Seychelle's PoV
Napabalikwas ako sa kama nang maramdaman kong wala siya sa tabi ko.
Blanko ang kabilang side ng kama ko pero maayos ang pagkakaiwan sa mga unan niya.
Nasaan siya?
Hindi naman niya alam ang lugar dito sa probinsya.
"Chris?"
Saan kaya siya pumunta???
Lumabas ako sa kwarto nang hindi man lang nakakapagsuklay o nakakapag ayos ng sarili.
Nakita ko si Nanay na kumukuha ng mga sinampay sa labas ng bahay.
"Nay, si Chris po? "
"Ayun kasama ng Tatay mo. Nasa dagat sila at nangingisda."
"Po?!?!"
"Huwag ka mag alala anak, di siya lulunurin ng Tatay mo."
Sabi niya ng pabiro matapos kunin lahat ng sinamapay.
Tinulungan ko siya na dalhin yung isa pang balde ng mga bagong laba na damit.
"Anong oras pa po sila nasa dagat?"
"Mga alas-kwatro imedya pa. Si Chris ang nagvolunteer na tulungan si Nestor. "
"Ta-talaga po, Nay?" pagtataka ko.
"Oo. Mukhang seryoso siya sayo anak. Sa pagkakaalam ko yung pangingisda ang una niyang pagsubok na binigay ng Tatay mo."
"Una pong pagsubok? E si Chris pa nga po nagvolunteer."
"Siya nga pero ang sabi ni Nestor, paramihan daw sila na mahuhuling isda."
Patay! Marunong kaya mangisda si Chris? Kahit naman na may ari ang pamilya niya ng shipping and cruise lines, wala paring kasiguraduhan na marunong siya sa mga gawain ng mangingisda.
Sana kayanin niya.
Pumasok na kami sa loob at habang ako ang magtutupi ng mga damit ay si Nanay naman ang magluluto ng almusal.
Habang nagtutupi ako....
Nakita ko na pumasok na si Tatay.
"Magandang umaga po, Tay. " bati ko sa kanya sabay nag-mano.
"Magandang umaga rin, pinakamamahal kong anak. Marami na naman akong nahuling isda." Masayang bati ni Tatay.
"Ah, Tay, nasaan po pala si Chris?"
"Sinong Chris?" Tanong pa niya na parang di kilala si Chris.
"Si Chris po. Ang lalakeng nagdala sa akin dito. Tay naman e."
"Ah si Chris ba, anak? Inutusan ko pa siyang dalhin yung mga nahuli naming isda sa palengke. Yung kalahati, dalhin niya sa pagawaan ng sardinas na malapit lang dito."
"Pero baka maligaw po siya dito sa 'tin."
"Wag ka mag-aalala anak. Sinabi ko sa kanya ang mga direksyon at malinaw ko yun naipaliwanag sa kanya."
Lagot na.. Mukhang seryoso talaga si Tatay sa mga pagsubok niya.
"Mabilis lang siya, Seychelle. Parating narin siya. Huwag lang siya dudumugin ng mga babae doon."
BINABASA MO ANG
My Sweet Pianist
RomanceMemory's lost. Yesterday's unknown. Tomorrow's untold. But today is their chance.