Chapter 37: Bhest is Busted

340 12 3
                                    

Kath's PoV

Bakit ba ako nagtatago dito? Pinapanood ko lang naman sila.

Nandito ako ngayon sa labas ng dance studio dito sa St. Claire. Nakasilip ako sa circular glass window ng pinto habang pinagmamasdan kong sumasayaw ng hiphop ang mga estudyante.

Nakakainggit sila.

"Don't stare."

AY PALAKA!

May lalaki sa likod ko na nakatingin din sa mga estudyanteng nasa loob ng dance studio.

"Warren? Anong ginagawa mo dito?" 

"Same question. Ano ring ginagawa mo dito?" Balik nyang tanong sa akin.

"Hindi pa ba obvious? Pinapanood ko sila." Sagot ko.

"Bakit kasi hindi mo nalang sabihin kay Philip na gusto mo talaga ulit sumayaw?"

Napatingin ako sa kanya. His face is somewhat concerned.

"He will never let me... And he will never understand. Kapag nakarating to sa parents ko, baka pag-aralin na nila ako ng tuluyan sa ibang bansa malayo sa inyo.. Lalo na kay Seychelle.." malungkot kong sagot.

"You really treated Seychelle as your best friend?" 

"Of course. Why wouldn't I?"

"Then why won't you tell her about your passion?"

"Para saan pa? Kahit naman malaman niya, wala namang magbabago. I'm still hiding my passion in dancing. Kaya nga ako sumali sa underground dance group para makalayo sa pagpapanggap ko..."

Tinapik nya ang balikat ko.

"I'm sure Seychelle will never judge you. Maganda rin na may takbuhan ka ng mga problema. What are friends for, right?" He said smiling.

"I'd love to but I don't want to be a burden to her. Marami na nga siyang inaasikaso.. Tapos daragdag pa ako sa aalalahanin niya. Keeping this as a secret is the least I can do to help her.. And ayokong madamay siya sa gulo na pinasok ko once na malaman to ni Kuya Philip."

"Just tell her. Hindi ka naman magiging problema sa kanya."

"I can't Warren. Bakit ba ang hirap para sayo ang umintindi?" Medyong irita ko nang sinabi.

"Because I- I care for you. Kung sakaling mahuli ka ni Philip, at least may sasalo sayo. Ako at si Seychelle. I can't just let you down all by yourself."

"I don't need your symphathy. And why do you still care? We're done Warren. Stop acting like you still have feelings for me." Deretso kong sabi sa kanya.

"Don't get me wrong, Kath. Kahit na wala na tayo, it doesn't mean that we can't be friends anymore. It's what we have left and I don't want you to be left alone."

Matapang ko syang tinitigan. "I'm alone Warren but I don't need you. ANYMORE. At tanga lang na kaibiganin ang ex. Nothing has left on us. You take it all with you when when you broke up with me. So, shut all your shits, Warren." 

Iniwan ko na siya sa labas ng dance studio. The hell about him and his shits.

Kung maka-concern siya akala nya kung sino siya.

OO, NAGING KAMI. Pero TAPOS NA ANG LAHAT SA AMIN.

Yun lang yun. PERIOD.

Pumunta na ako sa pavillion as what Chris told me to. Samahan ko daw muna si Seychelle dahil hindi sya makakapunta... May pupuntahan daw sila ng 12th P.S. Warren better be with them. I don't need him.

My Sweet PianistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon