Chapter 6: My 1st mentor

753 25 3
                                    


1 year later...

Isang malalakas na palakpak ang sumalubong sa akin matapos akong magtugtog sa organ. May mga sumipol pa para lang iparinig ang pagkamangha nila. Kahit sa ganitong pagkakataon palang ay masaya na ako.

I bow down as a sign of my appreciation.

Nang makakaba ako sa stage ay binati din ako ng boss ko.

"You really lift up this bar. Congratulations!"

"Thank you din po."

Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa isang classical bar. Ito ang una kong pinasukang trabaho. Mabait ang boss ko kahit sa mga katrabaho niya. Ni hindi nga rin ako nahirapang mag-apply as a waitress pero heto ako ngayon. Isang pianist na.

"Sabi ko na nga ba't ikaw ang bubuhay sa bar na to. Kaya nagpapasalamat din ako sayo Seychelle."

Hours passed at di nagtagal ay closing time na. Napuno ang room ko dito sa bar ng mga bulaklak, invitation cards, chocolates, balloons and everything showing their admiration dahil sa pagtutugtog ko. Napuno din ako ng galak dahil ito ang first time kong makatanggap ng ganitong karaming pasasalamat at paghanga. Talo ko pa ang maraming mangliligaw, I smiled to myself while looking at my reflection on the mirror.

Pagkalabas ko ay naglinis na ako ng bar kasama ng iba pang waiters,waitresses at mga janitors.

"Ang galing mo talaga Seychelle!" Pagpuri sa akin ni Kathryn, my best friend.

"Salamat." Ngiti ko.

"Saan ka pala natutong magpiano? May piano ka ba sa Cebu?" Tanong niya habang naglilinis sa isang mesa at ako naman sa isa pang mesa.

"Wala akong piano sa Cebu, pero sumasali naman ako sa mga competitions doon. Bigla ko lang siya nadevelop." I answered while I transferred in another table to clean it.

"Ang galing-galing naman."

Maya-maya' lumapit ako sa kanya at bumulong.

"Kathryn, bakit may isa pa tayong customer dito? Diba closing time na natin?"

May nakaupo kasi doon sa may dulo ng mga table. Isang lalaki na umiinon lang ng red wine. Parang wala lang sa kanya na magsasara na kami. He looks like in his late 30's. Sa totoo lang, madalas ko siyang napapansin na nag-gagawi dito, at isa rin siya sa mga nanood sa performance ko kani-kanina lang.

"Hindi ko rin alam e. Baka kaibigan ni Boss."

And then, bigla siyang tumayo at lumakad...Papalapit sa amin. I turned back and went to another table to clean pretending I didn't see him coming towards us.

"You're Seychelle, right?" Pormal niyang tanong.

Napaluno ako at kinakabahang lumilingon sa kanya.

"Umm.. O-opo. Ako nga po si Seychelle. Bakit po, Sir?"

"I saw and heard you playing the organ and you amazed me."

"Uh, thank you po Sir."

"Call me Sir Miguel. Meron sana akong ibibigay na offer sayo."

"Offer? Ano po yun?"

"Isa akong musical mentor. I train gifted persons in any forms of music instruments they want."

Is this what I'm thinking? 

"I want to give you an opportunity to be a professional pianist." He presented.

My Sweet PianistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon