Kath's PoV
Lahat kami ay kinakabahan dito s stage. Iba't ibang mga dance group ang kasama namin dito. Kanya-kanyang hawak ng mga kamay ang mga magkakagrupo habang hinihintay ang anunsyo ng bagong kampeon sa Underground Dance Battle Contest.
Magkahawak ang kamay namin ni Eric at sa kabila ko ay si Grace naman. Ako ang nasa gitna ng grupo namin habang lahat kami ay magkahawak-kamay since simula nang sumali ako s grupo ay kinonsidera nila akong Lucky Charm. Walo kami s grupo at ako ang kanilang four-leaf clover.
"At ang kampeon sa laban na ito ay walang iba kungdi ang.....
DARK INFINITY DANCE CREW!!!"
TILA TUMIGIL ANG TAKBO NG ORAS NANG MGA SANDALING BINANGGIT NG HOST ANG PANGALAN NG AMING GRUPO!!!!
Para akong nabingi at natulala sa narinig ko kahit na malaki naman ang tsansa na mananalo kami.
SUNUD-SUNOD ANG MGA PALAKPAKAN AT HIYAWAN NG MGA TAO AT ISA NA KAMI SA MGA TAONG NAGTATAMPISAW SA SAYA!
Bigla akong binuhat ng mga kagrupo kong lalake at inupo sa kanilang balikat at saka nagsigawan ulit sa saya.
Iniabot sa akin ni Eric ang tropeyo na siyang kinuha ko masayang itiniaas kasabay ng walang katapusang kasiyahan.
"FOUR LEAF CLOVER FOREVER!"
Sigaw nila.
Kilala kasi ako sa pangalang ito. Here, my other name is Four Leaf Clover.
Ibinaba na ako ng mga kagrupo ko at sinalubong ako ni Eric ng yakap niya. Lagi naman nya akong niyayakap sa twing nananalo kami kaya para sa amin wala itong malisya.
"Kath!" May lalaki na umakyat sa stage at masayang tinawag ang pangalan ko.
Kumalas ako sa yakap ni Eric at lumapit kay Warren.
Niyakap niya ako na ikinagulat ko dahil ngayon nalang niya ulit ako niyakap.
"Congrats, Clover!" Sabi nya sakin nang matapos nya akong yakapin.
"Don't call me that." Saway ko sa kanya.
"Yun din naman ang tawag nila sayo." Katwiran niya.
"Kahit na and it's Four leaf clover."
"Basta masaya parin ako na kayo ang nanalo! Let's celebrate! "
"Thank you sa pagco-congrats sa amin but celebrating won't be necessary. Lagi naman kaming nananalo." I smiled at him.
Biglang lumapit sa amin ang mga kagrupo ko.
"Narinig kong magcecelebrate tayo? " Singit ni Alexa.
"Oo! My--"
Tinakpan ko ang bibig ni Warren para hindi na niya maipagpatuloy ang sasabihin niya.
"O c'mon Kath. Don't be such a killjoy. May nag-aalay sa atin ng biyaya tapos tatanggihan mo?" Siya namang sabi ni Grace.
"Let him talk, Four Leaf Clover." Utos ni Eric na may ngiti sa kanyang mukha.
"Okay."
At inalis ko nga ang kamay ko sa bibig nitong si Warren.
"Kung okay lang sa inyo, I would like to throw a celebration. Kahit naman na lagi kayong nananalo, kailangan paring i-celebrate ang pagkapanalo ninyo. Let's say, we have to celebrate while we still can, right? "
BINABASA MO ANG
My Sweet Pianist
RomanceMemory's lost. Yesterday's unknown. Tomorrow's untold. But today is their chance.
