na tumitig si Eunjung sa kaibigan kong si Yuri habang naka halupkipkip na para bang masamang mag-salita dito si Yuri.

"Ano problema mo naman, at ang sama ng tingin mo kay Yuri?" Aniya ni Hyoyeon at pinanuod ang pag galaw ni Eunjung.

Ngumisi si Kip. Kaya't pinag-taka naming lahat 'yon.

"Sumama kasi bigla ang hangin, kaya naman pala. Nag-lalakad kayo dito." Aniya ni Kip at nagpa-lobo pa ng kanyang bubble gum. Ew.

Kanina pa ako wala sa sistema ko, Tapos ito pa ang bubungad sa akin sa school. Matinding panalangin ko na wag na sanang mag-salita ang pinaka-iinisan ko sa lahat sa kanila.

Mariin ko siyang tinitigan dahil lumilingon siya sakanyang mga kaibigan, Pare parehas sila ng ugali at pakiki-tungo. Lahat sila ay maarte! At feeling maganda! Kahit hindi naman!

"Guys, please. Enough. Hindi naman nila kayo inaano diba?" Sabi niya sa mga ito.

Kumunot lalo ang noo ko dahil sakanyang mga sinabi na akala mo, Totoo pero hindi naman totoo! Pakitang tao lamang siya alam ko 'yon at ramdam ko 'yon.

"Look, Tiffany. Ako na ang hihingi ng sorry para sa mga kaibigan ko." Sabi ni Jiyeon at tipid na ngumiti sa akin.

Plastik! As if namang maniniwala ako sakanyang mga sinabi. Nang-hihingi siya ng sorry pero naka ngiti rin naman siya, Sino ang lolokohin niya ako? No! Well, kung sanay siyang makipag plastikan sa lahat ng bagay ay kaya ko rin!

"It's okay, Babe. Apology accepted." Sabi ko at matamis na ngumiti sakanya.

Tumaas ang sulok ng labi niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa habang pinapasadahan ng daliri ang kanyang buhok. Nandidiri ako sa aking ginawa, Basta. Inis na inis ako sa babaeng Jiyeon na 'yon! Nasa University kami pero ang kanyang make up ay parang mayroon siyang party na pupuntahan.

I Fell In Love With My KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon