Chapter 7: Identical

824 25 1
                                    


Present time...

Lumipas ang dalawang araw matapos kong i-kuwento ang parte ng nakaraan ko kay Chris pero hanggang ngayon hindi parin siya nagpaparamdam at dalawang araw narin kaming walang practice sa Studio.

Nag-ring ang phone ko. Si Nanay tumatawag kaya naman ang pagka-bahala ko ay agad napawi.

Sinagot ko ang phone.

Hello po Nay.

[Anak, kamusta na?]  Excited niyang tanong.

Eto po Nay, okay naman po. Kamusta naman po kayo diyan ni Tatay?

[Busy ang tatay mo sa pangingisda, pero ayos naman kami. Namimiss ka nga lang namin. Yung pagpa-piano mo anak, kamusta na?]

Wala naman pong problema sa piano. Nag-out of country lang si Sir Migs kaya si Chris po muna ang mentor ko.

[Sinong Chris anak?]

Siya po ang temporary mentor ko. Isa rin po siya sa mga estudyante ni Sir Migs. Saka Nay, tinutulungan niya din pala ako na maibalik ang ala-ala ko.

[Natutuwa ako para sayo Anak. Ipagdarasal ko na sana manumbalik na ang mga ala-ala mo. Apat na taon na din kasi ang nakakalipas.]

Thanks Nay. Miss ko na kayo diyan.

[Kami din ng Tatay mo. Mahal na mahal ka namin.]

Mahal na mahal ko din po kayo. Kamusta niyo nalang po ako kay Tatay diyan ha. Ingat po kayo palagi.

[Sige Anak, ingat ka rin palagi. Bye anak.]

Bye din po Nay.

End call.


Nandito ako ngayon sa bahay ko since hindi naman nagsabi si Chris na may practice kami kahit na meron naman talaga. Ano na kayang nangyayari sa kanya? Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit bigla nalang siya nawalang parang bula. Maayos naman kami hanggang sa matapos ang pagkukwento ko sa kanya. I wonder what went wrong.

I was trying to be busy in playing my own piano when suddenly, my phone rang.

Kinuha ko ulit ang phone ko and I didn't expected it.

The devil has returned.

Sinagot ko ang tawag. Pero bago pa ako makapag-hello, inunahan na niya ako.

[Are you busy?]

Not quite.

[Can we... go out?] He asked and I got the feeling that he's unsure about going out.

Saan naman tayo pupunta?

[Anywhere. So hurry up.]

Why rush? Ano bang meron?

Hindi niya sinagot ang tanong ko.

[Just hurry up because I'm already in front of your house.]

[Ha?]

 Sumilip ako sa front window and he was right. Nakita ko siyang nasa labas ng kanyang sasakyan na mukhang isang mamahaling sasakyan.  Nakasandal siya sa sasakyan habang nakalagay ang isa niyang kamay sa bulsa ng pants niya habang kausap ako sa phone.

Ang simple ng porma niya and yet he's eye catching.

[Tapos ka na ba Seychelle?]

Nakalimutan kong kausap ko pa pala siya... Kung bakit ba naman kasi nakakakuha ng atensyon ang lalakeng to kahit nasa malayuan.

My Sweet PianistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon