Chapter 32.1: Coeur de la Mer (part1)

398 12 3
                                        

Author's Note

Mamaya niyo i-play ung video. Video not mine. Credits to the real owner. :) 

This chapter is dedicated to ChixRara :) :)

====

Seychelle's PoV

"GO CHRIS!!! KAYA MO YAN!!!" Malakas kong cheer sa kanya.

Si Tatay kasi e! Bakit ito ang binigay niyang pangalawang pagsubok kay Chris?! At si Chris pumayag naman kahit pinagbawalan ko na.

Sino bang hindi mahihirapang akyatin ang puno ng niyog?!?

NATATAKOT AKO PARA KAY CHRIS DAHIL BAKA MALAGLAG SIYA.

Napansin ko kasing medyo nahihirapan siyang umakyat. Baka dala narin ng pagod kasi nangisda pa sila ni Tatay kanina.

"SIGE TWINKIE! KAYA MO YAN! HUWAG KANG TITINGIN SA BABA! HUWAG MO ISIPING NAPAPAGOD KA NA!!! HUWAG KANG SUSUKO!!! NANDITO LANG AKO AT ICHI-CHEER KITA!!!! GGGGOOOOOO!!!!" Todo suporta ko sa Twinkie Ko!

Wala akong pakialam kung nahihigitan ang boses ko ng mga babaeng exaggerated kung mag-cheer kay Chris.

Nangangalahati na siya sa naakyat niya at nahahabol narin niya ang mga kalaban niya. Lima silang mga kandidato na naglalaban para makakuha ng lima at higit pa na bilang ng niyog. May piyesta kasi dito kaya syempre hindi rin mawawala ang mga larong pamprobinsya.

Nagchi-cheer din sila Nanay at Tatay kasama ko.

"GO CHRIS!!! HUWAG KANG MAGPAPATALO SA KANILA!!!" Sigaw ng isang babae na katabi ko lang!

ABA! PAANO NIYA NALAMAN NI CHRIS?

"GO BABE!!! KAPAG IKAW ANG NANALO, MAGPAPAKASAL NA AKO SA YO! PANGAKO! KAYA MO YAN BABE!" Sigaw naman ng isang babae na nasa harap ko naman. 

ILUSYUNADANG BRUHILDA! HINDI SAYO MAGPAPAKASAL SI CHRIS! 

"ANG GWAPO NIYA TALAGA!!!"  Dagdag na isa pang linta.

"HONEY!!! WAG KANG BIBITAW!!! PERO KAHIT MALAGLAG KA PA, SASALUHIN KITA!!! GO LANG NG GO!!!" Sabi pa nung isang tsanak na babae.

NAKAKAINIS NA AH!!! BAKIT NIYO BA PINAGPAPANTASYAHAN ANG LALAKENG TAKEN NA?! 

"AAANNNOOOO BBBAAAA???!!!!" Malakas kong sigaw sa kanilang lahat. "HINDI BA TALAGA KAYO TITIGIL SA PAGPAPANTASYA NIYO KAY CHRISTIAN?!? HINDI NIYO BA ALAM NA MAY GIRLFRIEND NA SIYA?!?"

Ayan!!! E di natahimik din yang kakatalak ng mga bunganga niyo!!! Ang lalandi nyo tingnan! Kala ko pa naman pag probinsyana ay konserbatibo at halos di makabasag-pinggan pero grabe pala pag nakakita ng gwapo!!! HHHAAAIIISSSTTTT!!!

"WOW ATE HA??!! ANO NAMAN KUNG MAY GIRLFRIEND SIYA? MAG-ASAWA NGA NAGHIHIWALAY. SAKA SINO KA BA?" Masungit na tanong ng isa sa mga babaeng nakiki-cheer sa Chris ko.

"Oo nga! SINO KA BA? " Sabat pa ng isang babae.

LINTEK NA PUGITA! x___x

Kahit sila Nanay at  Tatay ay hindi na maawat ang mga malalanding kababaihan na pinagkakaisahan ako.

Natahimik kaming lahat nang magsilaglagan ang mga niyog sa punong inakyatan ni Chris.

Dere-deretso ang mga niyog na nalalaglag hanggang sa natapos siya at nagsimulang bumaba.

My Sweet PianistMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon