Nakakainis talaga tong si Chris! First day na first day ng klase pero hindi man lang niya ako susunduin.
What kind of boyfriend is he anyway?
One week na ang nakalipas simula nang makauwi kami galing Cebu and we had the best summer vacation
Our first kiss...
My gosh... It still makes me blush and smile everytime I remember it.
Pero... Hindi naman yun nasundan ng marami pang kisses simula nang makabalik kami dito sa Manila. Not that I'm always after for it. Kung magkikita man kami, sa cheeks lang niya ako hinahalikan o kaya sa likod ng palad ko, paminsan naman sa noo. Ano bang problema??? He seemed a bit preoccupied when we got home... I'm starting to activate my curiosity again especially when he always spend his time with his friends, the 12th P.S.
Well anyway, wala akong kasabay pumasok sa school ngayon since next week pa ang pasok ni Kath. Going solo kaagad ako. Hayy... Buti nalang nai-tour ako nila Chris dito.
St. Claire International University.
My new school. New life. How 'bout new friends?
3rd year college ako pero irregular.
Nag-park na ako... 1st day kaya naka-civillian and I'm wearing a Sweetheart A-Line Dress from Forever 21. Nae-excite na ako isuot ang uniform ko kasi may touch of blue siya. May darkish-blue blazers ako with a blouse inside na light blue ang kulay na may kasamang black necktie with yellow stripes. Palda ang paimbaba na kasing-kulay ng blazers. Black socks dapat na hindi bababa ng once inch sa tuhod. IN ONE WORD: CONSERVATIVE. Balot na balot ang buong katawan ko pero buti nalang ay pwedeng tanggalin ang blazers except kung nasa klase.
Lumabas na ako sa sasakyan ko na C-Class Sedan na si Chris ang bumili 2 days before magpasukan. Hindi pa naman sira ang sasakyan ko and it's still on its latest model. Si Chris talaga.... Naglakad na ako papasok sa hallway. I'm currently looking for my classroom. Super irregular student ako ngayon. Nag-stop kasi ako nung magse-second year college ako since I need to focus more in my piano skills with Sir Miguel sa studio. Kaya marami akong kailangang habulin to get my Certificate of Music as an undergraduate student. And gusto ko rin makakuha ng Diploma in Creative and Performing Musical Arts (DCPMA) which is hindi lang sa pagpa-piano iyon naka-focus. Kapag nagawa ko ang mga yan, I can take a graduate program which is Master of Music (MM). Ang dami kong dadaanin na obstacles bago ko makamit ang gusto ko but I'm willing to do anything and everything. This is my passion.
Pero paaano ba naman ako makakapunta sa room ko kung buong mata ng mga estudyante dito ay nakatingin sa akin?!? I wish Chris was here, kaso baka mas lalo lang kami dumugin.
FINALLY! I found my room. 2nd floor East Wing. Ano kayang course ni Chris? He never told me about his course.
Few hours passed. TIME NA. Introduction to Music Industry kasi ang klase ko which is for 2nd year college. Okay lang, hindi lang naman ako ang tanging irreg sa classroom kanina.
There eyes were all on me. Awkward. Parang naka-glue ang mga paningin nila sa akin noong nakita nila akong pumasok sa room kanina. I just hope that they won't be giving me any special treatment. I'm not kind of person who wants special attention.
Break time na. Tumingin ako sa sched ko... May klase ako ng 11:30 to 1:00 pm. Ibig sabihin wala akong lunch. Ano ba namang klaseng schedule ito?!? I'm a hungry lady woman. Tiningnan ko ang wristwatch ko. It's 10 o'clock and I've got 1 hour and 30 minutes vacant. Kinuha ko naman ang phone ko sa shoulder bag ko. Wala paring text or missed call si Chris. Don't tell me first day ay absent na kaagad siya?
BINABASA MO ANG
My Sweet Pianist
RomanceMemory's lost. Yesterday's unknown. Tomorrow's untold. But today is their chance.
