Chapter 36: The bullied Shiny New Star

376 11 11
                                    

Ang aga-aga nagtatakbuhan na ang mga estudyante at pulos babae pa. Papunta sila sa Science and Medical Building na nasa likod lang ng building na papasukan ko.

Sa pagkakarinig ko may bago daw na estudyante at Bachelor of Science and Doctor of Medicine ang course ng new student.

Hmmm... Sino kaya siya?

Anyway, Hindi naman ako katulad ng mga babae na kapag nakakakita ng gwapo ay hahabulin na ang lalake. I have Chris and he's more than enough.

I took my first subject.

Lumipas ang oras at natapos na din. It went well, nothing happened. Just the usual, ayun... Pinagtitinginan parin ako ng mga estudyante.

I went to the restroom, then inside the cubicle to urinate. Ang lamig ng classroom namin kahit balot na balot ang katawan ko sa uniform. After urinating, I flushed it and after putting back my shorts underneath my skirt,  I opened the cubicle's door.  I was about to walk when I started moving sideways, losing my balance. Nagpagewang-gewang ang katawan ko at nang mapatingin ako sa sahig, may madulas na likido ang tinatapakan ko. Kulay berde at mukhang liquid soap.

Who the hell would play pranks on me?!?

Humawak ako sa holder ng cubicle to keep my support. Buti naman at medyo naging maayos ang balanse ko. Napasandal ako saglit.

PHEWW!!! Muntik na. Pero paano naman ako makakaalis dito? Unting galaw ko lang baka matuluyan ako dito.

Maya-maya, nagpatay-sindi ang mga ilaw.

WHAT THE?!? Some lousy prank idea.

I admit na medyo natatakot ako but I need to stay calm.

Kumapit ako ng mahigpit sa holder at dahan-dahang lumabas sa cubicle kahit nagsikalatan na ang liquid soap sa sahig.

Kinuha ko ang phone ko sa bag. I was going to call Chris but there's no signal inside the restroom.

"TULUNGAN NIYO AKO DITO! PLEASE!"

Tuloy parin sa patay-sindi ang mga ilaw. Humakbang pa ako ng dahan-dahan dahil sa napansin kong malapit lang pala ang linisan ng mga lampaso. Yung parang malalim na lababo. I think I can clean up this liquid soap on the floor before I can finally go out.

Tuluyan na akong bumitaw sa holder para makalapit ako sa linisan ng lampaso.

This liquid soap SUCKS! Paano natapon ang liquid soap sa sahig kung ako lang ang pumasok dito sa c.r?!?

Nakakaduling ang pagpapatay-sindi ng ilaw. Hindi ako maka-focus.

"TULUNGAN NIYO AKO PLEASE! MAY TAO BA SA LABAS?!" Sigaw ko.

Humakbang pa ako pero sa hindi inaasahan, it was more slippery than I expected. Nagpagewang-gewang na naman ako dahil sa madulas na sahig.

WHOA!!!

WHOA!!!

WHOA!!!

"AHHHH!!!"

Sa pagsigaw ko ay tuluyan na akong na- out of balance at nadulas.

Malakas na bumagsak ang likod at ulo ko sa sahig.

Fudge... Ang sakit. Sobrang sakit ng pagkabagsak ko.

Naiiyak ako... I can feel my head spinning. Sobrang lakas ng impact ng pagkabagsak ko.

PLEASE, SOMEBODY... I pleaded deep within me. Gusto kong sumigaw para sumaklolo pero pakiramdam ko namanhid na ang buong katawan ko sa pagkadulas at ramdam na ramdam ko din ang malapot at mabasang liquid soap sa buong likod ng katawan ko.

My Sweet PianistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon