Seychelle's POV
It was early in the morning. 6 am palang pero napagisipan ko ng pumunta sa studio.
Buong gabi ako hindi makatulog, so maybe if I spend some time in the studio will make me feel better...
Madilim ang buong paligid pagkapasok ko at tanging isang munting liwanag lang ang masisilayan sa loob... Pagkabukas ko ng ilaw...
Isang lalaki ang payapang natutulog sa piano.. Nakabagsak ang ulo niya sa mga teklado...
Si Chris.... At kung hindi ako nagkakakmali, baka marahil ay dito na siya nagpalipas ng magdamag.
He looks so hopeless as I watch him asleep and yet he's still beautiful, in his own dark and disheartening way. Parang ang bigat ng dinadala niya. Sa sahig ay nakita ko ang isang gitara. It was obvious that it belongs to him. Nilapitan ko siya at umupo ako sa sahig. Kinuha ko ang gitara sa hard case since nakabukas naman ito.
What are you doing here Chris?
Nang hawak ko ito ay talagang tiningnan ko ang buong quality. The brand is "Gibson" and it looks vintage acoustic in hazel color. It kind of reminds me of his eyes.
Sa mismong front body ay nakalagay ang mismong signature ni Chris. Sinubukan kong mag-strum... Ang ganda ng tunog.
Hindi naman ako guitar-pro pero may mga bagay akong alam pagdating sa history ng ibang brands ng gitara. Ang model nang gitara nya ay isang Gibson Hummingbird annd then may pumasok bigla sa isip ko...
*TING!
Why not try it? I know some few chords since I have this mannerism to observe Sir Migs to play guitar.
Pinasadahan ko ang gitara ng ilang chords na alam ko until I make an unknown song out of it.
"I didn't know you have interest in guitar."
Napatigil ako. Gising na yung lalakeng tulog mantika sa piano.
"Kanina ka pa gising diyan?" I asked after I put down his guitar.
"A little. You woke me up, actually."
Medyo humikab-hikab pa siya.
"Pasensya. I was just fascinated in your guitar. Ang ganda ng quality ng tunog e."
"Thank you. Bigay yan ng dad ko sakin."
Then tumingin siya sakin.... Lumapit siya... Tinititigan ako habang palapit siya ng palapit...
Te-teka... A-anong ginagawa niya?
Tas maya-maya bigla siyang suminghot-singhot na parang may inaamoy...
Mukha siyang asong naghahanap ng makakain.
"What's that smell?" tanong niya habang nag-aamoy...
"What smell?"
Hala... Naamoy niya ata yung breakfast na dala ko...
Kinuha nya ung small bag sa tabi ko kung san nakalagay ang breakfast ko.
NOO!!!
Binuksan niya ang bag ko... Excited pa nga siya habang isa-isa niyang nilalabas ang mga pagkain ko. Nilabas nya ang isang tupperware na ako nga nagluto pero siya din ang kakain.
"Wow! This is making me crave."
Nilabas niya pa ang isang Tupperware na may lamang sliced ripe mangoes at kinuha niya yung drinking bottle na may laman namang pineapple juice na medyo malamig pa.
BINABASA MO ANG
My Sweet Pianist
RomanceMemory's lost. Yesterday's unknown. Tomorrow's untold. But today is their chance.
