Chapter 23: The Conference (part 2)

429 13 1
                                        

Kamusta na kaya si Chris?

Hindi na kasi siya nagparamdam ulit matapos kong makita ung mga notifications sa phone ko mula sa kanya..

ANG TANGA MO KASI SEYCHELLE! You shouldn't have freaked out. Kung sinabi mo ba kaagad sa kanya ang pangalan mo edi sana, wala kayong away ngayon.

Hayy... kasalanan ko nga... Pero tama parin ba na minura nya ko?

Tawagan ko na kaya siya??? Baka naman nakapag cool down na sya.. Our relationship status is still on phase 1 and yet we're already having fights.

Ida-dial ko na sana ang number ni Chris nang....

Magtext ang 8888 na expired na ang unlicalls & text ko!!!

NAPAKA MALAS KO NAMAN NGAYON! BAKIT NGAYON PA NAG-EXPIRED KUNG KELAN KAILANGANG-KAILANGAN KO?!?

Hindi narin ako makakapagpaload dahil masyado ng malalim ang gabi. Malapit na mag-hating gabi e.

Ipagpapabukas ko nalang to...

Pero sana sa pagsapit ng umaga.... Sana maging okay na kami.


===

Few hours ago...

"Asan ka ngayon?" Tanong ng lalaki sa kabilang linya.

"I'm in a bar with a girl." Sagot niya.

"Are you with Seychelle?"

"Yes. How did you know? Are you eyeing on me?"

"Listen, leave the place now. We'll be there in 10 minutes. Chris is with us. Hindi niya gugustuhing makita kayo na magkasama. Take Seychelle home now. "

"Why should we leave? Shouldn't they talk to each other? Dapat nga sila pa magkasama ngayon dito at hindi kami."

"Only when you're not around, so just leave that goddamn bar now, Keon. This is red alert. Chris' memory is still messed up. Tama na muna yung nangyari sa mall. He doesn't remember you yet."

"Sa ngayon, oo. We can't hide from him like this forever. I returned here to see it for myself so you can't keep me away from them after all those years."

"This isn't the right time para magtalo. Ang mahalaga makaalis na kayo diyan ni Seychelle. Sinundan lang namin si Chris kaya panigurado mas mauuna siyang makarating jan. Just leave now. Huwag niyong hintayin na maabutan at makita niya kayo diyan."

Keon sighed. Wala naman siyang magagawa kung hindi ang sumunod muna sa ngayon.

"Okay."

And with that he ended up the call and immediately went back to the table where he left Seychelle.

Nagmamadali siyang iuwi ito para hindi sila maabutan ni Chris. Buti nalang hindi masyadong matanong si Seychelle.

Sa lahat ba naman ng bar, bakit dito pa?

===

Javier's PoV


"Ano sinabi nya?" Tanong ni Kiel.

"Ayun. Nakinig naman siya. Paalis na sila sa bar. Mabuti nalang tama ang hinala ko na magkasama sila pero bakit dun pa sa bar pupunta si Chris kung nasan din ang dalawang yun?!?"

My Sweet PianistMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon