Seychelle's POV
Few years back...
"Seychelle, anak. Hindi ka pa ba tapos sa ginagawa mo?" Tawag sa akin ni Nanay na biglang pumasok sa kwarto ko dahil wala namang pinto ang kwarto ko kung hindi kurtina lang.
"Sandali nalang po ito Nay." Sagot ko na palambing habang abala parin sa pagsusulat.
"Parating na ang tatay mo. Maghahapunan na."
"Opo, Nay. Tatapusin ko nalang po ito." Ngiti kong sabi.
"E teka nga muna, ano ba kasi yang sinusulat mo? Ba't ang haba naman niyan?" takang tanong ni Nanay.
Dahil sa nakadapa akong nagsusulat ay napatigil ako,umupo at humarap sa kanya. Natatawa akong sumagot kay Nanay.
"Si Nay talaga. Hindi po ito liham. Saka, sino naman po ang susulatan ko?"
"Kung ganun, tungkol saan ang sinusulat mo?"
"Diary lang po to Nay."
"Hindi ka ba mapupuyat niyan mamaya? Maaga pa alis mo."
Bigla akong natahimik.Luluwas na nga pala ako sa Maynila bukas.
"Hindi naman po. Baka nga mas mapuyat ako kasi mamimiss ko kayo ni Tatay."
"Susulat ka naman diba? Pwede ka namang mag-text, o tumawag. Libreng-libre ka pa ngang bumalik dito." Medyo nalulungkot na sinabi ni Nanay na umupo nadin sa tabi ko.
Napansin ko nga yun kaya nagbiro nalang ako, "Hay naku Nay. Uso na po kaya ang computer. Pwede tayong mag-chat sa facebook, o kaya mag-Skype. Di bale, padadalhan ko kayo dito ni Tatay ng laptop."
"Mamimiss ka namin." Malungkot na tugon ni Nanay.
"Nay naman e!" Saway ko ng bigla nang tumulo ang mga luha ko. "Huwag kayong ganyan. Alam na alam ko styles niyo. Ayaw niyo lang ako paalisin e."
"E kasi napamahal ka na samin ng tatay mo simula nang kinupkop ka namin." Naiiyak narin na sambit niya.
"Eto talaga si Nanay. Kaya mahal na mahal ko kayo ni tatay e." Sabay niyakap ko siya.
"Andito na ko. Cecilia? Seychelle? Andito na si tatay!" Tawag ni tatay sa may labas.
Nakauwi na si Tatay kaya naman nagsipunasan muna kami ni Nanay ng mga luha namin.
"Ano ba yan? Ang drama drama nating mag-ina." Biro pa niya.
"Kayo kasi e." Pabiro ko ding sagot.
Nang matapos ay lumabas na kami ng kwarto ko at nagmano na ko kay Tatay.
"Mano po, Tay. Kamusta po ang pangingisda?"
"Kaawaan ka ng Diyos,anak. Marami akong nahuling isda ngayon. Eto o, may inuwi pa ako."
"Si Tay talaga, kailan po ba kayo umuwi na unti ang mga nahuli niyong isda? Kulang nalang ay maubos na lahat." Nakangiti kong tugon.
"Ikaw kasi ang pinakamalaking nahuli naming isda ng nanay mo. Kaya isa ka ring malaking swerte samin. Hulog ka ng dagat,anak." Yakap sa akin ni Tatay.
"Hulog ng dagat kaagad, Tay? Hindi ba pwedeng inalon muna? Ahaha!" Natatawa kong sagot sa kanya.
"O sya-sya. Mapahulog o mapa-alon, masaya parin kami na nandito ka kasama namin." natatawa ding sinabi ni Nanay. "Nestor, akin na yung isda para may pang sahog tayo sa sinabawan."
Nang inabot ni Tatay ang mga extrang isda na nahuli niya ay nagluto na si Nanay.
"Sigurado ka na ba sa pagluwas mo bukas?" Tanong sa akin ni Tatay pagkaupo niya sa kawayang-sofa
"Opo naman Tay."
"Desidido ka na ba talaga?" tanong niya ulit.
"Desididong-desido na talaga Tay."
"Wala na bang makapagbabago sa desisyon mo, anak?"
Mukhang hindi parin tanggap maski ni Tatay ang pag-alis ko patungong Maynila kaya lumapit na ako sa kanya at tinabihan. "Tay, kailangan ko po itong gawin. Pangako po, lagi naman akong magpaparamdam sa inyo ni Nanay." lambing ko.
"Ano kamo? Magpaparamdam? Iba ata ang pinaparating mo anak e."
"Patawa talaga to si Tay. Pangako po, walang mangyayaring masama sa akin." Ganting biro ko.
"Magiingat ka palagi anak ha."
"Kayo rin po ni Nanay."
"O, nakahanda na ang hapunan." Tawag ni Nanay. "Aba, ang mag-ama nagda-drama." Malambing na saad matapos niyang maihain ang pagsasaluhan naming hapunan.
Nang matapos kaming maghapunan ay naglakad-lakad kaming pamilya malapit sa baybayin. Ako ang nasa gitna at magkakahawak kami ng kamay. Hindi ko hinayaan na mabasa ako kahit ang mga paa ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit at papaano, pero bumibigat ang pakiramdam ko sa tuwing ganito ako kalapit sa dagat. Pero dahil kasama ko naman si Nanay at Tatay, kahit papaano ay napapawi ang aking takot.
"Alam namin ng nanay mo na doon mo lang mahahanap sa Maynila ang mga kasagutan sa mga tanong mo."
"Basta huwag mo kaming kalimutan, Seychelle ha?"
"Hinding-hindi ko po kayo makakalimutan ni Tatay. Kayo ang pamilya ko, mahal na mahal ko po kayo."
"Pero may pamilya ka din na naghihintay sa yo." saad ni Nanay.
"Hindi ko nga po alam kung paano ko sila sisimulang hanapin.... Hindi ko naman parin po sila maalala."
"Mabait ang Diyos, hija. Huwag kang mawalan ng pag-asa." sabi ni Tatay.
"Salamat po, Tay."
"Magiingat ka anak."
"Opo Nay."
"Huwag kang gagawa ng mga kalokohan sa Maynila ha. Baka mamaya pag-uwi mo, buntis ka na." pabirong paalala ni Tatay.
"Hay naku talaga si Tatay. Pangako po yan. Mahal na mahal ko po kayo. Huwag din kayo mag-aaway ni Nanay ha. Magiingat din po kayo."
Kasalukuyan ay nandito na kami sa airport at papasok na ako sa entrance for domestic airlines. Naglakad na ako papasok sa sasakyan kong eroplano. I can no longer see the two people who took care and treated me as their own daughter. Pagkapasok ko sa loob ng eroplano ay doon ako umupo sa may windowpane para natatanaw ko ang mga ulap.
As the plane ready for take-off, walang ibang pumasok sa isip ko kung hindi saan at kung paano ko hahanapin ang buo kong pagkatao pagdating ko sa Maynila. I barely know the places there and I almost know nothing once I stepped in that place at hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin doon o kung meron pa ba talagang naghihintay sa akin sa pagluwas ko sa Maynila.
It's difficult to say but what do I have to lose?
BINABASA MO ANG
My Sweet Pianist
RomansaMemory's lost. Yesterday's unknown. Tomorrow's untold. But today is their chance.