Seychelle's PoV
Hi Nay. Kamusta na po kayo diyan?
[Napatawag ka anak. Ayos lang kami dito, tulad parin ng dati.]
Andiyan po ba si Itay? Gusto ko po siyang makausap. Madalas po kasing hndi ko siya naabutan pag tumatawag ako e.
[O sige anak, teka lang ha. Tatawagin ko siya.]
Narinig ko na tinawag niya si Tatay.
[Hello Anak?]
Tay! Namiss ko po kayo!
[Ako din anak! Bakit kasi ngayon ka lang napatawag? Nakakalimutan mo na tuloy kami.] Medyo Tampo ni Tatay.
Pasensya na po Tay. Nag-enroll pa po kasi ako. Saka laging wrong timing pag tumatawag ako dyan. Madalas po kasi kayong nasa trabaho..
[Oo nga anak. Pero talaga anak?!! Bakit di mo man lang sinabi na mag aaral ka n?!! Padadalhan ka namin diyan ng pang matrikula mo.]
Naku Tay, huwag na po. Scholar po ako sa University na papasukan ko kaya sagot na po nila lahat. Dahil po yun sa pagpa-piano ko.
[Proud na proud kami sayo ng Nanay Cecilia mo! Galingan mo Anak ha! Pupunta kami diyan pagka-graduate mo!]
Opo Tay. Namimiss ko po talaga kayo. Dalawang taon narin pala akong di nakakauwi dyan.
[Wag mo kami alalahanin dito. Ayos lang kami. Basta para sa kinabukasan mo at tumawag ka lang, mapapanatag na kami.]
Babawi po ako sa inyo ni Nanay, pangako.
[Nakabawi ka na anak. Maabot mo lang ang mga pangarap mo ay para naring natupad ang sa amin.]
Aww... Si Tay talaga ang sweet! I love you Tatay!!!
Maya-maya ay may biglang humalik sa pisngi ko..
"Chris!"
[Anak?!! Ano nangyayari dyan??!! Sino ang lalakeng yan?!! Sinaktan ka ba niya??!!]
Patay!
[Ah e... Ma-mamaya ko nalang po ulit kayo tatawagan. Si Chris po pala.. Siya ang... Siya ang sub-mentor ko sa piano.. Si-sige po.. Ba-bye po ulit Tay!]
*doo.doo.doo
Agad kong binabaan ng phone si Tatay which is ngayon ko lang ginawa sa buong buhay ko. Malaking kasalanan ito!
Tiningnan ko ng masama si Chris. WHY DOES HE HAVE TO DO THAT?!?
"You told your father that I was just your sub-mentor?"
"What are you saying? Isn't true? Saka, bakit ka biglang sumulpot dito?"
"You said that I'm just your sub-mentor." Ulit niya.
"Oo nga. Bakit ba ang kulit mo?! Bakit bigla bigla kang nanghahalik?! Bakit ka nandito?!"
Naiirita kong tanong sa kanya. Ibang usapan na kasi kapag si Tatay na ang nakarinig sa kabilang linya na may kasama akong lalake. Syempre kahit ako, iba ang papasok sa isip ko pag may narinig akong lalake sa kabilang linya ng kausap ko.
BINABASA MO ANG
My Sweet Pianist
RomanceMemory's lost. Yesterday's unknown. Tomorrow's untold. But today is their chance.